Chapter 8: The New Me

243 8 1
                                    

Third Year High School na kami. Ambilis talaga ng panahon. Pagkatapos ng school year, I went to Manila para doon muna magstay habang summer pa. Para magpakalayo-layo din muna and makapagmove on from the heartaches that I felt. I pushed myself to be a better person. I started to groom myself, nagconsult sa isang kaibigang mahilig sa latest trends sa fashion. Total makeover ang ginawa niya sa akin. Now I’m ready to go back to Davao and face everyone with the new ME.

First day ng school, sinundo ko si Nikka sa bahay nila. Nang lumabas siya ng bahay nila, halos di siya makapaniwala sa kanyang nakita.

“Alec ikaw ba  yan?! Whoa! 2 months ka lang nawala, anlaki na ng ipinagbago mo ha!” Manghang-mangha siya.

I was wearing a semi-tight jeans, and a checkered polo na usong-uso ngayon sa mga teenagers. I also wore a new pair of sneakers. I also have a new hairstyle. Spiky na, di tulad dati na flat na flat at may hati sa gitna. Hindi ko na rin suot ang makakapal kong eyeglasses.

“Ganun pa ako kapangit dati para ganyan ka magreact ngayon ha?!” Natatawa kong sabi.

“Wala lang! Mas lalo kang nagmukhang tao ngayon!” sagot din ni Nikka na natatawa din.

“Tara na nga! Puro ka kalokohan!” –ako

Pagdating sa school…

Nagtitinginan lahat ng taong nadadaanan namin sa hallways, sa sidewalks.. Nakakailang, siguro akala nila transferee ako. Nagpatuloy lang kami ni Nikka sa paglalakad, kunwari’y dedma sa mga bubuyog sa paligid.

“ALEEEEECCCCCC!!!! Ikaw ba yan?!” Narinig kong tawag ng isang pamilyar na boses.

Tumingin ako sa dako kung nasaan siya. Si Jai, gulat na gulat na nakatitig sa akin. Nakikita kong tuwang tuwa siya sa pagbabagong nakikita niya sa akin.

“Hi Jai! It’s nice to see you again! How was your summer?” Sagot ko.

“Para sayo to Jai, kung ano man nakikita mo ngayon. This is for you..Sana mapansin mo na ako this time.”

“Wow, Lec! Ibang-iba ka na! Lalo kang gumwapo!” Sabi pa ni Jai sabay hawak ng pisngi ko.

Hindi ko alam kung ano yung nakikita ko ngayon. May kakaiba akong nakikita sa mga mata niya. Siguro dahil lang sa natutuwa siya sa pagbabago sa akin. And proud siya na kaibigan niya ako. Nothing more, nothing less. Besides, she already has the “man of her dreams”.

“Thanks! By the way, asan si Tom? DI yata kayo magkasama ngayon?” pag-uusisa ko.

“Ah si Tom? Male-late daw siya eh. Maya-maya lang andito na yun.” Aniyang nakangiti pa din at hindi tinatanggal ang mga mata sa akin.

“Ah ganun ba? Tara hatid ko kayo ni Nikka sa classrooms nyo.” Sagot  ko din, nilabanan ko sa pakikipagtitigan si Jai. I want more clues. Hehe.

Biglang bumawi ng tingin si Jai sabay sabing, “Magkaklase kayo ni Nikka. Nakita ko na sections nyo. Ako kaklase si Tom. Sabay kasi kami nag-enroll eh.”

“Ah okay, good! Tara hatid ka muna namin ni Nikka saka kami didiretso sa classroom namin.” –ako

At naglakad na kaming tatlo. Siksikan sa hallway maraming estudyanteng naghahanap pa rin ng kanilang mga pangalan sa listahan. Kaya naman hindi maiwasang napapatumba si Jai papunta sa akin pag nagkakatulakan. Nasa likuran niya ako. Hinawakan ko ang beywang niya bilang pag-alalay sa kanya. Masaya-masayang ako sa mga sandalingiyon, hindi dahil naka-iskor ako ha. Kayo talaga! Kundi dahil kahit papano ay maipaparamdam ko kay Jai na magiging secure siya pag kasama ako. Na hindi ko siya iiwan o bibitawan. Na pwede niya akong pagkatiwalaan sa tuwing siya ay parang madadapa na sa unos na dumarating sa buhay niya.

Hanggang sa marating na namin ang kanyang classroom at nagpaalam na kami sa isat isa.

Isang araw, niyaya niya akong sumali sa kanilang partido para sa school elections.Kulang daw kasi sila ng miyembro. Kahit ako ay nahihiya, sumali na rin ako. Ayokong madisappoint sakin ang taong espesyal sa buhay ko.

Naghahanda na kami para sa eleksyon sa school. Pumunta ako sa gym para tumulong sa decorations. Nakita ko sina Tom at Jai na nagdedecorate ng stage habang sweet pa rin sa isat-isa. Hindi ko tuloy alam kung tutuloy pa ako o hindi na. Pero nilakasan ko na lang ang loob ko at lumapit sa kanilang dalawa.Buti nga naistorbo ko sila. Bwahaha.

“Ui pogi, anjan ka na pala! Halika, tulungan mo kami ni Tom dito.” Yaya ni Jai. Wow pogi daw ako. First time niya sinabi sa akin yun. One point!

  Tinulungan ko naman sila. Pero di ko pa rin maiwasang tingnan silang dalawa habang nagkikilitan at nagtatawanan. Nakakainis na talaga. Di ko na kaya. Gusto ko na magwala! Baka masira ko lang tong stage!

“Ehem! Excuse me guys ha, masakit ang tiyan ko eh. Mauna na muna ako, di ko na kaya eh.” Kunwaring palusot ko.

“Hala, masama pakiramdam mo, Lec? Gusto mo samahan ka na namin sa pag-uwi? Hatid ka namin, baka di mo kaya mag-isa eh.” Nakita ko sa mga mata ni Jai ang pag-aalala. Parang natataranta na rin siya.

“De, okay lang. Kaya ko pa naman. Besides, malapit lang naman ang bahay namin. Pasensya na talaga ha, di ko kayo matutulungan.” Sabi ko ulit. Okay na sanang sasamahan ako ni Jai eh kaya lang for sure, sasama yung mokong na si Tom. Wag na lang! Baka matuluyan na ang pagsakit ng tiyan ko nun.

Pag-uwi ko sa bahay, agad akong nakatulog. Siguro napagod sa pag-iisip ng mga nangyari sa gym. At 9pm, my mom woke me up para makapagdinner ako. She also told me that Jai called a while ago, asking if I’m okay. But Mom didn’t bother waking up na muna kasi nga daw nasabi ni Jai na masama ang pakiramdam ko.

Si Mommy talaga! Panira ng moment. Kanina hindi ako ginising eh mahal ko kaya yung tumawag! Ngayon lang ulit tumawag yun  after a long time. Anyway, kakausapin ko na lang siya kinabukasan para makapag-thank you.

(A/N: Wala akong masabi. Kaya read nyo na lang next chapter. Haha!)

MY FIRST LOVE  (Jalec FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon