Part Thirteen

6.6K 165 1
                                    

"HA?" NARINIG naman ni Aira ang sinabi ni Jeff, pero hirap lang siyang paniwalaan iyon.

"Because we all want what we couldn't have," Jeff said in a matter-of-factly tone. "Mas gusto ninyong mga babae ang mga lalaking suplado, misteryoso, at hindi n'yo maabot, kesa sa mga nand'yan lang sa tabi n'yo. It's the same thing with the guy you were talking about earlier. Dahil ikaw ang naghahabol sa kanya, hindi mo talaga siya maaabutan."

Napakunot-noo siya. "So, ano'ng gusto mong sabihin? 'Wag ko siyang pansinin para siya naman ang humabol sa 'kin?"

"Could be," anito sabay kibit-balikat. "It would also make a difference if you'd appear more confident. I mean, honestly, you look hot in that dress. But I can't help but notice that you keep on tugging on your neckline and your skirt. If you think that's too sexy for you, then don't wear it."

Napakagat-labi siya. She had one thing in mind as she listened to Jeff's words: mukha siyang trying hard na magpa-sexy. That was something that she, Stephanie and Grace missed: They forgot to get a man's point of view on how to be seductive.

Bumuntunghininga siya. "So, instead of turning him on, na-turn off pala siya sa 'kin," she said, talking to herself more than to Jeff. Pilit niyang inalala kung paano nga ba siya kumilos noong gabing nanood sila ni Miklos ng NBA game. Awkward nga ba siya tingnan sa suot niya noon? Panay nga ba ang hila niya ng neckline ng tshirt na suot niya, o nang shorts niya? Hindi na niya maalala.

What was stuck in her was when she would place her hand on Miklos' thigh, or waist, or arm. O kaya naman ay ang pagsasalita niya ng mahina para ilapit nito sa kanya ang mukha at magkarinigan sila sa kabila ng lakas ng sigawan o palakpakan ng mga nanonood.

She thought she did very well on getting her message across Miklos that night. She thought she succeeded on being seductive. She thought she was able to turn him on.

Apparently not, considering what happened to her during that fateful night.

Napasulyap siya sa katabing si Jeff. Bigla kasing pumasok sa isip niya ang sinabi nito kanina sa bar, bago pa sila madatnan nina Grace at Roel na galing noon sa dance floor. "Jeff," pagtawag niya ng pansin nito.

"Yup?"

"Sabi mo kanina, you don't want a virgin on your bed? Bakit? Akala ko gusto ng mga lalaki na sila yung makakauna sa babae? Parang bragging rights sa inyo, gano'n?" Iniisip niya, nahalata kaya ni Miklos na virgin pa siya? Kaya ito na-turnoff sa kanya?

"Nah, hindi naman sa ayaw," sagot naman ni Jeff na nagpabalik sa kanya sa kamalayan. "Ayoko lang sa virgin kasi nakikipag-sex nga ako for pleasure. And with first timers, of course you'd have to think about their pleasure first. Ako lang ang magtatrabaho."

"Trabaho?"

Tumaas ang isang sulok ng bibig nito. "I already had a hunch you're kinda naive. I didn't know it was that—"

"Hey, alam ko naman kung ano'ng nangyayari kapag nagse-sex ang dalawang tao!"

"Alam mo. Pero nagawa mo na ba?"

Doon siya natahimik. She hated the smug smile she saw plastered on Jeff's face.

"There's a big difference of knowing the act, and doing the act itself, Aira."

Sumuko na siya. Wala na siyang maikakatwiran pa. She instead shifted gears. "Mas attractive ba sa inyo ang mga babaeng may sexual experience na?"

Hindi naman ito nagkomento sa pagbabago niya ng usapan. Sa halip ay nagmukha itong nag-iisip nang isasagot sa kanya. Maya-maya ay umiling-iling ito. "Nah, I can only speak for myself. But there is such thing as sexual attraction, a woman being and looking sensual, making her highly attractive to the opposite sex." Tinapik-tapik nito ang manibela bago nagpatuloy. "Think of Princess Diana. Almost everyone would agree that she's beautiful. Then there's Marilyn Monroe, who's a sex godess. Any guy would choose a Marilyn on his bed rather than a Diana at any given time."

Tumango-tango siya. Nakukuha niya ang gusto nitong sabihin. She had the sexual quotient of a school girl in her teenage years—probably making her unattractive towards the opposite sex. At kahit anong "pa-sexy" pa ang gawin n'ya, she would still look like she was trying really hard. Mukhang hindi talaga yata pwede ang kasabihang "Fake it to make it," pagdating sa pagiging sensual ng isang babae. Napabuga siya ng hangin. Muli niyang nilingon si Jeff. "Ayaw mo ba talagang makipag-sex sa isang virgin pa na babae?"

Hindi niya inaasahan ang pagtawa nito ng malakas. "Are you insinuating that we have sex?"

She felt her cheeks burn. Pinilipit ng mga kamay niya ang dulo ng suot niyang itim na bestida. "If...If being sexually aware would make me more attractive and sensual so I can seduce Miklos, why not?"

"That lucky bastard." Pumalatak ito. "Let's go somewhere else then. I'll teach you some tricks."

Napanganga siya. "Ha? Ngayon na?"

"Oo, habang willing pa 'kong mangunsinti sa 'yo dahil sa alcohol sa katawan ko. If I were sober, I don't think this would happen."

Bigla siyang nataranta. "H-ha? W-Wait lang... N-Ngayon na? As in may mangyayari na sa 'tin now na?" Napatingin siya sa paligid nang iparada ni Jeff sa tabing kalsada ang kotse nito.

"Hindi dito sa kotse. Sa motel." Kinuha nito ang cellphone at nagpipindot ng kung anu-ano doon. "Let me check Google Maps for the nearest place we could stay..." Saglit itong tumahimik. "There you go. It's only five-eighty meters away." Pagkasabi noon ay isinabit nito ang cellphone sa ilalim ng rearview mirror gamit ang isang clip. Nakita niya roon ang isang mapa, at isang asul na linyang ang dulo ay itinuturo kung paano pumunta sa Victoria Court, Manila.

"N-Ngayon na talaga?" Bakit ba bigla siyang kinabahan? Siya naman ang nakaisip nito, 'di ba? Shit, biglang gusto na niya ngayong mag-backout. "Ahm, Jeff, ano, ahmm—"

"Walang mangyayari sa 'tin, trust me. So, relax, keep still, bago pa magbago ang isip ko."

Pupunta sila sa motel pero walang mangyayari sa kanila? Paano kaya 'yun? Ngunit sa halip na magtanong pa ay itinikom na lamang niya ang bibig. Pakiramdam niya ay namamanhid ang mga braso at binti niya. Napansin din niya na parang biglang bumilis ang kanyang paghinga. Napalunok siya.

Nanlaki ang mga mata niya nang ilang saglit pa ay minaniobra ni Jeff papasok ng entrance ng Victoria Court ang kotse nito.

Walang anu-ano'y biglang pumasok sa isip niya na bumaba ng kotse at magsisisigaw ng "Rape! Rape!"

Pero may maniniwala ba sa kanyakung kamukha naman ni Derek Ramsay ang "rapist" niya?

Against the Wall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon