Part 24

567 37 10
                                    

Ngayon ay 2nd Birthday ng bunsong kapatid ni Lei na si Naomi. Nalulungkot si Lei dahil eto ang unang pagkakataon na hindi sila buong pamilya. Kakaibang pakiramdam ang nararamdaman niya. Gusto niya lang maging masaya ngayong araw para yun din ang maramdaman ng mga kasama niya, lalo na ni baby Omi. Ngunit hindi niya maalis ang mangulila sa mga magulang niya.

Kakagaling lang nila sa ospital kung saan naka-ICU parin ang ama nito. Binisita muna nila ito bago nagpa-reserve sila sa pinakamalapit na resto sa Ospital. Para kung sakaling kailanganin sila ng ama ay mabilis silang makakapunta rito.

Nasa resto na sila ngayon kasama ang dalawang kasambahay na si Ate Neri at Ate Lorna, ang yaya Des ni baby Omi, ang driver na si Mang Randy, ang kapatid ni Lei na si Andrei at pati ang girlfriend nitong si Lindsay and of course, si Baby Omi. Kasalukuyan nilang hinahantay si Tim. Nag bigay na din sila ng kanilang order sa waiter.

Tinatawagan na ni Lei si Tim dahil hindi parin ito sumasagot sa text niya. Ang huli nilang pag uusap ngayong araw ay kaninang alas dose pa ng tanghali at sa pagkakaalam niya ang oras ng labas ni Tim mula sa trabaho ay 5pm ngunit ngayon ay alas otso na pero wala parin

Nag aalala na siya dito. Hindi na macontact ang cellphone nito.

"Ate, nasan na si Kuya Tim? Pupunta pa ba siya?" Tanong ni Andrei sakanyang kapatid.

Hindi nito sinagot ang kapatid at nagpatuloy parin siya sa pag contact sa nobyo.

Tinext niyang muli ang nobyo.

Love, are you on your way na? Please let me know. I'm worried na. Dito na kami sa resto. Kakarating lang namin.

Still, no response.

-------

Natapos ang munting salu-salo nila at ngayon ay nasa bahay na sila.

Sobra ng nababahala si Lei dahil hanggang ngayon ay hindi parin sumasagot ang nobyo. It's already 10:15pm

Maya maya pa ay..

"Mam Lei, nasa labas po ang sasakyan ni Sir Timothy. Mukhang kakarating lang."

Agad siyang lumabas at siya na ang sumalubong rito.

Pagkagarahe ng sasakyan ay bumaba na agad si Tim. Lumapit agad si Lei rito.

"Love, oh my god! What happened? Sobra kong nagalala sayo" At bineso nito ang nobyo.

Bakas naman sa mukha ni Tim ang pagod.

"I'm really sorry love. I got stuck in a horrible traffic. And my phone, I am really sorry. Hindi ko nadala ang charger ko. Patay ang cellphone ko." Malungkot itong niyakap ang nobya at kitang kita rin dito ang sobrang pagod.

Napansin naman ito ni Lei

"Teka, kumain ka na ba? Hay. Ano ba tong tanong ko, syempre hindi pa. Tara na muna sa loob. Kumain ka muna at magpahinga ka na."

"Wait love, gising pa ba si Omi? Kunin ko lang gift ko for her."

"Bukas na love, tulog na si Naomi. Bukas mo na ibigay gift mo. Pumasok na tayo sa loob."

Hinila na nito ang kamay ng nobyo papasok sa loob ng bahay.

"Ate Lor, pakipainit nung take out natin kanina. And paki-prepare ng table. Thank you."

"Sige po mam lei" sagot ng kasambahay

Naupo sila sa sofa at agad namang hinapit ni Tim ang bewang ng nobya at ipinuwesto ang kanyang ulo bandang leeg nito at pumikit.

"Hey, what's wrong?" Nagulat na tanong ni Lei.

"Nothing... i just... just wanna hug you.. para marecharge ako at magka energy." Sabi ni tim habang nakayakap parin sa nobya.

"Sus.. teka nga.." at iniharap ni Lei ang mukha ng nobyo sakanya. Hawak hawak ang magkiblang pisngi nito

"Aba! Talaga naman, ang gwapo parin oh kahit pagod na pagod." Sambit nito

Ngumiti naman si Tim kahit napapapikit na ito sa antok.

Bigla nitong hinalikan ng mabilis ang labi ng nobyo.

"Ang sarap naman nun. Isa pa nga." Sabi ni Tim habang nakapikit padin at nakangiti.

At hinalikan uli ito ni Lei.

"Love, naisip ko lang. Dito na lang kaya ako. Tulungan na lang kita sa business niyo. Para lagi na tayo magkasama. Hmmm, Let's get married?" Tanong ni Tim sa nobya.

Napaisip si Lei, alam niyang hindi madali ang set up nila pero hindi solusyon sa sitwasyon nila ngayon ang magpakasal. Hindi naman sa hindi niya gustong mapang asawa si Tim ngunit alam niya sa sarili niyang hindi pa siya handa. Ayaw niyang umoo dito dahil yun ang convenient sa sitwasyon nila ngayon. At ayaw niyang masakripisiyo ni Tim ang buhay na meron ito ngayon ng dahil sakanya at sa pamilya niya.

"Love, don't make a hasty decision. Let's not jump into it right now. I love you... i really do.. pero sa sitwasyon ko ngayon hindi pa ko handa." Nagaalalang sagot ni Lei.

Alam niyang pagod na ang nobyo kaya nasasabi niya ito. Hindi biro ang magpabalik balik mula Makati papunta sa Batangas. At ang oras nila, kahit anong pilit hindi magtugma. Darating siya patulog na ang nobya, kinabukasan naman magkasama sila pero may kailangan parating asikasuhin sa trabaho si Lei at syempre bisitahin ang Ama sa ospital. Maswerte na at nakapanuod sila ng sine nung nakaraan kahit man lang sa pang last full show.

Nakakaramdam siya ng guilt at awa sa nobyo. Kung nahihirapan siya sa sitwasyon nilang magkakapatid alam niyang di rin biro ang adjustments na ginagawa ng kanyang nobyo.

"Yeah, I'm sorry... I'm sorry.. it's just that...uh, nevermind love.." sagot ni Tim at ngumiti ng matipid.

"I know love, its not easy.. Please don't say sorry.. It's no ones fault. I mean... kung nahihi---"

Hindi na naituloy ni Lei ang kanyang sinasabi. Hinalikan na siya ng nobyo. Marahan niyang ginalaw ang labi at sumabay sa galaw nito.. It's a slow and pure of emotions na klase ng halik..

Unti unti na lang nararamdaman ni Lei ang kanyang mga luha..

Humiwalay siya sa kanyang nobyo at humarap rito. Tinignan siya nito at hinawaka ang magkabila niyang pisngi at pinunasan ang kanyang luha.

"Haaaaay... Ann Nicolei.. Bakit kahit napaka iyakin mo eh napakaganda mo parin?" Sabay ngiti sa nobya.

"Love nahihirapan ka na ba?" Tanong nito sa nobyo

"Hindi po.." sagot ng nobyo na parang bata at tsaka ngumiti..

"Sabihin mo sakin kapag napapagod ka na ha.. hindi ko kayang nkikitang nahihirapan ka ng dahil----"

At muli ay hinalikan ito ng nobyo ng mabilis lamang.

"Love, tama na iyak.. Hahaha.. walang napapagod, walang nahihirapan... nandito ako lagi para sayo.. lagi mong tatandaan.. wag mo na isipin yung sinabi ko.. much better kalimutan mo na.. i mean alam kong di ka pa ready.. siguro naging selfish ako sa part na yun for asking you that.. alam kong darating tayo sa time na yun.. gusto lang talaga kasi kita laging nakikita at nakakasama.. I know hindi yun ang solusyon, ang magpakasal.. we have different purpose right now.. Sorry, pakiramdam ko napressure kita.. Don't mind it.. okay?" Nakangiti nitong sabi at niyakap nito ang nobya..

-----------

Just wanted to post an update today. Hope you guys liked it!😊

I just had some realizations recently.. Hindi lahat ng tao nakakahanap ng gantong klase ng pagmamahal. But still, I know meron at meron parin.. Yung klase ng pagmamahal na nagpapasensya, umiintindi at naghihintay.

I hope you found yours and keep him/her! 😊 If not yet, I hope you are patient enough to wait for a kind of love that you truly deserve.. Don't jump into something just because its convenient.. Never settle for less than what you deserve. ❤

Love doesn't abuse.. It has no excuse.. Love is selfless.. Love is unconditional.

Spread love and positivity.

Adios~

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now