Part Five

8.4K 187 8
                                    


AIRA had no idea of what time it was, basta ang nasa isip niya ay tapusin ang report tungkol sa ginaganap na language assessment sa Shaw site nila upang maipadala iyon sa recruitment at language teams ng buong TeleConvergence.

Ngunit kahit na nakatutok ang screen niya sa computer at pilit na tinatapos ang report, eto, alam pa rin niya ang ginawang pagpasok ni Miklos ng recruitment office mula marahil sa pagi-interview ng mga aplikante sa labas. Basta si Miklos, para siyang may built-in spotlight para rito—alam niya kung nasaan ito, kung ano ang sinasabi nito, kung ano ang ginagawa nito.

Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis na mukhang hindi naging big deal dito ang dumaplis niyang beso dahil tulad pa rin ng dati ang pagtrato nito sa kanya: propesyonal. Kung alam lang sana nito na nang nagkasabay sila sa pantry kanina ay ini-imagine niya kung paano dahan-dahang tatanggalin ang pagkakabutones ng long-sleeved polo nito.

Napahawak siya sa noo. What had become of her? Naiiling na kinuha niya ang cellphone mula sa bag at tinext si Stephanie. Ito naman talaga at si Grace ang may kagagawan ng pagdumi ng utak niya.

so dis was wat adam and eve felt wen dey realized dey wer naked. gosh, steph, kung anuano nkukuha ko sa books mo, naiimagine ko na si (bleep) na hinuhubaran ko! :/

Ilang minuto lang ang hinintay niya bago tumunog ang message alert tone niya. At ang sagot nito—

Did you know that the Greeks invented a word for mentally undressing someone? It's called "apodyopsis." So if they have a word for it, that means it's practically normal. Don't blame my books for that. Well.. maybe, but just partially! LOL

Napailing na lamang siya sa nabasang reply ni Steph. Itinago niyang muli ang cellphone sa bag at pinagpatuloy ang ginagawang report.

Dalawang workstation mula sa kanan niya nakapwesto ang workstation ni Miklos. Nasa tabi niya si Denise, habang sa kasunod na workstation ay si TJ. Ngunit dahil nasa yosi break ang mga ito, walang naging sagabal para pasimple niyang masilayan si Miklos. Nakasandal ito sa office chair nito, nakatukod ang isang siko sa arm rest, habang minamasahe ang ulo. Mukhang sakit sa ulo ang inabot nito sa huling in-interview...

Nakadama siya ng awa para rito. Parang gusto tuloy niyang tumayo at lumapit dito para i-masahe ang ulo at mga balikat nito—

Lumingon ito sa kanya. Huli na para alisin ang tingin niya rito, kaya ikinunot na lamang niya ang noo at tinanong ito nang, "Okay ka lang?" na sapat lang para marinig nito at hindi makatawag pansin ng iba pang mga kaopisina nito na nasa iba pang mga workstations.

Umiling ito. "Just finished a forty-minute job offer, only to find out she would turn it down in the end," sagot nito na bakas ang inis at pagod sa mukha nitong kahit anong mangyari ay gwapo pa rin.

"Bakit daw?"

"Salary issues."

"Ha? E 'di ba sa second interview pa lang sinasabi na 'yon?" Sa ilang buwan na niyang pagre-report sa recruitment office ay nakabisado na niya ang recruitment stages ng mga ito. Minsan nga, dahil sa dagsa ang mga aplikante ay binibiro na rin siya ng mga ito na mag-interview na rin daw siya para—

She heard Miklos let out a loud sigh. "Kaya nga nakakainit ng ulo."

"Ikain mo na lang 'yan, pare," narinig nilang sabi ng isa sa mga kapwa recruiter ni Miklos na nakapwesto sa may bandang likuran.

Napatingin siya sa relo. "Two-o-five na!" bulalas niya, sabay tayo ng upuan. Hindi pa siya nagtatanghalian. Napansin niya na nakatingin lamang sa kanya si Miklos, at agad-agad ay may pumasok na plano sa utak niya.

Against the Wall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon