[14] Epic Flip Cup

308 7 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟒

Pumalibot kami sa isang pahabang lamesa kung saan nakapwesto ang mga alak, red solo cup,  asin, lime, at ibat-ibang chichirya. May mga iilan na naiwan sa pool area pero halos ang mga babaeng bisita ay nakisali sa amin.

"So, what's the consequences kung hindi tumayo yung cup?" Tanong ni Calvin habang nakaakbay siya sa babaeng nakasuot ng puting bikini.

"Each player has three chances to flip the cup. If you fail to flip the cup, you need to pick your consequence in this container. It's either truth or dare." Sagot ni Paul, member ng blue dragons.

"But before that, each player has to take a shot. Then, If ever you didn't flip the cup, you need to take another shot before picking a consequence," Rajie stated.

"Bale, dalawang shots..." Dinig kong bulong ni Sabrina.

Mabilis kaming pumwesto. Nasa magkabilang gilid  ko sina Shirley at Sabrina, habang nasa harapan ko si Blood. Binigyan ng tig-isang shot ang lahat, may kasamang lime ang bawat cup.

"Sandali lang, baka may underage pa dito, ah?" Biglang hirit ni Paul.

"Mardux is still underage!" Shirley talks like the hind legs of a donkey.

Pumula ang pisngi ko. Really? Kailangan ba talagang ipangalandakan ang edad ko? I will turn eighteen next month!

"I'll be eighteen next month!" I stated, defending myself.

"Are you allowed to drink?" Tanong ni Clint.

I nodded. "Yes!"

"Don't worry about her, guys! Nung nasa Korea pa kami ay halos gabi-gabi kaming pumupunta sa club... She can drink five bottles of soju without even flinching." Shirley said, grinning like she's proud of me.

"Y-You don't have to tell them that..." Pigil ko sa kanya.

"Mianhe..." bulong niya at napailing na lang ako.

Nagsimula na ang laro at enjoy na enjoy ang lahat.

Ang mga members ng blue dragons ang nauna sa pangunguna ni Calvin. Sumunod si Rajie, napatayo niya agad ang cup sa isang subok kaya hindi niya na kailangan bumunot sa bowl. Sumunod si Paul at hindi niya napatayo ang cup kaya nagtake siya ng isang shot bago bumunot sa bowl. Hanggang sa naging sunod-sunod na ang mga naglaro.

May sumayaw, may kumanta, may pinatalon sa pool, may uminom ng pinaghalo-halo condiments. Hanggang si Blood na ang humawak ng cup. He first took a shot before flipping the cup. Naghiyawan ang lahat nang hindi napatayo ni Blood ang cup. He cussed before taking another chance, but he failed.

"Anong nabunot mo? Truth or dare?" pang-aasar ni Calvin.

"Darn! It's a Dare!" Sabi ni Blood.

Inagaw ni Rajie ang papel sa kanya at binasa ang nakasulat. "Hold hands the person in front of you for 10 minutes." Basa niya sa papel.

Sabay-sabay silang napatingin sa'kin. Shit! Ako lang naman ang kaharap ni Blood!

Wala kaming nagawa kung hindi gawin ang nakasulat sa dare. Napalunok ako nang mahawakan na nang tuluyan ang kamay niya. His hands are soft, and big compare to my hands. I bit my lip when I felt my hands are slightly trembling.

HATE OR  LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon