Epilogue

11.8K 261 26
                                    

NAKASIMANGOT si Aira nang pagbuksan siya ni Jeff ng pinto ng condo unit nito.

"Nilakad ko 'yung buong kahabaan ng Ayala Avenue, grabe. Ang init-init! Hindi ko pa mahanap 'yung tawiran. Kung bakit kasi naisipan ko pang mag-heels. Ang sakit-sakit na ng mga paa ko..." Dinampian niya ito ng mabilis na halik sa mga labi bago dire-diretsong ibinagsak niya ang katawan sa sofa na naroroon. Inilapag niya ang dala-dalang bag at folder na may laman ng resumé niya sa tabi. "Ang hirap-hirap na talaga maghanap ng trabaho ngayon. Mas masaya pa mag-alaga kay Baby Alex."

Napapailing na lamang si Jeff habang nakatingin sa kanya na plastado sa sofa nito. "Tinanong naman kita kung gusto mong ihatid na lang kita, and you said no." Nilagpasan siya nito. Maya-maya ay narinig niya ang pagbubukas nito ng ref.

"Okay lang 'yun, ano ka ba. Naglalabas lang ng saloobin. Ayoko namang abusuhin ang kabaitan ng boyfriend ko— " Tumalikod siya at lumuhod sa sofa para tanawin si Jeff sa kusina nito. "Pagkain ba 'yan?"

"Brownie sundae with homemade hot fudge."

"Wow! Gusto ko 'yan!"

"Give me ten minutes. Gagawin ko pa lang 'yung part na 'homemade hot fudge.'"

"Aay, sige." Inamoy niya ang sarili. "Paligo na lang muna ako, ha. Amoy araw na 'ko."

"Sure."

Tumayo siya at hinubad ang suot na high heel pumps. Ninakawan muna niya ng halik sa pisngi si Jeff na may iniikot-ikot na kawali bago niya tinungo ang bathroom ng unit na katabi lang ng kitchen.

Hinubad niya ang suot na pencil skirt at three-fourths na polo blouse, pati na rin ang undies niya, at isinabit ang mga iyon sa rack na naroroon.

She stepped into the shower naked, and even turned the hot and cold control to make the temperature of the water even lower.

"You say the word you know I will find you," kanta niya habang sina-shampoo ang buhok niya. "Or if you need some time I don't mind. I won't hold on to the tail of your kite..."

She got Jeff's soap and rubbed it on her body, still singing. "I'm not like the girls that you've known, but I believe I'm worth coming home to kiss away night. This girl only sleeps with butterflies..."

Nakadalawang ulit pa siya ng pagsabon ng katawan bago siya nakuntento sa pakiramdam. "So go on and fly, boy..." Nag-bow pa siya sa invisible na audience bago sumigaw ng, "Jeff! Pahiram muna nitong bathrobe mo, ha!"

"Sige lang," narinig niyang sagot nito mula sa labas.

Lagpas sa mga siko niya at lagpas-lagpasan din sa mga tuhod niya ang asul na roba ni Jeff. Nagkibit-balikat lamang siya sa naging itsura niya. Kinuskos niya ang buhok gamit ang towel na nakuha rin niya sa loob ng banyo.

Note to self: Tanungin si Jeff kung okay lang na mag-iwan ako ng toiletries at extra na damit sa condo niya. But make sure not to sound too clingy and demanding.

Nang buksan niya ang pinto ng banyo ay nakita niyang napadako ang tingin ni Jeff sa kanya. Pinasadahan siya ng mga mata nito mula paa hanggang ulo, bago tumaas ang isang sulok ng bibig nito.

"Ay nako, ha. 'Yang mga ganyang ngiti mo, Jeff..."

Tumawa ito. "Sweet stuff's ready," anito bago iminuwestra ang isang platito. Natakam siya sa nakitang brownies na may vanilla ice cream sa ibabaw, at chocolate syrup dripping.

"Bakit isa lang 'yan? Ikaw?"

"Nah. I'm good. I had my lunch, too."

"Okay." Hinila niya ang upuan sa dining table na katabi nito at naupo roon. "Mmmmmm!" aniya bago kinuha ang kutsarita sa tabi ng platito at kumuha agad ng malaking subo ng brownie na may ice cream. "Ang saraaaap! Ang lamig!"

Kumutsara siya at inilapit iyon sa bibig ni Jeff. Umiling ito. "Kung gusto mo pa ng chocolate syrup, kuha ka lang d'yan sa jar," itinuro nito ang isang garapon na may laman marahil ng tinunaw nitong chocolate.

Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Ilang sandali lang ay naubos niya ito agad. Inabutan siya ni Jeff ng malamig na tubig. Napadighay siya. "Oops! Sorry!"

Napailing na lamang muli si Jeff sa kanya. "You're too cute sometimes."

Napatili siya nang bigla siya nitong hawakan sa bewang at walang anumang binuhat at iniupo sa kitchen counter. "Huy, Jeff, ano'ng binabalak mo, ha?"

Ngiti lang isinagot nito, bago nito binitbit ang garapon ng tunaw na chocolate at ang isa sa mga dining chair. Ipinuwesto nito iyon sa harap niya. Wala pa rin siyang kaide-ideya kung ano ang pinaplano nitong gawin.

Naupo ito sa dining chair. Pagkatapos ay kinuha nito ang kanang paa niya at sinimulang masahehin. "Ay, gusto ko 'yan..." Napa-buntunghininga siya.

Maya-maya ay ang kaliwa naman niyang paa ang minasahe nito. Napapikit na siya. Nakakawala ng stress ang ginagawa nito sa kanya.

Maya-maya ay naramdaman niya ang mainit-init na likidong tumulo sa binti niya. Bigla siyang napadilat. Nakita niya si Jeff na hawak ang garapon ng tunaw na chocolate at pinapatulo iyon sa kahabaan ng binti niya. "Jeff! Kaliligo ko lang!" natatawang sabi niya.

Napawi ang tawa niya nang gamitin ni Jeff ang sariling bibig para i-masahe ang binti niya—

Wait a minute... Massage? Chocolate? Nalaglag ang mga panga niya bigla. "N-Napanood mo 'yung video?!"

Tumigil ito sa ginagawa, bakas sa mukha nito ang pagkalito. "Anong video?"

"Yung regalo ni Grace?"

"She gave you a video?"

"Yung—'yung... Wala ba siyang nakwento sa 'yo?" nananantiyang tanong niya.

"Ang alin nga?" She can already see the frustration on Jeff's face.

Bakit nga ba niya ipinipilit ang tungkol doon? Kung hindi nito alam ang tungkol sa video... Ibig sabihin, pure coincidence lang talaga na ginagawa nito ngayon ang... ang sexual fantasies niya? She smiled widely at him. "Ahm, wala, kasi... Kasi gusto ko 'yang ginagawa mo sa 'kin ngayon..." Massage sex and chocolate sex in one? The best ka talaga, Jeff. Ikaw na talaga.

"I see. Should I continue then?"

"Yes, please—" Napasinghap siya nang maramdaman ang ginawang pagdila ni Jeff sa kahabaan ng binti niya. "Jeff...." She closed her eyes and threw her head back. She held on tightly to the ledge of the kitchen counter. "Uhm, Jeff?"

"Hmm?"

"Ikaw... Ano'ng sexual fantasy mo?"

Pinaglandas nito ang mga labi mula sa likod ng binti niya papunta sa alak-alakan niya. Napahigit siyang muli ng hininga.

"You... Doing..." ani Jeff bago dinampian ng halik ang tuhod niya. "Striptease..."

"Mmm, talaga... Sige... Aaralin ko 'yan..." Napaungol siya nang maramdaman ang mga labi ni Jeff na umakyat na sa hita niya. Yumukod siya at ikinulong ang mukha ni Jeff sa mga kamay niya. "Humanda ka sa 'kin kapag natutunan ko 'yang stripteasing na 'yan..."

Ngumiti ito. "'Can't wait, love."

She smiled seductively, ran her thumb on his lips, and claimed her chocolate-y kiss.

                        The End

Against the Wall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon