Entry #3

17 6 0
                                    


Dear Diary,

VIOLA TO MY DEAREST AND LOVELIEST DIARY! CAPSLOCK KASI HAPPY IKETCH NGAYON!


Alam mo ba diary? Alam mo ba? Alam mo ba?! Excited na 'kong ikiwento sayo ang karanasan ko ngayong araw! Hehe.

So kanina, habang naglalakad ako sa hallway namin, may nakabanggaan ako diary! Eh yung ayaw ko sa lahat eh yung binabangga ako. Kilala pa naman aking war freak sa eskwelahan nato kaya walang bumabangga sa'kin. And then lumabas na naman ang pagka bitch mode ko. So ayun! Rinat-ratan ko yung guy na nakabanggaan ko.


"HOW DARE YOU! SINO KA PARA BANGGAIN AKO HUH? HINDI MO BA AKO KILALA?! AKO SI FRISH ZHIA DELA FUENTE! SI FRISH NA MAGANDA NA SEXY NA GOURGEOUS NA PERFE--"

Pero hindi ko na natapos yung speach ko diary kasi natawa si guy! Walanghiya diba? Sino sya para pagtawanan ang dyosang katulad ko? Rarat-ratin ko na sana ulit sya pero naunahan nya 'kong magsalita. Ang sabi nya..

"Wala ka pa ring pinagbago Zhia!"

Alam mo bang natulala ako do'n diary? Kasi iisang tao lang ang tumatawag sa'kin ng second name ko. 'Yung boy bestfriend ko nung elementary days. Si DALE! DALE GUZMAN.

Then tinitigan ko yung mukha nya at doon ko nakumpirma na sya nga 'yun! Ang bestfriend ko! Nandito na ulit! So ayun! Nagyakapan kami sa gitna ng hallway haha!



Medyo happy,


Frish na may bff na ulit!



P.S. Meron din naman akong mga girl bestfriends diary, sadyang 'di ko pa sila feel isama sa kwento ko sayo hihi.

Ang Diary Ng Kontrabida (Pero Bida?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon