Part 5

1K 37 5
                                    

This update will be Lei's POV only. Hehe. Sorry for the confusion✌

***

Nicolei

Nandito ko ngayon sa loob ng kotse ni Tim, kasalukuyan ko silang pinapanuod ni Dianne na magkaharap at naguusap. Kitang kita ko ang pag iyak ni Dianne. Sa totoo lang sobra akong naaawa sakanya.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko maramdaman sa nakikita ko. Hindi madali ang magmahal ng hindi ka mahal, lalo na't kung yung minamahal mo ay minsan ka rin naman minahal. Sobrang unfair lang ng pagkakataon. Bakit nga ba kailangan umabot sa ganto ang lahat? Bakit kailangan may masaktan bakit kailangan may lumuha? Bilang kapwa ko siya babae nakukuha niya ang aking simpatya, ngunit hindi ako galit kay Tim. Hindi ko man alam ang tunay na dahilan kung bakit kailangan nila umabot sa ganto pero wala ako sa posisyon manghusga ni isa sakanilang dalawa.

Mahirap. Sobrang mahirap ang mapunta sa ganyang sitwasyon. Naranasan ko narin naman magmahal ng ibang lalaki maliban kay Tim. Hindi man kami naging magkarelasyon pero alam kong minahal ko siya at mukhang ganun din naman siya. Pero may mga bagay lang talaga na hindi nagwowork, kahit subukan niyong sumugal sa pagmamahal, meron at meron talagang matatalo isa sainyo.

Pero kung iisipin, isa nga lang ba ang talo pag nabuwag na ang isang relasyon? Maaaring oo naiwan ka, nasaktan ka pero yung nang iwan ba masasabi mong hindi narin nasasaktan sa ginawa nilang desisyon? Hindi din ba nila nararamdaman ang pagkatalo? Sa palagay ko, parehas lang sila ng sakit na nararamdaman sa magkaiba lang sigurong paraan.

Nakita kong nagpahid na din ng luha si Tim. Kasalukuyang nakayakap sakanya si Dianne. Nakakaramdam ako ng bahagyang kirot mula sa dibdib ko. Dahil tingin ko hindi naman magiging ganyang ang reaksyon ni Tim kung hindi siya naging totoo kay Dianne.

Inalis ni Tim ang pagkakayakap nito sakanya at hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at pinunasan ang walang tigil na luha ni Dianne. May sinabi siya at maya maya pa ay hinalikan niya ito sa noo.

Napalunok ako sa nakita ko. Para bang may biglang bumara sa lalamunan ko.

Matapos niya itong halikan sa noo ay tumalikod na siya at naglakad na pabalik dito sa sasakyan.

Hindi ako nagsalita. Hindi ako tumitingin sakanya.

Ganun din siya. Hindi siya nagsasalita o anuman. Pero pinaandar na niya ang sasakyan.

Nang makaalis sa lugar ay bigla niya na itong pinaandar ng mabilis at agad din huminto sa di kalayuan ng aming pinanggalingan.

Napaharap ako sakanya at lumuluha na siya ngayon habang nakatingin sa manibela.

"Hey, its okay" at kinuha ko ang kanang kamay niya mula sa manibela.

Naluluha na din ako. Nasasaktan akong makita siyang nahihirapan.

"Napakasama ko ba para mangyari sakin to?" Sambit niya

"Sshhhh. Oo nasaktan mo siya and you are hurting too, but it doesn't mean that you're a bad person"

Niyakap ko siya.

Niyakap ko siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
REUNION (Complete)Where stories live. Discover now