Dear Diary,
Sabado ngayon, lang pasok, lang school, lang Prince Charming. Lang kwento. Pero kiber lang diary. (Meron pala akong kwento!)
Alam mo ba diary na inaccept na 'ko ni Prince ko sa FB?! Alam mo 'yun! Ang tagal tagal kong inintay na iaccept nya 'ko pero namuti na lang ang mga uwak wala pa rin!
And then kanina, nung nabored ako, inopen ko yung account ko and then boom! Nakita ko na lang sa notif ko na kami na! (Charot!) Nakita ko na friend na nga kami diary! Hakhak!
Alam mo ba diary na may kwento dati na naging magkaibigan sila pero nauwi sa pagiibigan? 'Di mo alam 'yun? Basta may kwentong gano'n! Kaya nga naniniwala ako eh.
Na balang araw, luluhod si prince ko sa aking harapan at ilalabas ang singsing sabay sabing....Will you marry me? Hakhak!
Nagiimagine,
Frish na inaaccept na sa fb hihi.
P.S. 'Di 'ko masyadong inoopen yung account ko diary. Pero mukang mapapadalas ngayon hihi.
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ng Kontrabida (Pero Bida?)
Teen FictionFrish Zhia Dela Fuente--Ang mahadera slash maharot na bitch na may gusto kay Jarrel Daze Puento. Pero dahil Kontrabida nga sya, hindi sya bet ni boy. At dahil epal na bitch sya, hindi sya papayag. Dapat sya daw yung Bida. Para maging sila ng Prince...