Part Nine

6.3K 147 4
                                    

NAKANGITING tinanaw ni Aira ang malalaking TV screen sa itaas nang Mall of Asia Arena nang mapansing muling naka-focus sa mga iyon ang NBA player na si Chandler Parsons. The girls in the crowd gave a collective swoon for the most good-looking guy in that court. May mangilang-ngilan pa kasing players ang naiwan doon at ini-interview ng media. Isa sa mga iyon si Parsons na kahit tumatagaktak ang pawis sa mukha at katawan ay parang artistang galing ng Hollywood pa rin ang itsura.

May lagpas sampung minuto na rin mula nang matapos ang exhibition game. Natalo ng Rockets ang Pacers sa score na 116-96. Nagsisimula nang mag-uwian ang ilan sa mga manonood. Siya na ang nagdesisyon na manatili pa sila ni Miklos sa kinauupuan nila para hindi na sila sumabay sa dami ng tao na papalabas ng Arena.

"Ang gwapo talaga nitong si Parsons," wala sa loob niyang sabi. "'No, Miklos?" dagdag pa niya, sabay dantay ng kamay sa kanang hita ng katabing si Miklos.

Saglit itong sumulyap sa kamay niyang nakapatong sa hita nito bago ito nagkibit-balikat. "Ewan ko. Hindi naman ako mahilig sa gwapo," pagkasabi noon ay ibinalik nito ang tingin sa basketball court.

Natawa siya. "Nabalitaan mo bang nakipag-date 'yang si Parsons kay KC?" Pag-iiba niya ng usapan.

"KC Concepcion?"

Tumango siya. "May communication kasi sila through twitter. Kanina, nag-post si KC ng pictures nila ni Parsons nung mag-date sila kasama 'yung sisters niya." Binawi na niya ang kamay na nakapatong sa hita nito. "May mga nag-react nga na followers ni KC na may girlfriend na nga daw 'yang si Parsons, kaya 'wag daw siyang masyadong umasa," lumabi siya bago nagpatuloy. "Ang o-OA, sobra. As if magpapakasal na 'yung dalawa. Parang date lang naman, eh. 'Di ba, wala namang masama sa pakikipag-date?"

Nagkibit-balikat si Miklos. "Depende."

"Depende saan?"

"If both of you are single."

Kumunot ang noo niya. Binulalas na niya agad ang unang sagot na naisip niya. "Kung gano'n ang tingin mo, bakit ka pa sumama sa 'kin ngayon gabi?"

Nakita niya ang saglit na pagtiim-bagang ni Miklos. Hinintay niyang lingunin siya nito, ngunit nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa court. "'Know what, Aira? Had I known that you'd be seducing me tonight, I really would've not come."

Kung nagkataon lang na umiinom siya ng tubig ng oras na iyon ay baka naibuga na niya iyon dahil sa narinig. Bumilis ang pintig ng puso niya. Ito na ang pagkakataong pinakahihintay niya; ilang beses na niyang na-praktis ang eksenang iyon sa isip niya.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "A-Ang gusto ko lang naman... M-makasama ka. Kahit isang... isang gabi lang."

Ayun. Nasabi na niya. Pigil ang hininga niya nang hintayin ang isasagot ni Miklos. Kahit parang gusto niyang magtatakbo palayo ay pinigilan niya ang sarili. She needed to hear what Miklos had to say.

Nilingon siya ni Miklos at tiningnan ng matiim. "Aira, ikakasal na 'ko."

She bit her lower lip. "Alam ko..."

"Exactly. So why do you have to do all these? You know about me and Hannah."

Oo, alam na alam ko 'yung tungkol sa inyo, gusto sana niyang isagot dito. Pinapanood mo pa nga sa 'kin yung video ng wedding proposal mo sa kanya, 'di ba? Ngunit hindi ang mga salitang iyon ang lumabas sa bibig niya. Sa halip, ang nasabi niya, "No strings attached. I promise."

"You don't know what you're saying." Tumayo na ito mula sa kinauupuan. "C'mon, I'll take you home."

Nag-panic siya. Mababalewala lang lahat ng pagpa-plano at paghihirap niya para sa gabing iyon.

Walang sabi-sabing inabot niya ito at hinawakan sa magkabilang pisngi. Pagkatapos ay tumingkayad siya at hinalikan ito sa labi.

She nibbled on his upper and lower lips. Ngunit kahit na anong paghalik at panunukso ang gawin niya ay nanatiling nakasarado ang mga labi nito.

Ilang sandali rin ang dumaan bago siya sumuko. Isinubsob niya ang mukha sa mga palad. Ang init-init ng pakiramdam niya sa buong katawan. Kung pwede lang sana siyang bigla na lang maglaho sa lugar na iyon. O kaya ay biglang lumindol o tamaan ng kidlat o daanan ng ipu-ipo ang MOA Arena para mabaling sa iba ang isip at damdamin niya.

Naramdaman niya ang pagkabig sa kanya ni Miklos payakap dito.

"I'm sorry, Aira," anas nito.

Umiling-iling siya. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Naramdaman niya ang pagtibok ng puso nito. Ang paghinga nito. Sa loob ng mga bisig nito, unti-unting siyang nabubuhayan ng loob. Lumalaki at lumalago ang butil ng pag-asa sa puso niya.

Meron pa siyang huling baraha. Huminga siya ng malalim bago siya tumingala kay Miklos. "Miklos..." mahinang tawag niya rito.

Sinalubong nito ang tingin niya.

Napalunok siya. Say it, Aira. Damn it! Say it! Sigaw ng isip niya. Napahigit muna siya ng hininga bago siya nagpatuloy sa pagsasalita, "Miklos.. You see... I... I know about you having to pay prostitutes because Hannah wouldn't have sex with you. Because she wants to stay pure until your wedding night."

Bumitiw ito mula sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat bago siya nito inilayo mula sa katawan nito.

"Who told you about that?" May bahid ng galit ang boses nito. Mas lalo pang naningkit ang mga singkit nitong mata. Iyon ang unang beses na nakita niyang nagalit ito ng ganoon.

Nakaramdam siya ng takot, ngunit pilit niya iyong binalewala. Muli siyang huminga ng malalim bago ito sinagot. "Hindi na mahalaga kung sino. What's more important is this: Willing akong maging puta ngayong gabi para sa 'yo, Miklos."

Bumitiw ito mula sa pagkakahawak nito sa mga balikat niya. Bumuntunghiniga ito. "Don't do this."

"Make love to me," anas niya. She bit her lower lip and said, half-pleading, "Make love to me. Bayaran mo 'ko pagkatapos. Hindi ka nagtataksil kay Hannah kapag gano'n, 'di ba? I can give my fee to charity, sa church malapit sa 'min—"

"Stop it, Aira." His voice was so stern, he sounded almost angry. "You're not that kind of girl. And I won't let you turn into that." Pagkasabi noon ay hinagilap nang kamay nito ang braso niya. "Let's get you home." Iginiya siya nito papunta sa exit. Wala sa loob na napasunod na lamang siya rito.

Tahimik lamang sila hanggang sa buong byahe nila pauwi. Hindi na siya nagsalita pa, dahil natatakot siya na kung gagawin niya iyon ay bubunghalit lamang siya ng iyak sa harap ni Miklos.

Pangit. Talunan. Marumi. Pwedeng palang maramdaman ang lahat ng iyon sa isang gabi. At ang higit na masakit, alam niyang mahal pa rin niya ang lalaking nagparamdam sa kanya ng lahat ng iyon. Na magiging laman pa rin ito ng puso't isipan niya hanggang mag-agaw ang gabi at madaling-araw, habang nakahiga siya sa kama, hanggang sa mga panaginip niya.

Against the Wall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon