Chapter 35:Hannah's SecretHannah's POV,
"Ate!Tama na please...maawa ka..." pagmamakaawa ko habang pilit tinatanggal ang pagkakahawak niya sa buhok ko.
"Nasasaktan ako ate.. please... dinalhan lang naman kita ng pagkain eh.. Ate.." sabi ko pa habang umiiyak.
"Ah,nasasaktan ka?Eh si mama?Tingin mo hindi siya nasaktan noon dahil sa ginawa mo?!"sigaw niya tsaka nginudngod ako.Napaiyak nalang ako.Ayan nanaman siya,sisisihin nanaman niya ako kay mama.Hindi naman ako makalaban dahil mas lalo lang lalala ang sitwasyon.
" Ate,please..tama na..h-hindi ko naman sinasadya yun eh..ate h-hindi ko ginusto ang nangyari... Ate..."umiiyak kong sambit.
Nakakainis,wala akong magawa.At wala akong balak gawin. Dahil ayokong saktan si ate. Kahit pa ganyan siya,di ko kayang gawin ang saktan siya. Nagkaganyan lang naman siya dahil sakin eh. Tama siya,kasalanan ko ang lahat. Pero hindi pa ba sapat ang lahat ng pagsisisi ko at ang pananakit niya?
"Killer!Mamamatay-tao!Pinatay mo si mama!Im going to kill you now before you kill me!Uunahan na kita!"sigaw niya tsaka mas nginudngod ang mukha ko sa sahig. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak nalang.
Shin Xyrel's POV,
Napasilip ako sa may bintana ng dating bahay nila Hannah at nakita ko siya na inginungodngod sa sahig ng isang babae. I clenched my fist. How dare she hurt my friend? But i need to stay calm. Buti nalang at nalaman ng isa sa spy ni Brent ang bahay na to. Every once in a month umuuwi siya rito para bisitahin ang ate niya pero imbes na i-welcome siya eh ganito pa ang ginagawa sa kanya.
Pumunta na ako sa tapat ng pinto at bago pa tuluyang makarating,narinig ko pang sumigaw ang babae.
"Killer!Mamamatay-tao!Pinatay mo si mama!Im going to kill you now before you kill me!Uunahan na kita!" sigaw nito.Eh?Mukhang may pinag-ugatan talaga ang galit ng babaeng yun kay Hannah ah.I need to know the truth.
Agad na akong kumatok at bago tuluyang buksan ang pinto,narinig ko pang nagsalita ang babae.
"Aba,akalain mo,may pupunta pa sa lugar na to?" sabi niya.
Well,wala naman talagang magbabalak pumunta rito dahil medyo haunted at walang mga tao maliban sa kanila.
Binukas ng babae ang pinto tsaka tumingin sakin.
"Sino ka?!" medyo inis na sabi niya.I just smirk.
"Bisita ako ni Hannah," sabi ko na ikinataka niya.Napatingin samin si Hannah and her eyes widened.
"S-Shin?Bakit ka..Bakit ka nandito?" tanong niya habang nakahiga sa sahig.
"At nagyaya ka pa talaga ng bisita ha,ang kapal din naman talaga ng mukha mo eh no!" sigaw niya tsaka akmang lalapitan at sasabunutan si Hannah ng magsalita ako.
"Hindi ako niyaya ni Hannah rito.Kusa akong pumunta.I just came here to inform you that you have no right to hurt my Best friend," sabi ko tsaka tinulungang tumayo si Hannah.
"Are you okay?" tanong ko.
Tumango lang siya kahit na alam kong hindi."Shin..anong...sino ka?"taka niyang tanong.
"Ill tell later.Sasabihin mo muna kung bakit galit na galit ang babaeng ito sayo," sabi ko tsaka tumingin sa babae.
"Bakit ako galit?Simple,dahil ang babaeng yan ang pumatay kay mama!"sigaw niya.Oh,so that's the reason.
"Urusai(Shut up).Let Hannah explain herself," sabi ko tsaka tumingin kay Hannah but she just look away.
"Eh baka magsinungaling pa yan sayo!" sigaw ng babae.
"I dont care.Whatever she'll say,ill believe it," i said and Hannah look at me but i just smile at her.
She sighed. "Nung gabing yun,muntik na akong gahasain ni papa.Pinilit kong makawala,pero hindi ko kaya.Mabuti nalang at dumating si mama.Akala ko,ipagtatanggol niya ako pero.... inakusahan pa niya ako... sabi niya,kabit daw ako ni papa.Sinaktan niya ako,halos patayin ng pananakit niya both physically and emotionally.
Bigla nalang nandilim ang paningin ko tapos,tapos nakita ko nalang na nakahandusay na si mama at naliligo sa sarili niyang dugo. Dumating si ate at agad niyang nilapitan si mama at nung nakita niya ang hawak kong kutsilyo,hindi na niya ako hinayaang mag-explain," umiiyak niyang kwento.Niyakap ko lang si Hannah tsaka tumingin sa ate niya na nanlaki bigla ang mata.
"Yun ang totoong nangyari?Hindi ko alam na... sorry Hannah,d-dapat,pinakinggan kita..sorry,"sabi ng ate ni Hannah tsaka umiyak na.Bumitaw sa pagkakayakap si Hannah sakin tsaka ngumiti sa ate niya.
"Ayos na yun.Ang mahalaga,napatawad mo na ako. Salamat pala Shin ah," sabi niya tsaka tumingin sakin.
"Sus,wala yun," naisagot ko.
"Nga pala Shin.. May aaminin ka pa diba?" tanong niya.
"Yup!But before that,i have to tell something first.Whatever am I,one thing's for sure.Im youre friend and you can always rely on me.Yakusoku no!(I promise!)" sabi ko tsaka ngumiti.
------
A/N:Naks,yan ang true friend!Maganda ulit ang next chappiee so...eto na!
Next Chapter:
Chapter 36:His Childhood Friend's Obsession
Please Read,Vote,Comment and Recommend narin!Thanks!!
BINABASA MO ANG
My Manliligaws and Me [COMPLETED]
Teen Fictionone girl,four boys who will she choose? forever1429