[5] Blue Dragons Headquarters

375 18 1
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟓

     NANGINGINIG ANG kamao ko sa galit. Nakakainis talaga siya! What did he think of me? His slave or servant?! He's really annoying as into the highest level!

Saka saan ba yung gymnasium dito?! Nagpalinga-linga ako sa paligid habang bitbit ang tatlong box ng pizza. Bumuntong hininga ako. Mabuti na lang at hindi niya pinagdiskitahan ang pagkain ko kanina dahil kung hindi, makakatikim na talaga siya sa akin ng flying kick! Biro lang!

Napatingin ako sa babaeng napadaan kaya hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya. 

"Hello miss, Can I ask you a question?" Nahihiyang tanong ko.

Tinignan muna niya ako saka tumingin sa dala kong pizza. "Sure. Ask me anything."

"Saan ba yung gymnasium dito?"

"Oh,  Is that for Blood?" Tanong niya na ikinabigla ko.

Paano niya nalaman?! Mind reader ba siya?

"I'm not a mind reader. Hehe! Nasa kabilang building yung gymnasium! Kaharap mismo ng shower room ng mga blue dragons." Tinuro niya yung mismong hallway papunta sa kabilang building kaya ngumiti ako ng pagkalaki-laki.

"Thank you," sabi ko at tumango lang siya tska nagmamadaling umalis na.

Sinundan ko yung sinabi ng babae, pumunta ako sa kabilang building kasi doon pala yung gym na sinasabi nung bwisit na lalakeng 'yon!

Tapos tumigil ako sa isang kulay asul na pinto. May nakasulat na B.A GYM tapos may mukha ng dragon pero kulay blue. 

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok gamit ang siko ko. May bitbit akong pizza kaya siko na lang ang ginamit ko. Mabilis kong nilabas ang ngiti ko nung bumukas yung pinto at isang lalakeng walang saplot ang lumabas.

Tumutulo yung pawis niya mula sa noo hanggang sa abs niya kaya napalunok ako. "Miss, Do you need anything?" Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin.

"Yes, I'm looking for B-Blood."

''Oh, Right! Ikaw yung kanina pa niyang hinihintay!''

      PUMASOK na ako ng tuluyan sa loob. Sinundan ko yung lalakeng mala adonis ang mukha at katawan. At napanganga ako nung makita ko ang kabuuan ng gymnasium. You can see a combination of blue and red bleachers throughout the gymnasium. The wall of the gymnasium is painted with blue and white paint. There's a lot of lights hanging on the ceilings. The platform is extremely artistic, It has a combination of red and blue dragon face painted on the floor.

Centralized ang buong gymnasium at hindi ako sigurado kung tama ba ang nakikita ko pero parang may nakikita akong mini bar sa may gilid.

Napanganga ako nung dumako ang paningin ko sa court, May mga lalakeng walang suot na damit! At higit sa lahat nakatingin silang lahat sa akin!

Nahihiya ako dahil alam kong ang dugyot kong tignan dahil sa pawis na naipon sa pagmumukha ko.

"Mabuti naman at nandito kana! Sobrang tagal mo! I've been waiting for you for 20 minutes already!'' Napalingon ako sa nagsalita at ayon ang hudyong prinsipe na prenteng nakaupo sa pinakataas na upuan.

Kasama niya sina Clint at Lance habang may hawak na... Teka! Bawal ang beer  sa school, ah?

Bumaba silang tatlo tapos lumapit sila sa'kin at kinuha naman ni Clint yung tatlong boxes ng pizza sa akin.

"Ano ang mga flavor?" Tanong ni Lance kaya napatingin ako sa kanya.

"Hawaiian, Pepperoni Pizza, and overload cheese." I answered, still catching breathe.

HATE OR  LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon