Chapter 2: Start of Classes (High School)

347 7 4
  • Dedicated kay Gracie Oliamot
                                    

6:30AM. Sinadya kong magbihis ng maaga para may time pa ako para maglakad papuntang school. Pero may isa pa akong naisip na dahilan bakit ko naisipang maglakad. Magbabaka-sakali akong makikita ko si Jai.

I’m wearing a new pair of jeans (bili ng Nanay ko, pasalubong from the States) and a plain white shirt. Humarap ako sa salamin at nag-ayos ng buhok. Ilang minuto pa, handa na ako para maglakad papuntang school.

Malapit na ako sa bahay nina Jai, meron akong perfect spot na nahanap noong summer na saktong matatanaw ko ang buong bahay nina Jai. Nagtago ako dun saglit. Maya-maya pa, nakita kong lumabas si Jai. Abot-tenga ang ngiti ko nung makita siya. Ang ganda niya, mas lalo siyang gumanda ngayon!

 Pero bakit naupo lang siya sa balkonahe? May susundo ba sa kanya? 

Hindi naman sasabay sa akin si Jai. Maglalakad lang ako, wala akong sasakyan, mapapagod lang siya. Malamang yung hinihintay niya may sasakyan. Lalo akong nalungkot sa naisip ko.. 

Nag-umpisa na akong maglakad, parang pasan lang ang daigdig.. Hehe..

 “ALEC!” narinig kong may sumigaw ng pangalan ko. Hinanap ko kung saan at sino yung tumatawag sa akin.. Finally nakita ko na kung sino siya! Napangiti ako nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin. ^__^

 I waved my hand, signaling na sumabay siya sa akin. Mukha namang naintindihan niya ang ibig kong sabihin kasi dali-dali niyang kinuha ang kanyang backpack at tumakbo papuntang gate nila. Habang palapit siya ng palapit, lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Sorry naman, excited at super happy lang! Haha.

“Aleeeecccc!!! Kumusta ka na? Mygad, tagal natin di nagkita! Hahaha..” Hinug niya ko.. waaaaa… ang saya ko! Naka-iskor si Ako! Hahaha.. pero di ako nagpahalata, baka sabihin nananamantala ako. Haha!

“Oo nga eh, ikaw kasi tinakasan mo kami ni Nikka eh. Nakakasawa na tuloy pagmumukha niya, nothing new!” Pabiro kong sabi.

“Hindi naman. Wala lang akong choice. Saan ka nga pala nag-enroll?” Aniya.

“Sa Notre Dame. Pwede na daw boys ngayon dun eh. Buti na rin yun, malapit sa bahay, kaya nga naisip ko maglakad ngayon eh. Maaga pa naman.” Sagot ko naman.

“Sa Notre Dame?! Di nga? Haha. Parehas tayo! Buti na lang! May kasama na ako pagpasok.” Ani Jai na mukhang tuwang-tuwa.

Ambait talaga ni Lord! Answerte ko talaga! Sa iisang school kami papasok ni Jai. Ang nag-iisa kong crush. Opo, crush ko siya, aaminin ko na, di na ako magdedeny. Haha. May pagkakataon na akong mas makilala pa siya nang mabuti, na makita at makasama siya araw-araw. Sana hindi siya magsasawa sa akin. Buo na ang araw ko pag nakikita ko siya, lalo na ang mga ngiti niya. Haay Jai.. bakit ka ba kasi ganyan? Nabihag mo na yata ang puso ko.. ^__^

Habang kami ay naglalakad papuntang school, marami akong nalaman tungkol sa kanya.. Jyra May G. Agpangan pala ang buong pangalan niya. Ang parents niya ay Lawyers at may nag-iisa siyang kapatid na babae na nasa Canada na ngayon. Medyo malayo ang agwat ng kanilang edad kaya naman spoiled na spoiled siya rito. Mahilig siya sa ice cream at chocolates and favorite color niya ang blue at purple. Sa aming paglalakakad, di na naming namalayang nasa harapan na pala kami ng gate ng school. We were both excited to go inside and welcome our high school lives together. I know this will be a new experience for us and sabi nga ng parents ko, sa High School, you will experience so many FIRSTS in your life..

(A/N: At school… Hindi nahirapan si Jai makakita ng mga kakilala dahil marami siyang schoolmates nung elementary na nag-enroll din sa Notre Dame. Sikat si Jai sa dati niyang school dahil active siya sa academics at pati na rin sa extra-curricular activities).

 “FRIEEENNNDDDDSSSSHHHIIIIPPPPP!!!” sabay-sabay na sigaw ng mga girls kay Jai, sabay kumpulan sa paligid ni Jai.

“Hi, guys! Kumusta na kayo? Long time no see! Dito rin pala kayo mag-aaral.” Sagot niya.

“Sino yang kasama mo? Saan mo napulot yan?” tanong ng isang babae.

“Ah siya si Alec, kaibigan ko. Kakatransfer lang ng family niya dito. Oh paano ba yan, mauna nako sa inyo ha. Hahanapin ko pa ang classroom ko eh.” At nagpaalam na si Jai sa kanila.

Lakad lakad konti… Daming mga bubuyog sa paligid… Habang naglalakad kami, andaming tumatawag kay Jai. Mapa-babae man o lalaki. Ganun pala siya ka-popular kahit freshman pa lang siya.

Tahimik lang kaming naglalakad.. Awkward na nga eh.. Then..

“Oh paano ba yan, Lec. See you when I see you? Hahanapin ko muna classroom ko ha.. Pasensya ka na, di muna kita masasamahan, di pa ako pamilyar dito sa school eh, baka ma-late tayo parehas sa klase if sasabay tayo.” Ani Jai.

“Sige, Jai.. See you when I see you..” Pilit akong ngumiti para di halata ni Jai na ako’y nalulungkot dahil ayaw yata niyang magkasama kaming maghanap ng classroom namin. Di kaya nahihiya siyang kasama ako? Sino ba naman kasi ako para makitang kasama ang isa sa pinakasikat at pinakamaganda sa campus diba? Wala yata akong karapatan, kaya ayoko na ring kulitin si Jai.

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo.. Minasdan ko lang siya habang papalayo sa kinatatayuan ko..

“Jai, please humarap ka….” Sa isip ko…

1…

2…

3…

4…

5…

Dire-diretso pa rin siya sa paglalakad.. L

Kaya tumalikod na lang ako at naglakad na rin papunta sa direksyon kasalungat ng direksong tinatahak ni Jai.

Makakasama ko pa kaya si Jai? What if ayaw na niya akong makasama sa school? O di kaya kahit kalian? Paano na ako? Siya lang ang tanging babaeng nagpapaligaya sa akin ngayon. Ikinahihiya ba ako ni Jai? Makakasira ba ako sa image niya? Ano na ang gagawin ko ngayon?

Naglakad akongparang wala sa sarili. Nagulat na lang ako nasa harapan ko na pala si Nikka.

“Ui Nikka! Sinong kasama mo? Kanina ka pa dito?”

“Oo kaya! Ikaw lang tong parang lutang diyan eh, kanina pa kita tinatawag. Bingi ka na pala ngayon, kelan pa yan? Pacheck up ka na!” Ani Nikka, halatang nagpapacute. Haha.

“Nakita mo na ba classroom mo? Tara sabay na tayo maghanap.” Sabi ulit ni Nikka, di naman ako kumontra. Besides, siya naman talaga ang pinakaunang naging kaibigan ko sa lugar na to.

Inisa-isa namin ang mga listahan ng mga pangalan na nakapaskil sa bawat classroom. And finally, nakita na rin naming ang mga pangalan namin. Magkaklase kami ni Nikka kaya masaya na rin ako kasi kasama ko siya. Hindi na ako OP (out of place) sa classroom. Pagpasok namin ng klase, may grupo ng mga girls na nagkukwentuhan sa isang sulok. Parang meron silang pinagkakaguluhan. Guess who?

Si Jai pala yun. Magkaklase pala kami. Pero ganun ba talaga siya ka-popular? Nakapanliliit naman. 

Tinawag ko siya. “Jai! Magkaklase pala tayo!” Ngumiti ako nang abot-tenga. Ansaya ko eh bat ba! Kanina halos mawalan na ako ng pag-asa pero ngayon, nanumbalik ang aking sigla. Hehe.

(A/N: Tuloy-tuloy na kaya ang saya ni Alec ngayong alam na niyang magkaklase sila ni Jai? Na buong taon silang magkakasama buong araw sa loob ng classroom? Magpapatuloy kaya ang saya niya kahit wala na sila ni Jai sa school? Abangan!)

MY FIRST LOVE  (Jalec FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon