Part 15

606 28 1
                                    

It's 8 in the evening and they are already done eating their dinners. Right now they are about to hit the local bars sa area.

Timothy on the other hand has just arrived in the hotel at dumiretso ito sa room. Since alam niya naman ang details kung saan ang hotel nila Nic ay pinili niyang duon na lang din mag book. Mabuti na lang at may bakante pa. Hindi lang siya sure kung anong floor sila Nic tumutuloy. He was just arranging his things when he decided to call her girlfriend.

"Hey love. I was just checking you out. Sorry kung nakakaistorbo."

"Love... we are here sa bar just nearby in our hotel. Just chilling and enjoying the night. Have you had your dinner na ba?"

"Not yet. I was just about to eat. Okay just call me if theres any problem or.... pag na miss mo ko. Hahaha. I love you baby!"

"Ang harot. Hahaha. Opo love ko, I love you..."

Nang ibaba ni Nic ang phone agad naman siyang inasar ng mga kasamang kaibigan.

"Uy, strict ata ang jowa.." sabi ni Sandra

"Nope, Tim is the most understanding person I know. Tsaka di ako hahayaan nun pumunta dito kung strict yun noh."

"Wusus. Parang di naman totoo jowa niyan eh. Alam niyo bang di pa sila nagki-kiss bilang couple." Sabi naman ni Mikayla

"Is that for real?" Tanong ni Trina

At hindi rin makapaniwala ang bakas sa mukha ng mga kaibigan niya.

"Yan din sabi ko sakanya girl. Anyways, pano ba kayo nag meet?" tanong ni Mikayla

Kinuwento ni Nic sa mga kaibigan kung san sila nagsimula ni Tim. When they found out, they were all shocked na higschool bestfriends pala sila ni Tim. Actually, they were more shocked sa part where they were an "almost" couple back then.

"Kayo naman kasi guys, masyado niyong jinudge si Nic. Hahahaha. Malay niyo may ganun pa din naman talagang ka gentleman at pasensyoso na tao. Which is good for Nic kasi knowing this girl. May pagka topak din to minsan. Hahaha" sabi ni Trina

"Hoy! Grabe kayo sakin. Hahaha" Natatawa na lang si Nic sa mga kaibigan niya. Kahit na wala siyang maramdamang suporta mula sa mga ito.

"Pero girl baka naman mas nangingibabaw kasi sainyo yung pagiging magkaibigan niyo kesa yung romantic relationship" tanong ni Pauline sakanya.

"Is it a negative trait sa magkarelasyon?" Nagtatakang tanong ni Nic sa kaibigan habang patuloy parin sila sa pag inom ng hard drink.

"Not really negative though. Hmmm, more like nawawala yung sexy time sainyong dalawa. I mean, let's be honest it has a really big part sa isang relasyon. Mamaya niyan tumikim sa iba yan" makahulugang salita ni Pauline

Natahimik naman si Nic at napaisip. Sa part naman niya tingin naman niya ay wala naman problema sakanila ni Tim pag dating sa ganung bagay pero bakit parang napapadalawang isip siya sa mga sinasabi ng kanyang mga kaibigan. Biglang nagkaroon ng what if's sakanya pagiisip sa mga oras na ito.

Maya maya ay nagsi tayo na sila ang sumayaw sa gitna ng magpatugtog ang DJ ng masasayang tugtugin. Habang sumasayaw ay nakakaramdam na si Nic ng bahagyang pagkahilo.

Umupo malapit sa bartenders. At humawak ito sakanya ulo. Medyo namumungay narin ang kanyang mata dahil unti unti ng umiepekto yung alak sa kanyang sistema.

Bigla siyang inabutan ng shot glass ng isang bartender na may lamang alak. Nung una ay tinignan lamang niya ito ngunit maya maya ay walang tanong tanong ininuom niya ang laman nito.

Kasabay ng pagkahilo at pag epekto ng alak sa kanyang katawan ay bigla na lang ito nakaramdam ng lungkot. Nakaramdam siya ng insecurities.

Nakatuon ang kanyang kaliwang kamay sakanyang ulo at ang kanang kamay naman ay hawak ang kanyang cellphone. Nagpunta siya sakanyang Gallery to see her photos kasama ang nobyo.

REUNION (Complete)Where stories live. Discover now