Entry #1

38 11 1
                                    


Dear Diary,

To my dearest and loveliest diary. Hakhak!

Oh my god! Sorry diary ah? First time ko kasing mag diary kaya hindi ko alam kung pa'no sisimulan 'to. Sa totoo lang 'di ko naman talaga alam kung bakit ako nagsusulat ngayon. Siguro kasi wala akong mapagsabihan ng totoo kong nararamdaman. Napakabigat na ng aking dibdib diary! Naks naman!

Anyway diary, alam mo bang nakita ko kanina si Prince Charming? (Syempre hindi kaya nga iki-kwento ko sayo) Nakita ko si Prince Charming KO (Akin sya kaya wag kang ano!) na nag ba-basketball. Alam mo bang ang HOT nya? Super duper mega Hot! Yung tipong ultimo pagpunas nya sa pawis, mapapanganga ka? Kaya tuloy yung mga malalandi na babae na nanonood tili ng tili. Gusto ko na nga lang silang sabunatan ng matigil sila sa pagpapantasya. 'Di ba nila alam na si Jarrel Daze Puento ay kay Frish Zhia Dela Fuente lang?!

Ang sarap sumigaw ng "GO PRINCE KO! KAYA MO 'YAN! MAY KISS KA SA'KIN MAMAYA! LOVE U!" Pero syempre hindi ko ginawa 'yun. Baka madistract lang sya dahil taos pusong sumisigaw ang supportive girlfriend nya para sakanya. Pero syempre joke lang 'yun. Kahit siguro ipagsigawan ko na girlfriend nya 'ko walang maniniwala, kasi alam nila na si Frish ay patay na patay kay Jarrel, pero si Jarrel ay walang pakialam. Na kahit mag TAKI TAKI ako sa harap nya 'di na 'ko papansinin. Kahit mag tumbling o kaya ay mag bending ako sa harap nya, di nya ako susulyapan man lang, simply because he doesn't care.

HE JUST FUCKING DOESN'T CARE. AND IT'S FUCKING HURTS A LOT DIARY!

'Yan tuloy nainis na naman ako! Kasi naman eh! Bakit 'di nya ko magustuhan?! Maganda naman ako diary ah?! Kapatol patol naman! Kaakit akit! Kasarap sarap....Mahalin! (Diary wag kang green ah?)

So ayun nga, pagkatapos nung game nila agad akong lumapit sakanya at nag ala feeling girlfriend iketch. Pinunasan ko sya pero tinabig nya yung kamay ko at sinamaan ako ng tingin. Tapos nag walk out sya kasama yung mga ka team mates nya habang tumatawa.

So ayun, naiwan akong durog durog ang puso diary. Narinig ko pang nagtawanan yung mga nanonood pero 'di ko nalang pinansin. Sanay naman na ako.


Nagdadalamhati,

Frish na maganda.

P.S. May tissue ka ba diary? Naubos kasi yung sa'kin kakasinga ko sa sipon ko eh. Ayaw ko namang ipangpunas yung panyo ko. Basa na kasi dahil sa peste kong luha.








Ang Diary Ng Kontrabida (Pero Bida?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon