[17] PROM

318 10 0
                                    

      𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟕

    LUMIPAS ANG isang buwan na sobrang daming nangyari. Sobra kaming naging abala sa mga assignments at sa third quarter examination namin. Sa wakas, ilang buwan na lang ay aakyat na kami sa entablado para makuha ang aming mga diploma.

"Hey, taste this..." 

Mula sa pagsusulat ng lecture na sinulat ng teacher kanina sa white board  ay napunta sa lalakeng nakaupo sa likuran ko ang atensyon ko. Blood wearing his school uniform is looking so dashing and fresh while holding the silver foil container.

"Huh? Ano 'yan?" Tanong ko, nagtataka at nabibigla dahil bigla niya akong kinausap.

"It's a Cheese cake." Bulong niya habang sinisipat kung mapapansin ba ng teacher na nag-uusap kami.

Mabilis pa sa alas-kwatro akong napaharap sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya at sunod-sunod akong napalunok nang makitang nakakatakam 'yon. Gosh! I love cheese cake so much!

My eyes suddenly sparkled. "Sure!" I smiled widely.

Kinuha ko ang cheese cake sa kamay niya at mabilis na tinikman. Mabilis na kumislap ang mga mata ko.

"Waah! Mashta!"  Napatakip ako sa bibig ko dahil napalakas ang pagkakasabi ko.

"Shhh!" Suway ng teacher kaya nagbaba ako ng tingin at nagkunwaring nagsusulat.

I heard Blood chuckled. "You're welcome,"

"Thank you, Blood." He just lifted the side of his lips bago bumalik sa maayos na pagkakaupo.

For the past weeks, masasabi kong naging friends na talaga kami ni Blood. Although hindi pa rin talaga nawawala yung matinding asaran at pikunan sa aming dalawa but I can say that we're more comfortable with each other now. Palagi na kaming sabay kumain ng lunch at snack time kapag walang practice ang blue dragons. Syempre, kasama namin sina Clint, Lance at Shirley. Minsan rin ay nakakasama namin si Sabrina.

Natigilan kaming lahat nung biglang may kumatok sa labas ng pinto ng classroom namin. Binitiwan ng teacher ang hawak na libro at marker bago dumiretso sa harap ng pinto at buksan ito.

"Hello, Sir!" Nakangiting bati ng isang lalakeng sa tingin ko ay mas bata sa amin.

"Enzo! What are you doing here?" Tanong ni Sir.

"Announcement, Sir."

"Oh! Yeah, Come in. I'll give you 10 minutes to do the announcement." Sagot ni Sir.

"Hello! Good Morning, Everyone! I'm Enzo Lopez, The Student Council President of Blue Academy..." sabi nung lalakeng nakatayo sa harapan ng buong klase. "It's my pleasure to announce that we have our prom night on Friday. 7:30 PM. The place is at the function hall of Hotel Azzurro. The Theme of our prom night is hollywood...''

Dahil sa sinabi ng President of the Student Council, Biglang tumili at humiyaw sa saya ang buong klase.

"I'm so excited!"

''Oh my gosh! Seryoso ba?!''

"Kailangan kong pumunta sa salon bukas!"

"Shh! Class, Observed silence, please!" Sabi ni Sir kaya biglang tumahimik ang mga kaklase namin. Nagsimula ulit siya sa pagdidicuss sa buong klase.

"That's all for today! Class dismissed! See you on Friday, Class!" Nakangiting sabi ni Sir kaya naghiyawan na naman ang mga kaklase namin.

"I'm so excited! This will be our first time experiencing Prom!" Napalingon ako kay Shirley na bigla na lang napunta sa harapan ko.

HATE OR  LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon