Chapter 10: Change of Heart?

222 5 3
                                    

Nang mga sumunod na araw, nag-umpisa na akong maging busy sa student council kaya naman di ko na masyadong nakakasama si Jai. Pero si Nikka, madalas ko pa ding kasama. Di yata napapagod tong babaeng to eh! Hehehe. Pero ayos naman, at least may kasama ako sa pag-ikot ikot sa school. Samantalang si Jai, madalas ko pa ding nakikita kasama si Tom o ang iba pa niyang mga kaibigan. Mukhang ok naman na siya. Kaya naging masaya na rin ako.

Isang araw, pagkatapos kong gawin ang duties ko bilang student council officer, niyaya ko si Nikka kumain sa labas. Dun ulit kami pumunta sa isang resto na weird. Ititreat ko siya.

Umorder na kaming dalawa. As usual, nag-aasaran pa rin kaming dalawa. Masaya lang. Nakaupo kami dun sa dati naming pwesto, malapit sa walls na de-salamin. Tanaw kami from outside. Maganda kasi yung pwestong yun, well-lit at maganda ang view ng paintings sa dakong yun.

“Papicture naman ako, Idol!” panunukso ni Nikka sa akin.

“Nanloloko ka na naman eh! Lika nga dito sa tabi ko! Pagbibigyan kita, my no. 1 fan! Hahaha.” Sagot kong pabiro din.

Di ko inakalang tatabi din si Nikka sa akin. At nagulat ako sa sinabi niya, “Lalo tuloy kitang naging crush ngayon!”

“Anong sabi mo? Pala-biro ka talaga!” –ako, sana nga biro lang yun!

“Totoo kaya yun.. kaya lang dedma beauty ko sayo eh..” biglang sumeryoso ang mukha ni Nikka.

“Di nga?!” di pa rin ako makapaniwala.

“Oo nga, kaya lang anlayo ng tinitingnan mo eh..” sabi niya ulit

Ohmygod, alam kaya niya?!

“Hindi naman.. Di lang talaga ako makapaniwala na magugustuhan mo ako gayung ampangit ko noon.” Pagpapalusot ko naman, trying to escape from the conversation.

“Oh ngayon alam mo na, sana wag ka magbago..” –Nikka

“Oo naman, I appreciate your honesty. Actually, overwhelmed ako. Ikaw lang yata ang naka-appreciate ng kagwapuhan ko.” –ako

“Naku meron pa noh! Di lang nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sayo. Di kasing kapal ng mukha ko ang mukha niya!” –Nikka

Sino kaya yung tinutukoy ni Nikka? Ah baka si Claire. Yung naka-date ko before. For sure, siya yung nagbayad para dun sa date namin sa booth. Well, she already dated many boys sa school, di na nakapagtataka na isa ako sa mga nabiktima niya.

One thing’s for sure, too. Hindi si Jai yun. Walang ibang nakikita si Jai kundi si Tom. Tanging si Tom lang ang mahal niya. At kailanman hindi magiging ako yun. Nakikita kong masaya si Jai pag kasama si Tom, kaya tatanggapin ko na lang na heartbroken na ako. Basta nakikita ko lang siyang masaya.

“Ahmmm.. Nikka.. What if I tell you na gusto din kita? Ano magiging reaction mo?” Gusto kong makita ang reaction niya.

“Syempre masaya yun. Kasi reciprocated yung feelings ko. Bakit?”

“Ah wala… Basta let’s enjoy each other’s company, okay?” Ngumiti ako sa kanya.

Umuwi kaming masaya. Mas lalo na siya. Haha. Ang kapal ng mukha ko.

Nang mga sumunod na araw, lalo kaming naging malapit ni Nikka. Napansin na rin siguro ng mga schoolmates namin dahil iba ang naging closeness namin ni Nikka simula nung umamin siya sa akin na crush niya ako. But for us, it’s just nothing. Lalo lang kasi siguro nagbuild yung trust namin sa isat-isa. We know our limitations. Mas madalas na kaming nakikitang magkasama at minsan nga’y naka-akbay pa ako sa kanya. Pero parang wala lang yun sa amin.

Sa kabila nang closeness namin ni Nikka, naging mailap naman si Jai sa amin. Hindi na namin siya masyadong nakikita. Kung magkakasalubong man kami sa campus, di na siya masyadong nakikipagkwentuhan sa amin. Madalas pa rin niyang kasama si Tom.

MY FIRST LOVE  (Jalec FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon