Dear, Diary!
GRABE DIARY!!! SUPPEERR GRABBBEEE! AS IN, GRABE, GRABE, GRABE, GRABE, GRABE, GRABE, GUSTO PA RIN KITA KAHIT GRABE GRABE! AY ANO BAYAN DIARY! NAPAKANTA TULOY AKO!
Anyway diary, naka capslock 'yan kasi intense! Intense talaga diary kasi PUMUNTA SI PRINCE CHARMING SA CONDO KO! (Nagulat kaba diary? Saan? Sa kadahilanang pinuntahan ako ni Prince o sa katotohanang may condo pala ako?)
At alam mo yung mas nakakagulat diary??!
POTA! MAY DALA SYANG BOUQUET OF FLOWERS!
Wait lang diary! Nasa sala sya ngayon at hinihintay ako!
Nagpaalam lang ako na may kukuhanin pero ang totoo sinulat ko lang talaga to!
Syempre mahal kita diary kaya dapat alam mo yung mga nangyayare sa life ko. So anyway diary, bababa na 'ko at naghihintay ang aking Prince!
Nagmamahal,
Frish na kinikilig.
P.S. DIARY, Ano nga ba yung meaning ng susuko na 'ko?. Paki paalala naman. Nakalimutan ko meaning no'n eh, hakhak!
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ng Kontrabida (Pero Bida?)
Teen FictionFrish Zhia Dela Fuente--Ang mahadera slash maharot na bitch na may gusto kay Jarrel Daze Puento. Pero dahil Kontrabida nga sya, hindi sya bet ni boy. At dahil epal na bitch sya, hindi sya papayag. Dapat sya daw yung Bida. Para maging sila ng Prince...