Chapter 1: It's Summer

508 8 7
                                    

“Nik, saan ba tayo pupunta? Kanina pa ako sunod ng sunod sayo ah.. “ Nakasimangot na ako, tanghaling tapat, nagbibisikleta kami ni Nikka.

Meet Nikka, she’s my very first friend here in Davao. My family transferred here just a week ago since my father had just expanded our business here and decided that Davao is the best place for us to live in. We used to live in Manila, with very busy streets, heavy traffic, and a noisy environment.

Nikka is a funny girl, laging nagpapatawa, siguro para na rin hindi ako mahihiya sa kanya. She always makes me feel comfortable. Months lang ang pagitan ng age namin kaya madali rin kaming magkagaanan ng loob. She lives just beside our house and lagi niya akong pinupuntahan sa bahay para yayain akong mamasyal.

 “Basta sumunod ka na lang, wag ka nang makulit, ipapakilala kita sa best friend ko. Mabait yun, para dalawa na kami friends mo.” She continues to paddle her bike.

We finally arrived at her friend’s house. It’s a bungalow type of house, malapad ang lawn and may landscape din. Nikka kept on pushing the buzzer at the gate habang ako naman ay minamasdan ang paligid ng bahay, overall, it was a great abode.

After few minutes, someone went out of the house to open the gate. She’s wearing a short pants and blue body-tight shirt. She has a long, straight hair that I wanted to touch and smell. And of course, she is very gorgeous, parang nakakita ako ng anghel na bumaba sa langit. Or ako yata yung nasa langit at nakakita ng anghel?! Hihi.

I heard the two girls talking to each other but I don’t seem to hear anything, kung makikita ko siguro ang sarili ko sa salamin, masasabi kong mukha akong ewan sa pagkakatulala ko. I feel like the world stopped when I saw her and I cannot take my eyes off her.

Then someone snapped fingers right in front of my face, then I came back to reality. Nakita kong natatawa silang dalawa, argh! Nakakainis, nagmukha akong tanga!

“Oh, Hi!” That’s all I said, nataranta na kasi ako eh, di ko naintindihan yung sinabi niya.

Oh God! What’s her name again?! Yumuko na lang ako sa sobrang kahihiyan. I promise to pay attention later!

Then she invited us inside their house. Pagpasok namin ng bahay, pinagmasdan ko ang paligid. Maganda ang kabuuan ng bahay, sa tingin ko well-maintained ito and very pleasant ang atmosphere. Niyaya ako ni Nikka umupo sa sala, nakataas pa ang paa niya habang nanonood ng TV. Ako naman, parang din a makagalaw sa pagkakaupo.

Maya-maya, may nagsalita sa likuran ko.. “Anong gusto mong kainin? Drinks?” sabi nung magandang babae.

“Ok lang kahit ano.” Pilit akong ngumiti, kahit nahihiya. Di ko pa rin alam ang pangalan niya. Tsk.

Umalis na siya at pumunta sa kitchen nila. Tapos tinawag niya si Nikka, nagpapatulong yata sa pagluluto.

“Oo na Jai, eto na oh! Akala mo naman emergency!” Sagot naman ni Nikka sabay abot sa akin ng remote control.

Aha! Jai pala ang pangalan niya.. Jai…. Ang simple ng name pero parang special ang dating pag binigkas. Isang ngiti lang niya, parang nakakatunaw na ng tuhod.. Hindi ko pa man siya gaanong kilala pero ang gaan na ng loob ko sa kanya. Higit pa sa naramdaman ko nung una kaming nagkakilala ni Nikka. Kay Jai, iba.. Ibang-iba.. Parang ayoko nang mawala siya sa paningin ko, pero ayoko namn nung tipong stalker ha. Hehe.

Maya-maya pa, bumalik na sila sa sala dala-dala ang kanilang inihandang pagkain. Pancit Canton at juice. Antagal nila tapos eto lang pala? Haha. Pero si Jai ang naghanda nito. Kahit ano pa ang lasa nito, for sure, masarap pa rin. Hihi. Nanood kami ng kung ano-anong palabas sa TV. Wala naman akong natandaan. Kasi naubos na ang oras at attention ko sa pagsulyap-sulyap ko kay Jai. Hehe..

After few hours, siguro nagsawa na sila sa panonood ng TV at ubos na rin an gaming pagkain, we decided to go out and roam around the village. Ipapasyal daw nila ako. Yes! More time with Jai ito! Hehe. Habang nagbibiskleta kami, nagkukwento sila tungkol sa mga lugar na nadadaanan namin. Kunwari I’m paying attention sa sinasabi nila, but the truth is, kay Jai lang ang attention ko the whole time. Ewan ko ba, parang na-glue na yata ang mata ko sa kanya. She’s so captivating. And when she laughs, there’s something that touches my heart. That’s the first time that I felt that kind of feeling…

I’m still daydreaming when suddenly, nagsulputan ang mga aso! Shocks! Mabilis kaming nagpaddle n gaming mga bisikleta para makaligtas at hindi makagat ng mga aso. Panira naman talaga ng moment!

Maya-maya pa…

BLAAAAGGGGGG!!!!

 “Jaaaaiiii!!!” Sigaw ko nang makita kong natumba si Jai sa pagmamadali naming makatakas sa mga aso. Dali-dali akong tumakbo palapit kay Jai, wala na akong pakelam kung masira o magasgasan ang alaga kong bisikleta.

“Ok ka lang ba? Naku may sugat ka sa tuhod! Lika, angkas ka na lang sa akin, ihahatid kita sa bahay nyo para magamot agad yang sugat mo.” Sabi ko. Kitang-kita ko sa kanyang mukha na siya ay nasasaktan, kaya di ko na hinintay magsalita, binuhat ko na siya papunta sa bisikleta ko at pinaupo sa extended seat nito. Humawak siya sa aking damit.

“Hawak ka kasi ng mabuti eh. Baka mapunit yang damit ko nyan eh.” Palusot ko at nilagay ko ang dalawa niyang kamay sa aking waist, parang naka-hug siya sa akin. Tiningnan kong pasimple ang kanyang reaction pero mukhang okay naman siya kaya palihim akong napangiti at nagsimula nang magbike.

Pagdating sa bahay nila, agad na ginamot ni Tita ang sugat ni Jai at pinauwi na kaming dalawa ni Nikka dahil magpapahinga na daw si Jai.

The following day, I went to Nikka’s house to ask if she already talked to Jai and asked if she’s okay. But Nikka told me she wasn’t able to talk to Jai because she had some things to do. So I asked for Jai’s phone number and binigay naman ni Nikka.

Pag-uwi ko sa bahay, agad kong idinial ang telepono.

Riiiinnngggg….

“Hello? May I speak with Jai, please? This is Alec, her friend.. Ok, I’ll wait. Thanks.”

Ilang saglit pa..

“Hello, Alec. Kumusta? Salamat nga pala kahapon ha, napagod ka pa magbuhat at magdrive ng bike mo dahil sa akin. Hayaan mo, babawi ako next time.” Ani Jai sa kabilang linya.

“Naku, wala yun Jai. Basta para sa kaibigan, gagawin ko lahat. Kumusta ka na? Masakit pa ba ang sugat mo?” Pag-aalala ko.

“Ok na ako, Lec. Nililinis naman lagi ni Mommy, gagaling na ito.”

“Gusto mo punta ako diyan? Para naman malibang ka kahit papano.” Di ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin yun. Siguro dahil sa sobrang pag-aalala ko kay Jai.. o hindi kaya… Namimiss ko na siya??

“Naku wag ka na mag-abala pa, Lec. Okay lang ako dito. Lec, grounded ako for the whole summer.. And I need to go with my Mom and stay in Baguio until the end of summer. Pakisabi na rin muna sa bestfriend ko.” Malungkot na sabi ni Jai.

“Ha?! Ibig sabihin di ka namin makakasama ngayong summer??” Pagpapanic ko. Sorry, sobra lang maka-react. FC (feeling close) nako kay Jai eh. Hehe.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa pagkababa ng telepono. Dadalawa nga lang ang kaibigan ko sa lugar na to, di ko pa makakasama ang isa. Si Nikka naman laging busy. L

Hindi ko makikita si Jai ng dalawang buwan… Kakayanin ko kaya yun? Bakit masyado na akong attached sa kanya samantalang kahapon ko lang siya nakilala at nakasama? Ano ba tong nararamdaman ko? Ngayon lang ako nakadama ng ganito.. is this.. puppy love?

To be continued…

MY FIRST LOVE  (Jalec FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon