Part 26

579 33 42
                                    

Habang nakaupo sila sa kama at magkaharap, tahimik si Lei, hindi niya din malaman kung pano niya sisimulan ang sasabihin niya.

Bakit nga ba? Para saan? Bakit kailangan pang umabot sa ganto? Ayos naman sila ah. Bakit umabot sa puntong ito.

"Hey, love.. please tell me what's wrong?" Tanong ni Tim sa nobya na ngayon ay gulong gulo na din sa nais sabihin nito..

Hindi magawang tumingin ni Lei sa nobyo.

"I just... i don't... hindi... " hindi maituloy ni Lei ang kanyang sinasabi..

"Tell me.. "at saka hinawakan ni Tim ang mukha ni Lei para iharap sakanya.

"Maybe...  this is what we need..."walang emosyong sabi ni Lei.

"Paano mo nasasabi yan?" Nalilitong tanong ni Tim.

"Alam kong mapapagod ka din... ayokong ikulong ka sa ganitong sitwasyon..." sabi ni Lei.

"Sino ba nagsabing nakakulong ako sa sitwasyon na to? Love, listen to me.." at pilit kinukuha ni Tim ang atensyon ng nobya. "Yes, its true.. this set up is really tiring.. Pero lahat ng yun baliwala, lahat ng yun nawawala kasi nandyan ka." Tinitigan niya ito sa mata." Lei.. mahal kita." Namumuo ang luha ni Tim dahil sobra siyang nasasaktan sa gustong mangyari ng kanyang nobya.

"Ayoko lang umabot ka sa point na marealize mo na hindi ka na pala masaya kasi pagod ka na.. mahal kita, kaya ginagawa ko to. I don't wanna abuse your feelings just because of my  situation..." unti unti na din namumuo ang mga luha sa mata ni Lei.

"That's bullshit! You want to break up with me.. just because..." at tuluyan ng tumulo ang luha ni Tim

Ganun din si Lei.

"You do know that regardless of the situation, I will never leave you.. right? Masakit malaman na ganyan ang nararamdaman mo, masakit sakin na sinusukuan mo ko. Pero di naman kailangan umabot sa ganto. I know, it's hard, but I wouldn't have it any other way. Sana..  sana ganun ka din." Nanghihinang salita ni Tim

Bumubuhos ang mga luha ng bawat isa..

"I want to be at my best kapag kasama kita at di ko kayang ibigay yun sayo sa sitwasyon ko ngayon. Di ko kayang suklian yung naguumapaw mong pagmamahal sa ngayon...Tim, I don't wanna drag you into this kind of mess that I am in. You don't deserve this, I don't deserve you.." sabi ni Lei habang tuloy tuloy ang pagtulo ng kanyang luha.

"I am willing to face anything with you, Lei.. I just want you to be right by my side.. I want us to be together every step of the way.. I don't want your best, I just need you to be with me even at your worst.. even at your darkest.. Nandito ko para sayo.. hinding hindi ako mapapagod.. hinding hindi kita susukuan Lei. Sana alam mo yun.. Sana ramdam mo yun.."

"I see my future with you so clearly.."

"Buo na yung desisyon ko." Sabi ni Lei.

"Buo na yung desisyon mo? Ganun na lang talaga yun sayo? What do you want me to do? Huh? Hindi pa ba ko sapat?" Tanong ni Tim at bakas sa mukha nito ang sakit habang patuloy ang pag agos ng luha nito.

Dahan dahang bumaba si Tim sa kama at lumuhod sa harap ni Lei.. hinawakan niya ang dalawang kamay nito..

"Please.. please.. Make me understand why, why all of a sudden, ayaw mo na, biglang suko ka na. Kasi.. Putangina! Hindi ko talaga maintindihan. Ipaintindi mo sakin baka sakaling matanggap ko. Pero kung ang idadahilan mo ay dahil ayaw mong mapagod ako.. Im sorry, thats literally bullshit! I will never accept it.. I wouldn't get this far just because of that lame reason."

"Babalik ako pag kaya ko ng ibigay yung buong sarili ko, yung buong ako. Yung buong ako na handa kang samahan sa lahat, yung kayang maging matapang harapin ang kahit ano dahil nandyan ka. Gusto kong mahalin ka ng kagaya ng pagmamahal mo sakin..." hinawakan nito ang mukha ni Tim.. "Pero, kung titibok man to" sabay turo sa kaliwang bahagi ng dibdib ni Tim.."para sa iba, hayaan mo lang. Wag mong pipigilan, sundin mo ang sasabihin ng puso mo.. Maiintidihan ko.. Gusto ko lang parati kang maging masaya.." nakangiting sabi ni Lei habang pumapatak ang luha.

Niyakap ni Tim ang bewang ni Lei.

"You're my happiness, Love.. Please.. I am begging you, don't do this... Don't do this to me.. please.." humahagulgol na salita ni Tim.

"Tuloy mo lang yung ginagawa mo.. magfocus ka sa work mo.. yung  photography naman, di ba that's your passion.. I know one day you'll be great at it.. your potential is overflowing... I know you'll go far.. sobr----"

"Please.. stop being rhetorical, Lei." Sabi ni Tim habang patuloy sa pag iyak

"I'm sorry...."

-------------

Okay! Breathe in, breathe out. 😅 So, I had to stop driving just to type this update... Hahaha weird! Kasi bigla lang talaga siyang nagpop out sa isip ko! At kailangan ko na siyang itype dahil mamaya malilimutan ko na to. Hindi naman ako malungkot, hindi din ako broken at hindi din ako galing sa break up. Anuena? ☺

Thank you for your support! ❤ Sorry kung medyo nasaktan ka ng update na 'to. Minsan kailangan sa buhay ang pain, para mas masarap sa pakiramdam pag dumating na yung blessings, mas naa-appreciate mas iniingatan mas binibigyang halaga.

Happy weekend! 💖

Adios~

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now