Entry #11

6 4 0
                                    

Dear Diary,

Ayun nga yung ginawa ko diary. Nakipaglapit ako kay Meena.

Nagulat pa nga sya ng inaproach ko sya eh. Syempre, sino ba naman kasi ang magaakala na lalapitan ko sya pagkatapos ko syang taray tarayan. Pero sobrang bait nya nga diary kasi tinanggap nya yung friendship na inoofer ko sakanya.

"Meena, pwede bang makipag kaibigan?"

"H-huh? O-kay."  Sabay ngiti.

Habang tinitingnan ko sya diary, doon ko nakita kung bakit sya nagustuhan ni Prince ko.

She's just too good to be true.

Ganda nya pa. Mabait. Matalino. Mayaman.

Tangna! Ang perfect nya! Eh ako? Ganda tsaka yaman lang yung panlaban? 'Di naman kasi ako matalino diary. Halos pasang awa lahat ng grades ko. Mas lalong 'di naman ako mabait.

Kaya bakit nya 'ko magugustuhan 'diba?

Nalulungkot,

Frish.

P.S. Ewan ko kung bakit nasa section B si Meena. Ang talino nya naman.

Ang Diary Ng Kontrabida (Pero Bida?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon