[2] First Day Of Class

707 24 2
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐

     MAS MAAGA akong nagising kay beks kaya ako na lang ang magluluto ng pagkain namin ngayong umaga.

Habang nagluluto ako ng mga almusal, nagtimpla na muna ako ng kape para sa'kin. Kapag ganitong may pasok sa school, maaga talaga akong gumigising. I always wake up around 6 in the morning since I was studying in Korea. Yes, Sa Korea ako nakapagtapos ng 3rd year high school at 4th year naman ako ngayon dito sa Pilipinas.

Bale,  I live here in the Philippines for about a year with my best friend slash cousin, Si Shirley Rebecca Agustin o mas kilala sa nickname niyang beks. Pero dito ako sa Pilipinas pinanganak at nagmigrate lang kami sa Korea nung four years old ako. Doon na kami tumira at doon na ako lumaki. But not until I was 17 years old because I went back to the Philippines to finish my study here.

Natapos akong magluto ng bacon kaya sinunod ko naman ang pagprito ng itlog at ang fried rice. Nagluto ako ng corn soup at pagkatapos kong lutuin lahat ng mga kailangan kong lutuin, inayos ko naman yung lamesa.

Tinignan ko ang oras sa malaking wall clock na nakasabit sa itaas ng refrigerator, 6:50 am pa lang. Napabuntong hininga ako bago humigop ng kape. Mamaya na lang ako maliligo pagkagising ni beks tutal 9 am naman ang first class namin ngayon. Naalala ko ang uniform at p.e namin na mamaya pa lang namin makukuha.

Before anything else, let me introduce myself. My name is Mardux Hillary Ong, 17 years old. I was born in the Philippines but, I live most of my life in Busan, Korea. I'm Half Filipino & Korean. I have a brother, and he's Blake Alexandrei Ong, 21 years old.

Both of my parents live in Korea to focus on our business. My mom is a fashion designer and, she owns a clothing botique in Korea. Habang si Papa naman ang nag-aasikaso ng Financial Consulting Firm namin sa Korea. Kaming dalawa lang ni kuya ang nandito sa Pilipinas pero hindi kami sa iisang bahay nakatira. He's living in his condo that is also one drive away from his school.

Si beks ang kasama ko sa bahay at pareho naman kaming pinayagan ng mga parents namin. Nakakatuwa nga dahil walking distance lang ang school namin kaya pwedeng-pwede lakarin. Nagshare ang parents namin na bilhin ang bahay na ito at sila rin ang nagbabayad ng mga electricity kaya wala na kaming problema. Pareho kaming Korean ni Beks at first cousins ang mga mommy namin. 

Napalingon ako sa hagdan nang marinig na pababa na si Beks. At tama nga ako kasi heto siya papunta sa harapan ko habang sabog ang buhok at gusot pa ang damit.

"Good morning." Nakangiti akong binati siya.

"Morning." Sabi niya sabay upo sa mismong harapan ko. Sinilip niya lahat ng mga bowl na naglalaman ng mga niluto ko sabay tingin sa akin. "Ano kayang susuotin natin?" 'yan ang tanong niya na ikinatawa ko ng mahina.

"Maghilamos ka muna at ang panget mo sa umaga," sabi ko na bahagya pang natawa.

Hindi man lang siya nagreklamo tulad ng nakagawian, kaya paniguradong umaga na siya nakatulog kagabi.

Natapos mag-ayos si beks kaya nagsimula na rin kaming kumain. "Tsamina mina, eh eh! Waka waka, eh eh! Tsamina mina zangalewa, This time for Africa!" Kumakanta pa si beks ng lumang kanta habang sumasayaw ang balakang at ngumunguya ng bacon.

Napailing na lang ako. "Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil excited akong pumasok ngayon." sabi niya bago tumuhog ng fried egg at bacon tapos nagpatuloy na siya sa pagkain.

"Kaya pala parang nakipagsuntukan yung eyebags mo. Hahahaha!" Sabi ko bago humigop ng corn soup na niluto ko.

''Basher ka masyado!'' Pambabara niya na ikinatawa ko lang.

HATE OR  LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon