Part 6

827 34 4
                                    

Timothy

Nakatigil na kami ngayon sa tapat ng building ng condo ni Lei.

"Thank you for today, baby" sabi ko sakanya and I held her hand.

Tumango siya at ngumiti bago nagsalita.

"You'll be fine. If you need a friend don't forget that I am still here ha. You can tell me anything"

"Yes, I will tell you everything" hinalikan ko ang kamay niya.

Nakasandal kami parehas at hawak hawak ko parin ang kamay niya. Ayoko ng bitawan. Ayoko ng matapos ang gabing to.

Walang umiimik saaming dalawa. Nakatingin lang ako sakanya at siya naman ay diretso ang tanaw ng kanyang mata.

"Anong oras ang pasok at uwi mo bukas?" Tanong ko sakanya.

"8 am to 5 pm" sagot niya.

"Sunduin kita ha. Ihahatid kita sa office mo"

"Okay." Nakangiti niyang sagot.

"Umm, can we stay like this a little longer? I know its a bit late na but pwede extend kahit 30mins.?" Tanong ko sakanya

Humarap siya sakin at bahagyang ngumiti "Okay" sabi niya

No one dares to talk after she said that. Sobrang dragging ng nangyari ngayong araw. But still, I am really grateful because she's with me.

She's indeed my light.

Kahit gaano kahirap basta nandyan siya, okay ako.

"Umm, bakit pala kayo naghiwalay? If you don't mind?" Bigla niyang tanong sakin na nakapagpatigil sa mga iniisip ko.

Walang pagaalinlangan naman akong sumagot.

"After you decided to cut your communications with me, I felt so alone. I kept myself busy sa school hanggang sa maka graduate at magkatrabaho. Nagkakilala kami sa work. We were both newly hired that time. Siya ang partner ko sa lahat ng trainings, team buildings and kasa-kasama ko every break. Hindi ako nahirapan maging kaibigan siya. Mabait, masaya kasama. She's a good listener too, like you. We really had a good start ni Dianne. At some point, I thought same kayo ng values and personality. When we decided to make it to the next level, everything became new. She's extra sweet, caring and clingy which is normal sa magkarelasyon and I don't mind at all. I find it necessary kasi nga in a relationship kami."

Tumango siya bilang pag sang ayon sa sinabi ko "She seems really nice." Bigla niyang sabi.

"Yeah, she is. When we were just friends, we often talked about you. Pero di ka niya nakita, di niya alam name mo. We've always talked about how nice and genuine you are and how I messed up everything. And I can't forgive myself sa nangyari. Nung maging magkarelasyon kami months have passed and parang di ko na siya kilala habang tumatagal. She became nagger, she gets mad easily. She's always accussing me na may babae ako kahit na ang ginagawa ko lang e magpahinga, matulog at manuod ng movies sa bahay pag di kami magkasama. I don't know how to keep up with her anymore. Push and pull ang nangyayari. Her insecurities, hindi ko na alam kung saan nanggagaling. Away bati, hanggang sa naging toxic na. Di ko na din malaman kung saan nagmula ang away. Kasi parang lahat na ng gawin ko mali at kulang."

Humigpit ang hawak ni Lei sa kamay ko. Ramdam ko ang simpatya niya.

"Mali siguro na mapagod ako, pero yun lang talaga naramdaman ko. Humingi ako ng space para huminga pero di siya pumayag. Di ko na alam gagawin ko. I told her everything. Mahal ko siya pero parang di na nakakatulong sa pagkatao namin yun relasyon na meron kami. Lumayo ako saglit sakanya and siya naman ang sumuyo sakin. We tried, to make it work again. Hindi ko hiniling na magbago siya pero yun ang sinabi niya, na magbabago siya. Pero hindi ko na siya kilala talaga at bumalik lang sa dati. Away bati, naaawa na din ako sakanya, kinukwestyon ko na din sarili ko sa mga nangyayari saming dalawa. Hindi na ko nakakabuti sakanya."

"I don't really know what to say. But I am sure may reason si God kung bakit kailangan mangyari yun. Thank you for sharing it with me, though "

I know, ikaw yung reason ni God kung bakit kailangan mangyari yun. I said to myself.

I just smiled at her.

-

Months have passed and we are getting along so well.

Sisimulan namin ang aming araw na susunduin ko siya at ihahatid sa office then I'll go to my office naman for a shortwhile and we will end our day by having dinner together at ihahatid ko na uli siya sa condo niya

Ngayon naman kakasundo ko lang sakanya from office.

"Are you alright?" Tanong ko sakanya dahil parang ang tahimik niya.

"Yup. Medyo masakit lang ulo ko pero okay lang." matamlay niyang sagot.

I slightly touched her forehead with the back of my hand.

"Medyo mainit ka ah."sabi ko sakanya

" Okay lang ako, don't worry" Sagot niya sakin at bahagyang ngumiti.

"Love..."

I parked at the nearest Ramen House from her office

"Bibilhan lang kita dyan ka lang." Sabi ko sakanya

-

Pumasok kami sa condo niya, and inayos ko na yung binili naming food.

Agad siyang umupo sa sofa at humawak sa kanyang ulo.

Habang inaayos ko ang mga pagkain, I asked her.."Love, Do you have medicine kit? Nasaan?"

"Dyan po sa cabinet, upper left" sagot niya

Chineck ko may mga gamot pero walang Paracetamol, puro pang abdominal pain ata yung andun.

"Love, parang wala ka ng for fever or headache dito na gamot. Wait lang, mabilis lang ako ha. Kunin ko sa sasakyan yung medicine kit ko"

-

Nakaupo kami ngayon at kumakain.

"Thank you Tim ha, but don't worry too much ha, ipapahinga ko lang to."

"You don't always have to say thank you, Love. It is my pleasure to take care of you. And please remember na gusto kong inaalagaan ka. Okay?"

Tumayo siya para yumuko at niyakayap ako galing sa likod habang nakaupo ako.

"Thank you, I will always be grateful kasi nandyan ka. Nasanay at nakuntento na ko sa sarili ko nuon e simula nung maging independent ako pero, eto ka ngayon gusto akong alagaan at mahalin. Di man ako sanay at medyo naninibago sa ganto pero masaya ako. I appreciate you so much, Tim. I really do"

Hinawakan ko yun braso niya na nakakapit sa bandang leeg ko.

Ang gaan sa pakiramdam ng yakap niya.

"Iloveyou" yun na lang ang nasabi ko.

-

Kasalukuyan kaming nasa sofa. Nakaupo ako at nakahiga naman siya at nakaunan ang kanyang ulo sa hita ko habang nakapikit.

"Can I stay? Until I am sure na okay ka na?" Tanong ko sakanya habang sinusuklay suklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko.

"Okay" nakangiti niyang sagot kahit nakapikit siya.

Nagpatugtog ako ng paborito kong kanta..

"Never in my life
have I been more sure
So come on up to me
And close the door
Nobody's made me feel
This way before
Your every thing I wanted
And more"

Isinandal ko ang ulo ko sa sofa ng bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko.

-----------

Hello! How are you guys doingggg? :)

Nakapag update din finally!

Since nakapahinga ko, try ko ulit mag update later. Hehehe.

Anyy commentsssss? Suggestions? Questions? :)

Adios~

06152019

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now