Chapter 12: Graduation Day

244 6 5
  • Dedicated kay Xue Hikaru
                                    

Umuwi kaming parehong tahimik nung gabing umiyak si Jai sa Prom. Hinatid ko siya sa bahay nila pero hindi pa rin siya umiimik. Hinayaan ko na lamang siya, may tamang panahon para masabi ni Jai lahat ng gusto niyang sabihin.

Lumipas na naman ang mga araw na hindi kami masyadong nagpapansinan ni Jai. Sa tuwing magkakasalubong kami sa hallway, halatang umiiwas siya. Kahit sa classroom di rin niya ako pinapansin.  Madalas ko siyang nakikitang nag-iisa, malungkot… Kung kasama naman niya ang kanyang mga kaibigan, I can see na hindi siya lubusang masaya…

Pero bakit kelangan pa niya akong iwasan? Dahil din ba sa nangyari nung gabing yun? Nahihiya ba siya sa nangyari? Nahihiya siya sa akin? Gustuhin ko mang lapitan siya para makapag-usap kami, masabi lahat nang gusto kong sabihin.. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon..

Hindi na rin madalas magkasama sina Tom at Jai. Siguro dahil break na sila.

At dumating na nga ang aming Graduation Day…

Masaya ang lahat ng mga magsisispagtapos pati na rin ang aming proud parents.

Picture dito…

Picture doon…

Shake hands dito…

Shake hands doon…

Habang nakikipagkwentuhan ako sa aking mga kaklase at parents nila, may nagtakip ng aking mga mata mula sa aking likuran gamit ang kanyang mga kamay… For sure babae siya, kasi anlambot ng mga kamay eh…

“I know you! Hindi mo ako maiisahan…. Nikka!” Hula ko.

Tapos tinanggal na niya ang malalambot niyang kamay sa pagkakatakip sa aking mga mata. Siya namang pagharap ko kay Nik….

“Jai?!” Gulat na gulat ako nung makita kong si Jai pala yun at hindi si Nikka.

I never expected that Jai wil do that since we haven’t talked to each other for a long time.

“Hi Lec! Congratulations!” she smiled to me. She truly is an angel…

Then she gave me a box, more like a gift. “Here, this is for you. Please don’t open it until you’re 25 years old, okay?”

“What?! 25 years old? I’m only 16! 9 years pa ang hihintayin ko bago ko mabuksan toh?!” –ako. Nagulat ako sa sinabi niya, excited pa man din akong buksan ito dahil first time magbigay ni Jai ng gift sa akin. I’m sure this is the best gift that I ever received from anyone.

“Yup, you heard it right! I trust you on this one, okay? Promise me not to open it until you’re 25.” Paghhihingi ng assurance ni Jai.

“Okay, I promise.” Sabay taas ng kanang kamay ko.

“Good!” Tapos ngumiti ulit siya… Medyo ilang Segundo din kaming nagkatinginan.. Parang tumigil ang aking mundo nun, sarap ng pakiramdam na kahit papano’y naging maayos na kami ni Jai.

“So….” I broke our silence.

“Hmm?” Parang may hinhintay din siyang gawin oo sasabihin ko.

“Congratulations!” Then I offered my right hand to her para magshake hands kami.

“Masyado ka namang formal!” Aniya sabay yakap sa akin.

Parang tuod na naman ako! Ohmygod! Jai is hugging me again! Life’s so good talaga… I hugged her tightly, as if walang tao sa paligid namin. I don’t want that moment to end. I’m truly happy right at this very moment. But at the back of my mind, I’m sad.. realizing that this may be the last hug that I can receive from the one I love. I closed my eyes to savor each moment… After this, we will have our own lives separately. May kanya-kanya na kaming school na papasukan, kursong kukunin. Maraming makikilalang bagong kaibigan. Nalungkot ako sa thoughts kong yun.

“O paano ba yan, Lec. Goodbye na muna for now? I will be studying sa States eh. Dun ako tititra sa ate ko. See you when I see you?” –Jai

“States? Anlayo naman… (Sad face)” –ako

“Ganun talaga ang buhay… Minsan kelangang magkalayo.. Malay mo, pagdating ng panahon, magkita ulit tayo diba? We can never tell. Besides, mahal ko ang Pilipinas, I will find time to go home.” – Jai

“Okay. Please inform me when you go home, okay? Para naman makapagbonding tayo. You’re my best friend eh! You take care of yourself, okay? Keep in touch!” –ako

“Sure! Take care of yourself, too. Be happy always. I have to go now. They’re waiting for me na.” At tumalikod na nga si Jai.

Naiiyak na ako.. Parang napako na ang mga paa kosa kinatatayuan ko. Then I realized something…

Yung gift ko! Dapat nung Valentines Day pa yun eh.. Wrong timing lang nun..

Hinabol ko si Jai..

“Ayun siya!” Hahabulin ko n a sana siya pero…

Tama ba ang nakita ko?? Magkasama sila ni Tom? Their families are together???

Tumalikod na lang akong bagsak ang mga balikat.. Di ako makapaniwalang nagkabalikan sila ni Tom. Pinigil ko ang aking sariling maiyak. I need to pretend that I’m okay. I don’t want my family to worry about me especially that today is my Graduation Day. I don’t want to ruin my family’s happiness.

Three days after graduation, I heard from Nikka that Jai will be leaving that day. Nag-isip akong mabuti kung ano ang gagawin ko. Should I go to their house and tell her how I feel? What would be her reaction If she finds out about it? Baka umiwas na siya sa akin at din a magparamdam kahit kalian. Ako ang best friend niya. She trusted me so much. I don’t want to break her trust dahil lang sa aking nararamdaman for her. At masasaktan lang ako because I know I will be rejected. She loves Tom. And I am not and will never be Tom…

Hindi ko alam kung anong gagawin ko… Tumakbo ako papunta sa bahay nina Jai.. Nakita ko siyang papasok na sa kotse nila. Mukhang ihahatid na siya sa airport..

“Jai!” tawag ko.

“Ui, Lec! Bat ka nandito? Paalis nako, baka ma-late ako sa flight ko.” –Jai

“Ahmm.. Hindi ka man lang ba magpapaalam sa bestfriend mo?”

“Ay sorry. Marami kasi akong inasikaso eh. Anyway, ingat ka palagi ha. I have to go na talaga.” Aniyang nakangiti.

“Ah okay. Sige ingat ka din ha. Hope to see you again soon…” I smiled back.

Hindi ko na naibigay pa ang aking regalo sa kanya.. Nakatayo lang ako dun habang tinatanaw ang papalayo nang kotse na sinasakyan ni Jai. Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko nung hindi na abot ng paningin ko ang sasakyan ni Jai.

Umalis siyang di man lang nalaman ang tunay kong nararamdam. Umalis siyang hindi man lang naramadaman ang aking pagmamahal.. Life is so unfair.

Umuwi ako sa bahay at nagkulong sa kwarto buong maghapon. Wala akong gusting kausapin nung araw na yun. I was so depressed. Then I saw the box that Jai gave me. I was tempted several times to open it para naman mawala ang lungkot ko. Pero I promised Jai not to open it until I’m 25. I know she has a reason kung bakit ayaw niyang buksan ko ito ngayon…

“Jai, I will hold my promise to you.. Kahit nasa malayo ka na, hinding-hndi kita kakalimutan, pangako yan! I will make myself a better person.. so that when the right time comes, I already deserve your love. And I will have the guts to tell you how I really feel.. you are my first love.. And I know you will also be the last… Until next time Jai.. I will wait for you..”

Hanggang sa makatulog na ako sa sobrang pagod sa pag-iyak…

(A/N: Nagustuhan nyo ba readers? Malungkot ba ang ending? But this is not the end of the story.. Please hold on to your seats and relax, dahil may karugtong pa ang istoryang ito.. Abangan!)

MY FIRST LOVE  (Jalec FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon