Chapter Nine

52.2K 188 41
                                    

Tulalang nakatitig sa kisame habang iniisip ang mga akala kong nangyari. Ang hindi ko maintindihan ay ang panghihinayang na hindi 'yon' nangyari.

Ginulo ko ang magulo ko ng buhok at bumangon. Di bale, pagtutuunan ko na lang ng pansin ang darating na pasukan. Matagal ko na rin namang hinahangad na makapag-aral sa 'tunay' na paaralan.

Alas cinco pa lang ng bumaba ako at magdesisyong mag eksperimento sa kusina nang madatnan ko doon si Kuya Gaizer. Likod niya ang bumungad sa akin kaya ng humarap siya ay agad niya akong nakita, na ikinalaki ng mata niya.

Duh! May kagulat gulat ba sa itsura ko?

"You're early!" he exclaimed

"Yeah"

Akmang bubuka ang bibig niya ng makarinig kami ng pagtikhim. We acknowledge Tito Raizer's presence.

"Dad! Why so early?"

"Because I'm going to work?" Tito Raizer's forehead crease.

"Tito Raizer, kailan po pala yung start ng klase?" tanong ko. Late enroll though.

"Two days from now. Gaizer already enrolled you. Don't know the course though?"sabay kaming napalingon kay Kuya Gaizer na nakatitig sa akin?

Creepy but hot

"Business Ad" he shrugged








Naglalakad na ako papuntang counter tulak ang cart na naglalaman ng mga gamit ko pang eskwela nang may lumapit sa aking lalaki na marahil na kaedad ko lang.

"Ahm, M-Miss, yung likod ng pants mo may dugo." mautal na sabi ng gwapong lalaking nasa harapan ko. Namumula ang tenga at kagat ang labi. Tila ba nahihiya.

Shit!

Agad niyang hinubad ang suot na tshirt sa harapan ko na ikinagulat ko. Pero sayang at may sandong itim na panloob. Wait–what?! Ang landi mo self!
Inabot niya ito sa akin na wala sa sarili kong tinanggap dahil sa pagngiti niya.

Fuck that dimple!

"Suotin mo na lang ito. Tiyak na matatakpan nito yung...yung nasa likod mo." nag-iwas ito ng tingin at namula.

Why so cute?

Sinunod ko ang sinabi niya, agad kong sinuot ang tshirt niya na hanggang hita ko na! Nagmukha akong hanger sa suot ko pero mas mainam na dahil may tagos ako.

"I'm Cliff Carvajal"

"Shaine" ngumiti na lang ako ng tipid sa kanya. I can't trust people easily. Kaya pangalan ko lang ang ibinigay ko.

Sinabayan niya akong papuntang counter. Nakakahiya rin na siya na ang nagbayad sa lahat ng binili ko na sinamahan niya na rin ng isang pack ng napkin. Kahit anong tanggi ko sa kanya ay inabot niya na ang credit card niya sa cashier.

"Sobra sobra na 'to Cliff. Thank you talaga. How can I pay you?" balak pa akong ihatid ni Cliff sa bahay ng sabihin kong may magsusundo sa akin.

"Just smile, Shaine" huminto na kami sa tapat ng kotse ni Kuya Gaizer.

"Sige na, mauna na ako Cliff. Thanks a lot"

"Hmm, can I get your number?" he blushed again handing me his phone. Inabot ko iyon at agad na inilagay ang numero ko.

Napakamot pa siya sa ulo.

"Shaine" matigas na boses ni Kuya Gaizer ang narinig namin.

Two is better than One (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon