[4] Enemies

415 19 1
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟒


        SIMPLE LANG ang inihanda kong breakfast, Nagluto ako ng pancit canton, fried egg, bacon at gumawa ako ng toasted bread. Nagtimpla na muna ako ng kape bago ako napahilot sa sintindo ko. Pagkatapos namin kumain, niligpit ko na yung mga plato at si beks ang naghugas sa lahat. Dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko at nagsimulang maligo.

Sa sobrang kakaisip ko sa nangyari kahapon, natuloy na nga ang pagsakit ng ulo ko. Napabuntong hininga ako. Ano na kaya ang mangyayari mamaya?

Mabilis na nagkaroon ng mga choices ang utak ko.

A. Hindi papasok si Blood dahil  may sakit siya.
B. Makikita ako ni Blood pero wala siyang pakealam kasi hindi niya ako matandaan.
C. Kakausapin ako ni Blood at gagawing slave tulad ng mga cliché stories.
D. Babalatan niya ako ng buhay!

OMG.

Pinilig ko ang ulo ko at nagdasal. Sana hindi magkrus ang landas namin mamaya.

Natapos akong maligo in just fifteen minutes. I chose to wear white high-waisted jeans, a Stripe round neck shirt, White Gucci rubber shoes, and a black cap. I also wear a clear eyeglasses. Hinayaan ko lang na nakalugay ang straight kong buhok saka na ako bumaba pagkatapos mag-ayos ng sarili.

Sakto naman na bumaba na rin si Beks at pareho na kaming handa para pumasok sa school. Nakasuot lang siya ng isang long sleeves dress na may disenyong cherry. Lumabas na kami ng bahay, nilocked ang lahat at naglakad takbo na kami papasok habang nagdadal-dalan.

"May sakit ka ba? Para kang celebrity na nagtatago sa mga fans," Ani ni beks habang naglalakad kami.

"Sira! Wala akong sakit. Trip ko lang magsuot ng ganito," sabi ko at binigyan niya naman ako ng isang weird na tingin.

Pagdating sa blue academy ay mabilis kong hinila si beks papunta sa garden. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"Anong ginagawa mo?" Her eyebrows lifted.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Hindi muna ako tatabi sayo ngayon. Sa first row na muna ako uupo, ha?"

"Hala!? Anong meron?" Naguguluhang tanong niya. 

"I did something bad to Blood, Okay? Kapag nakita niya ako, for sure there will be warfare between us!" Sabi ko. 

Tumango na lang si beks na halata namang napipilitan. "Ahhh. S-Sige." Walang buhay niyang sagot.

        TULAD nga nung sinabi ko kanina kay beks, sa pinakaharapan nga ako umupo. Hindi ko inalis ang cap na suot ko kaya naman kanina pa ako pinupuntirya ng teacher. Ako na lang palagi ang tinatanong niya at syempre wala naman akong magawa kung hindi sagutin lahat ng mga tanong niya. Natapos ang klase at dalawa agad ang assignment sa iisa lang na subject!

Nakakairita si Ma'am!

Nangiti ako ng hindi makita yung tatlo. Sigurado akong pati bukas hindi sila papasok. Magaan ang pakiramdam ko ng pumunta kami ng cafeteria. Inalis ko na ang suot kong glasses at tanging cap na lang ang nakasuot sa akin. Naghanap kami ng upuan ni beks at iniwasan ang pwesto kahapon. Sabay kaming nag order ni beks at tanging carbonara at 1pc of fried chicken ang in-order ko. Syempre may kasamang coke at dessert. Pabalik na ako sa lamesa namin nang marinig ko ang tilian nila.

Nangatog ang binti ko at dumiretso ang tingin sa entrance ng cafeteria. Nangapal ang labi ko at huli na ng maagapan ko ang ginawa ni Blood sa akin. Muntik na naman matapon yung mga pagkain ko!

Nagkatinginan kami ni Blood, yung tingin niya sa'kin parang nangangain. Mukha siyang galit sa'kin, halata naman sa pisngi niyang mamula-mula.

"Waeyo?!" Gusto kong kutusan ang sarili. Tumalim ang tingin sa akin ni Blood kaya kinabahan na naman ako.

HATE OR  LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon