Dear Diary,
Wala namang masyadong nangyare ngayong linggo. Bukod sa natatawa ako sa pinag gagagawa ni Yell.(Yung mahadera naming kasambahay na kasing edad ko lang)
Si Yell kasi diary, short for Yellia Hadera Manusmos. Ayaw nyang tinatawag sya sa buong pangalan nya kasi ang baho daw pakinggan. So si Yell nga kasi diary ay may gusto kay kuya. (Oo diary, may kuya talaga ako. Akala mo lang wala.) Kay kuya Frosh Zian Dela Fuente.
Yung babaeng 'yun diary ay katulad ko lang rin. Desperada, kontrabida. Kasi nga diary, may girlfriend na si kuya, si ate Lianne Santos. Mahinhin, mabait, maganda at perfect. Pero itong si Yell, kung makapagpapasin kay kuya, daig pa yung girlfriend!
Pero kagaya ni Prince ko, ayaw din sakanya ni kuya.
Bakit gano'n diary? Lagi na lang nagiging bida yung mga mababait! Masisipag! Matutulungin?!Pa'no namin kami? Kami na mga bitches? Di ba namin deserve na maging bida? Lagi nalang ba sila? Pa'no kami? Ako?
Nalulungkot,
Si Frish na kontrabida.
P.S. Si Prince kaya diary? Gusto nya kaya yung mahinhin? Mabait? Yung ugali ng mga bida sa pelikula? Ayun ba yung mga gusto nya? Iniisip ko palang yun nasasaktan na'ko.
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ng Kontrabida (Pero Bida?)
Teen FictionFrish Zhia Dela Fuente--Ang mahadera slash maharot na bitch na may gusto kay Jarrel Daze Puento. Pero dahil Kontrabida nga sya, hindi sya bet ni boy. At dahil epal na bitch sya, hindi sya papayag. Dapat sya daw yung Bida. Para maging sila ng Prince...