A/N : Ayun! Sorry po kung ngayon lang naka-UD. Busy po kasi sa school e.
Dedicated po kay 'ChantalKylaMarieGuti'. :))
___________________________________________________________________________
Myrtle's POV
One week na rin simula nung birthday party ko.Eto ako, iniintay si Yves. E anong oras na kaya? 11:00 na ng gabi, wala pa sya. Ano na kayang nangyari dun? Ngayon lang sya nagkaganyan. Ngayon lang sya late na umuwi. Ugh. Nag-aalala na ako ha.
Yung kahapon din at nung mga nakaraang araw, tamang oras yung uwi nya. Pero wala syang time para sakin. Kahit batiin man lang ako o i-kiss o i-hug. Pero wala. Wala syang ginawa. He has NO TIME for me. Kahit sa mga anak nya. Ganun din, wala din syang oras.
Lagi nyang sinasabi, 'Pagod ako. Next time na lang'. Oh diba? Alam ko namang pagod na pagod na sya sa trabaho nya pero kahit man lang batiin o i-kiss o i-hug kami hindi man lang nya magawa? Nakakapagod na ba yun? Hay. Ano na ba ang nangyayari?
May narinig akong nagbukas ng pinto. Agad naman akong napatayo. At nakita ko si Yves.
LASING?!
Huh?! Bakit naman sya naglasing?
Buti pala tulog na ang mga bata. Ayokong nakikita nila na lasing ang kanilang Daddy.
"Yves!! Anong nangyari sayo?! Bakit ka naglasing? May problema ba?"- sunod-sunod na tanong ko habang inaalalayan sya. Pagewang-gewang kasi e.
"Wala, candy ko. Wala naman akong problema e."- Yves
"Anong wala?! E bakit ka naglasing?!"- ako. Inupo ko sya sa sofa.
"Wala nga. Gushto ko langs."- Yves.
"Tsk!"- ako.
Inayusan ko na sya. At inalalayan ulit papunta sa kwarto. At ayun, nakatulog ang loko. Tsk! Bakit kasi sya naglasing? Ano problema nya? Asawa naman nya ako kaya may karapatan akong malaman ang problema nya. At asawa nya ako kaya pwede syang maglabas sakin ng sama ng loob o ng mga problema. Hay.
Yves' POV
kinabukasan..
"Good morning, sir."
"Good morning po."
Bati sakin ng mga empleyado ko. Iilan na lang silang bumabati sakin. Nag-iba na ang tingin nila sakin.
Simula nung..
pinagbintangan akong nagnakaw.
BINABASA MO ANG
Bestfriend To Lovers (Book 2)
Teen FictionThe continuation of Yves and Myrtle's Story at kung paano nila malalampasan lahat ng pagsubok sa pagkakaroon ng isang pamilya. :)