[7] Project or disaster?

319 16 2
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟕

     MAAGA akong nagising kaya ako na rin ang nagluto ng almusal. Tanging pancake, waffles at fries ang niluto ko kaya mabilis akong natapos. Hinihintay ko lang na magising si Beks habang nagbabasa ng libro. Natapos akong maligo at nagsuot lang ako ng brown pencil skirt, Pink off shoulder na may disenyong dream catcher at ankle boots na kulay tsokolate. Wala akong ginawang espesyal sa buhok ko kung hindi ang dalawang hair pin na kulay puti.

   Nakarating kami ni beks sa Blue academy na medyo maaga kaya naman nagbasa na lang muna kami ng libro habang hinihintay ang oras. Dumating na ang iba naming kaklase kaya ibinaba ko muna ang binabasa kong libro bago kuhanin ang tumbler na palagi kong dinadala. Uminom ako saka ako ulit nagpatuloy sa pagbabasa.

    DUMATING ang Teacher namin na wala yung tatlo. I mean sina Clint, Lance at Blood. Nagsimulang magdiscussed si prof Novie tungkol sa project ng biglang bumukas ang pinto. Lahat kami napatingin sa bumukas na pinto at doon ko nakita ang tatlo. Unang pumasok si Lance na nakasuot ng faded jeans at white long-sleeves na bukas ang tatlong butones. Si Clint na nakasuot ng itim na slacks at naka gray v-neck shirt. Si Blood naman, He's wearing a navy blue denim jeans and a checkered flannel jacket.

They don't really look like a fourth year high school student. They look mature than their age, maybe because of their foreign blood and, height. Hindi na ako nagtataka kung bakit nakasunod pa rin sa kanila ang mga mata ng mga kaklase namin. They're enchanted by their looks.

Inalis ko na ang atensyon ko sa kanila at nagfocus na lang ako sa pakikinig sa sinasabi ng teacher.

"Sanchez and Romero!"

"Go and Monti!"

"Calvez and Jacinto!"

Nagtatawag si prof Novie ng mga magiging magkagroup. May project kasi kami sa subject niya at kailangan namin ng partner.

"Agustin and Dashwood!"

Si beks 'yon ah?! Ang swerte naman ni Beks, Mabait at halatang matalino ang partner niya. Nangahalumbaba na lang ako habang naghihintay ng magiging ka partner.

"Ramirez and Dela cruz!"

"Pemberton and Ong!"

Did I hear my name right?  

"Come on! Class, Go to your partner para madiscussed na nating mabuti ang project niyo." Napatingin ako kay prof Novie saka inilibot ang tingin sa mga kaklase ko na nagsisimula ng tumayo at puntahan ang mga ka partner nila.

Sino kaya yung Pemberton?!!!!!!!

"Ahem!" Napalingon ako ng may tumikhim at umupo sa tabi ko. Gulat akong napalingon kay Blood. Siya ang partner ko? 

"Ano bang tinutunganga mo dyan?" He snorted.

My lips parted in agast. "Ikaw ang partner ko sa project?"

"Halata ba?!"

Magiging perfect kaya itong project namin o disaster???

     GULAT AKONG NAPALINGON kay Blood. Nakangisi siya ngayon habang nakatingin sa'kin. Bakit sa lahat ng pwede kong maging ka partner sa project na ito si Blood pa?

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at napatingin na lang ulit kay Ma'am Novie nung magsalita siya ulit. She's discussing our first project smoothly. "Did you get my point? Gusto kong mas kilalanin niyo ang bawat isa. You need to interview your partners and ask them about their likes and dislikes, Share you dreams, motivations and even your love life. But this is the twist." Napalingon ako kay Blood na isinandal ang likod sa arm chair.

"You need a proof that you really interviewed your partners, so strike a pose and print it and show us in the day of the presentation. That's all." Napatili ang mga iba kong Classmates sa huling sinabi ni Ma'am. 

Halatang pabor sila sa sinabi ni Ma'am na twist which is the proof. And I'm not even happy with that lalo na at si Blood ang partner ko. I sighted. Kung sanang sina si Beks o si Clint na lang sana.

"So, kailan natin sisimulan ang project natin Ms. Ong?" Liningon ko si Blood saka ako nagbuga ng mahinang hininga.

"Are you free tomorrow? Saturday naman bukas and I think tomorrow is the best day to do it." Nilagay ni Blood ang index finger niya sa sintido niya.

Tumango si Blood. "So should I fetch you or sa bahay mo tayo gagawa?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Gagawa?! What?!" Bigla akong kinutuban ng masama.

Kumunot noo naman si Blood sa akin. Nagtataka sa naging reaction ko sa sinabi niya.

"You're weird," sabi niya na may kasama pang pag-iling sa ulo.

"Ikaw ang weird no!" Mabilis na tanggi ko. Nagkrus siya ng kamay saka nilapit sa akin ang mukha kaya umatras ako.

"You are weird. So, saan na nga tayo gagawa ng project?!"

Umawang ang bibig ko. Pro—ject? Gagawa lang kami ng project!!!! At teka anong LANG! Hindi ako naghihinayang ah!

"Meet up na lang tayo sa mall." I almost whispered.

"All right! Let's meet up at FFM mall." Hindi na ulit ako nagsalita. Sana maging maayos ang project na ito.

     "HALA! Si Blood ang partner mo?!" Gulat na gulat si beks sa sinabi ko kaya tumango ako saka ako nagtalukbong ng kumot. Nakauwi na nga pala kami sa bahay at nasa living room kami ngayon, gumagawa ng assignment sa English. Mabilis kong tinapos ang paggawa ng essay na minimum 150 words saka ko isinandal ang ulo ko sa lamesa.

"Sana maging maayos ang project namin." Nanghihina kong sabi.

"Mabuti na lang pala si Clint baby ang partner ko." Nagtaas naman ako ng tingin kay beks at nakita ko siyang nakayakap sa sarili niya.

Hindi na lang ako nagsalita at iniligpit ko na lang ang libro na ginawa kong reference, ang notebook kong blue at ang ballpen ko.

"Oh, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni beks dahil bigla akong tumayo.

Tinuro ko ang direksyon ng kwarto ko. "Magpapahinga." Tipid na sagot ko tska ko siya tinalikuran.

Pagkadating ko sa kwarto ko, mabilis akong humiga at niyakap ang mahaba kong unan. "Ano kayang mangyayari bukas?" Mahaba akong bumuntong hininga at pumikit.

Kinabukasan...

"SAAN KAYO MAGKIKITA?!"

Sumimsim muna ako ng kape bago sinagot ang tanong ni beks. "Sa FFM mall." Tipid na sagot ko tska kumuha ng isa pang bacon at inilagay sa plato ko.

"Ngek?! Paano naman kayo makakagawa ng project doon eh maingay?" Tanong ni beks na gulat na gulat sa sinabi ko.

"May coffee shop naman,"

After namin mag breakfast ni beks, naligo na ako at umalis na rin ng bahay. Simple lang ang suot ko, Tutal sabado naman at walang pasok kaya black leggings na lang ang suot ko at kulay pink na over sized T-shirt na nabili ko sa H&M. I also wore my baseball cap and a sling bag.

Hindi na ako naglagay ng makeup dahil si Blood lang naman ang kikitain ko sa mall.

*****

HATE OR  LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon