Dear, Diary.
Mukang 'di ko na matutupad yung pangako ko sayo diary. Na hindi ako susuko?
Nasa bahay na 'ko ngayon. At alam mo ba ang nangyare kanina sa restaurant nung nag cr ako diary? Pagkalabas ko kanina sa restroom, unang bumungad sa'kin ang isang gwapong lalaking nakasandal sa pader sa gilid. Alam mo naman siguro kung sino 'yun diary diba? Si Prince ko. Si Jarrel Daze Puento.
Nagtaka ako kung bakit nandoon sya. Eh ako lang naman yung huling babaeng nasa restroom. Sure ako na hindi pumasok si Meena doon kaya anong ginagawa nya roon diba?
Umayos sya ng tayo nung nakita nya ko diary kaya nagpanggap akong 'di sya kilala at lalagpasan sana sya kaso taena! Hinawakan nya yung braso ko diaryyyy!
"What the hell are you doing here?"
'Yun yung unang tanong nya sa'kin diary. Kaya napanganga naman ako. Bakit agad nya 'kong nakilala?
"Sinusundan ko kayo ni Meena! How dare you prince! Bakit 'di mo sinabi na may date kayo? Kung 'di nya pa 'ko tinanong kung anong magandang suotin hindi ko pa malalaman!"
"Hell? And why the heck i would tell you?! Date namin to! Fuck! Wala kang karapatang malaman Frish! Kasi tang*na! Hindi naman tayo! Hindi naman kita gusto!"
Alam mo ba diary na for the first time in my entire life, ngayon lang ako nasaktan ng ganito katindi? Parang dinudurog yung puso ko. Hindi ako makahinga.
Naiyak ako sa harap nya diary. And again, for the first time. Nakita ko syang nataranta. Para bang hindi nya alam yung gagawin nya.
Pero masyado na 'kong nasaktan diary para intindihin pa iyon kaya tumakbo na 'ko. Palayo. Palayo sakanya.
Nagdadalamhati,
Frish
P.S. Siguro mas mabuting iwasan ko muna sila diary?
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ng Kontrabida (Pero Bida?)
Ficção AdolescenteFrish Zhia Dela Fuente--Ang mahadera slash maharot na bitch na may gusto kay Jarrel Daze Puento. Pero dahil Kontrabida nga sya, hindi sya bet ni boy. At dahil epal na bitch sya, hindi sya papayag. Dapat sya daw yung Bida. Para maging sila ng Prince...