Dear Diary,
Alam mo bang nagulat si Prince ko ng makita nya kaming magkasama ni Meena? As in nanlalaki yung mata nya diary.
'Di nya kasi expect na makikipagkaibigan ako kay Meena. Alam mo kasi diary, kilala ako na kaugali ko yung mga kinakaibigan ko.
Hindi katulad nitong si Meena na sobrang kasalungat ng ugali ko.Niyaya ako ni Meena diary na maglunch kasama si Prince charming. Eh sino ba naman ako para tumanggi diba? So pumayag ako.
Kaso nagsisi ako diary. Sobrang sweet kasi nila. Alam mo yung feeling ng third wheel? Parang gano'n. Para ngang nakalimutan na nila ako kung makapagusap sila. Kung 'di pa ako tumikhim ng ilang ulit, 'di nila mapapansin yung presence ko. Tapos ang sama ng tingin sa'kin ni Prince charming diary.
Siguro kasi istorbo ako sakanila.
Nasasaktan,
Frish.
P.S. Siguro sila na noh diary? Kasi kung hindi, 'di naman sila dapat gano'n ka sweet. 'Yung tipong nagpupunasan ng bibig dahil may kumalat na sauce.
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ng Kontrabida (Pero Bida?)
Teen FictionFrish Zhia Dela Fuente--Ang mahadera slash maharot na bitch na may gusto kay Jarrel Daze Puento. Pero dahil Kontrabida nga sya, hindi sya bet ni boy. At dahil epal na bitch sya, hindi sya papayag. Dapat sya daw yung Bida. Para maging sila ng Prince...