Part 22

587 39 4
                                    

Tapos na ang naging operation ng ama ni Lei ngunit nasa ICU parin ito dahil kasalukuyan comatose ito.

Binisita nila ito sa loob kasama ang kapatid na si Andrei. Kahit pa nakasuot si Lei ng face mask ay kitang kita ang pagtulo ng luha nito.

Nasa labas naman ng ICU si Tim habang karga si Naomi.

"Dad...*sobs* laban please..." bulong ni Lei habang malumanay na hinihimas ang braso ng ama.

Si Andrei naman ay tahimik lang hinihimas ang likod ng kapatid, makikita mong naluluha din pero pilit pinipigilan.

Maya maya pa ay lumabas na rin sila Lei mula sa kwarto.

"Drei, I need to go to our house. Kukuha ako ng gamit ni Dad. Ikukuha na din kita, bukod sa damit may kailangan ka pa? Isasama ko na din muna si Omi. Babalik din kami agad."

"Pakuha na lang din ate ng backpack ko na gray, nandun sa tabi ng cabinet ko. Papunta na din si Lindsay, kami na lang muna bantay ni Dad. Sa umaga na lang kayo bumalik.." sagot ni Andrei.

"Ganun ba, mga anong oras darating si Lindsay?"

"Nasa byahe na, baka after 30mins. Nandito na yun."

"Okay sige. Itext or much better tawagan mo agad ako pag may kasama ka na at pati kung may sinabi ang doctor ha."

"Sige ate. Mag ingat kayo. Kuya ingat kayo ha..." at bumaling naman ito kay Naomi at hinalikan ito sa pisngi.

"Sige bro." At tinapik ni Tim si Andrei bilang paalam dito.

Nasa sasakyan na ngayon silang tatlo at nakakandong si Naomi kay Lei na ngayon ay halatang inaantok na.

"Omi, sleepyhead." Sabi ni Lei sa kapatid at bahagyang kinakamot nito ang hita nito.. sa gantong paraan kasi ito nakakatulog agad pag kinakamot ang hita nito.

Maya maya pa ay tuluyan ng nakatulog ang bata.

"Love, ikaw di ka ba inaantok? Idlip ka muna.. naka set naman na dito sa waze yung direction ng bahay niyo. Gisingin na lang kita pag nandun na tayo.." sabi nito at saka sumulyap sa nobya at hinawakan ang tuhod nito.

Umiling si Lei.

Hindi na muling nagsalita si Tim. Alam niyang hindi madali ang pinagdaraanan ng nobya kaya't pinapakiramdaman niya ito. Ayaw niyang ipilit yung mga sinasabi niya rito lalo na't kung ayaw naman nito. Basta gusto lang niya iparamdam sa nobya ang presensya niya at suporta niya rito kahit pa sa maliit na paraan.

"May naging ka-affair si Mommy.. Nalaman ni Daddy na hindi siya ang ama ni Omi.." mahinang sabi ni Lei.

Nagulat si Tim, hindi niya alam kung paano magrereact sa sinabi ng nobya. Hinawakan niya ang braso nito, bilang pag comfort.

"Love, how can she do that? I mean.. Paanong nangyaring... niloko niya si Dad.. niloko niya kami.." humihikbing salita ni Lei.

"Nakausap mo na ba ang Mommy mo, love? Kanino mo nalaman yan?"  Malumanay na tanog ni Tim

"Sinabi sakin ni Drei kanina, siya ang tumawag sakin para ibalita ang nangyari kay Dad. Ang sinabi lang niya, sinugod sa ospital si Dad.. kasi nalaman niyang di niya anak si Omi.."

Patuloy lang ang paghimas ni Tim sa braso ng nobya.

"Mommy was at the hospital kanina, pero nung dumating ako agad ko siyang pinaalis. Ayoko siyang makita, ayoko siyang makausap."

Hindi na muna umimik si Tim. Miske siya, hindi niya alam ang sasabihin sa nobya. Alam niyang sobrang nasasaktan ito ngayon at ayaw niya munang mangielam kung ang naging desisyon ni Lei ay huwag munang kausapin ang ina.

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now