Dear, Diary.
Sabado ngayon Diary. Tinanong kanina ni Meena kung ano bang magandang suotin sa mga date. Nagulat ako syempre. Bakit, may date ba sila ni Prince ko?
Pumunta ako sakanila. Oo diary, medyo napapalagay na 'yung loob ko kay Meena, aaminin ko. Ta's sya? Bestfriend na yata 'yung turing sa'kin.
'Yung mga kaibigan ko nga nagseselos na dahil lagi nalang daw sya yung kasama ko. Sinabi ko naman sa kanila na si Prince talaga yung rason kaya ako nakipaglapit sakanya. (Speaking of kaibigan diary. Umalis nga pala si Dale at pumuntang hongkong. Pero babalik rin naman daw sya.)
"Uuyy! Bakit? May date ka ba?"
Nag blush sya. "O-oo eh. Niyaya kasi ako ni Daze na makipagdate. Eh hindi ko naman alam yung susuotin ko."
Tumigil ang tibok ng puso ko doon, diary. Bukod kasi sa tinawag nya sa second name si Prince charming, niyaya pa syang mag date.
Tangna? So kung hindi pa sya nagtanong nang magandang suotin, 'di ko malalaman na may date sila?!
Naghahanda,
Frish.
P.S. Wait lang diary ah? Susunod kasi ako kay Meena. Aba! Hindi pwedeng hindi ko malaman ang mangyayare no!
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ng Kontrabida (Pero Bida?)
Teen FictionFrish Zhia Dela Fuente--Ang mahadera slash maharot na bitch na may gusto kay Jarrel Daze Puento. Pero dahil Kontrabida nga sya, hindi sya bet ni boy. At dahil epal na bitch sya, hindi sya papayag. Dapat sya daw yung Bida. Para maging sila ng Prince...