Part Sixteen

7.1K 155 2
                                    

"YOU HAD SEX without penetration? And you said you climaxed? Interesting."

Napatingin si Aira sa ginawang pagbuga ng usok ni Stephanie mula sa hinithit nitong sigarilyo. She knew that someday, she would suffer the consequences for being friends with chain smokers – but she would worry about it when that time would come.

Katatapos lamang kasi niyang ikwento rito ang nangyari sa kanila ni Jeff at nang gabing mag-double date sila nina Grace. Naroroon sila ni Steph sa second floor ng Starbucks sa may Northgate. Nagyaya kasi ito na mag-kape kahit na hindi pa tapos ang mga trabaho nila. It was eight PM and technically, both their shifts were over. Ngunit alam nilang pareho na pagkatapos ng chismisan nila sa sulok na bahagi na iyon ng Starbucks ay kailangan pa rin nilang bumalik sa kani-kaniyang workstation. There were still reports, emails, and admin work they had to finish before they could call it a day.

"Hindi ba usual 'yun?" tanong niya rito.

Pinitik-pitik nito ang hawak na sigarilyo sa ashtray. Pinaypay nito ang kanang kamay para ilayo sa kanya ang usok mula sa sigarilyo nito. "All I can say is that he's got superhuman self-control for him to do that for you. I mean, what did he get from what you guys did? Nada. Zilch. Pfft!"

Sumipsip muna siya ng in-order niyang coffee frap bago nagkibit-balikat. "Sabi niya, he wanted to teach me how to be sexually attractive so I could get you-know-who."

Umismid ito. "I dunno. I'm not really too sold at this guy. I mean... Who does that nowadays? He's like.. A sex-knight-in-shining armor or something." Kinuha nito ang tinidor at humiwa ng inorder nitong cheesecake. Inalok muna siya nito, na tinanggihan naman niya, bago nito isinubo ang piraso ng cake. Lumunok muna ito bago muling nagsalita. "Did you feel harassed or molested?"

Pandalas ang naging iling niya. "Hindi, ah. He made me feel..." Nag-init ang mga pisngi niya. "Basta ang masasabi ko lang, pinaligaya n'ya 'ko nung gabing 'yon."

"Good for you." Muli itong humitihit sa sigarilyo nito bago nagbuga paitaas ng usok. "So, what happened after he jerked off?"

She assumed Steph was referring to the "M" word, so she told her what she could remember. "Lumabas siya ng banyo, then ako naman 'yung pumasok kasi naligo ako. Pero 'yun pa rin yung damit na isinuot ko. Paglabas ko, tulog na siya sa kama. Hindi ko na siya ginising. Natulog na lang din ako sa tabi niya."

"Really."

Tumango siya. Nahalata niya kay Steph na pinagdududahan nito ang kwento niya. "Oo nga. Bakit naman ako magsisinungaling sa 'yo? Wala talagang nangyari pagkatapos. Nauna pa nga akong nagising sa kanya. Tapos, ginising ko na siya kasi akala ko kailangan na namin mag-check-out. Turned out, hindi pa pala. Pero dahil gising na rin naman siya, natuluyan na rin kami mag-check-out. Ayun, hinatid na niya ko sa apartment. Buong araw akong inasar ni Grace kasi nauna pa siyang makauwi sa 'kin."

"We're you guys able to exchange numbers?"

"Oo. Gusto mong kuhanin number niya?"

"Oh, no, no. I'm good. I don't need that kind of complication." Muli itong naghitit-buga ng usok. Ngunit dahil sa naging direksyon ng hangin ay napunta iyon sa direksyon niya. Napaubo siya ng bahagya. "Oops, sorry," ani Steph sa kanya. Kumunot ang noo nito bago ito muling nagsalita, "Do you still want to go after Miklos? 'Cause that Jeff seems like he's good for you."

Umiling-iling siya. "Hindi 'no. Miklos pa rin ako."

Sumilay ang ngiti sa labi ni Steph sa narinig na sagot niya.

--

ALAS-KWATRO y medya pa lamang ng umaga ayon sa cellphone ni Aira nang kunin niya iyon mula sa ilalim ng kanyang unan. Pupungas-pungas siya na bumangon. Biyernes ngayon at kailangan niyang mag-report sa Shaw. Seven AM to four PM ang shift na ibinigay sa kanya ni Don para maipasa niya ang report na gagawin niya eksakto sa oras bago ito umattend ng site meeting kung saan kakailanganin nito iyon.

She said her usual morning prayer before she went down from the upper deck of their bed. Nagulat siya nang makitang wala na sa higaan nito si Grace.

Nag-CR siguro, anang isip niya bago nag-iinat pang lumabas ng kwarto nila. Nagulat siya nang maamoy ang pamilyar na amoy ng sinangag na kanin. Napabilis tuloy ang hakbang niya papunta sa kusina nila.

Naabutan niya si Grace na nag-aayos na lamesa at naghahanda ng almusal nilang sinangag, pritong itlog, at hotdog.

Napamulagat siya. "May sakit ka?" takang tanong niya rito. Iyon ang isa sa mga bibihirang pagkakataon na naunahan siya nito gumising AT nagawa pa nitong magluto ng almusal nila.

"Gaga. 'Di ba ngayon yung schedule ng field trip namin sa EK?"

Napatutop siya ng noo. "Oo nga pala, ngayon nga pala 'yon," aniya. Naalala na niyang sinabi nga pala nito sa kanya iyon kagabi—ang pagbalik daw ng mga ito sa walang kamatayang Enchanted Kingdom. Kasama na rin ang pagbisita sa factory ng Gardenia at ng Lucky Me! Noodles na ayon dito ay pwede na nitong palitan ang tour guide dahil sa kabisado na nito ang bawat litanya noon.

Pumunta siya ng lababo para mag-mumog. Pagkatapos ay nagtimpla na rin siya ng kape. Nakangisi siya nang maupo sa mesa para kumain. "Sarap pala nang paggising mo may almusal ka na, 'no?" aniya kay Grace. Sa kanilang dalawa kasi, siya ang mas madalas magluto ng almusal. At kung tangahali na siya nagising, kadalasan, kung hindi pan de sal ay lugaw o sopas na binili sa karinderya sa may kanto ang almusal nila.

"Ay, nako. Lubus-lubusin mo na 'yan dahil hindi ko na alam kung kelan pa mauulit 'yan," sagot nito sa kanya habang pumipiraso ng itlog na sunny-side up ang pagkakaluto.

"Sana araw-araw field trip n'yo," biro niya habang naglalagay ng sinangag sa plato niya.

Lumabi ito. "'Tse. Ang talagang nilu-look forward ko lang naman d'on, 'yung pagpunta ko sa langit mamayang hapon."

"Ha? Kasi sa EK sa sobrang taas ng mga rides, para ka na ring nasa langit?" aniya bago pumiraso ng hotdog at isinubo iyon.

"Hinde, ibang langit 'yung tinutukoy ko, 'no. 'Di ba nga magkikita kami ni Papa Roel after ng field trip kasi andun na rin sila sa area?"

Tumango-tango siya habang ngumunguya. "Aaah. Aa nga.. Sabe ma nga," Pinanlakihan siya ng mga mata nang may maalala. Napalunok tuloy siyang bigla. "Bastos na langit ba 'yang gusto mong sabihin?"

Humagikgik ito. "Hindi, ah. Bakit ba, Heaven naman talaga ang feeling 'pag kasama mo 'yung mahal mo sa buhay." Kinutsara na nito ang natitirang kanin at piraso ng itlog sa pinggan nito at isinubo iyon. Sinabayan na nito ng pag-inom ng kape ang paglunok. "Ano, sama ka na?" muli nitong untag sa kanya. "Mag-Tagaytay tayo nina Jeff. Kasama siya sa team ni Roel na nandun sa Laguna. Ituloy n'yo yung role-playing n'yo."

Nakuha niya agad ang gusto nitong sabihin. Umiling siya. "Ayoko. Sa Shaw ako magre-report ngayon. Mas gusto ko 'yung taong makakasama ko dun."

"Miklos na naman?"

"Yup. Miklos pa rin."

Napaismid si Grace sa narinig na sagot niya.

Against the Wall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon