Part Forty

8.1K 195 19
                                    

"HI, GRACE," ani Aira, sabay lapag ng dalang bungkos ng white lilies at red roses sa puntod ng kaibigan. Hindi na masakit sa balat ang pang-hapong araw, kaya kahit hindi kalakasan ang hangin sa loob ng sementeryo ay hindi na masyadong mainit iyon sa pakiramdam. "Yung mga kandila," ungot niya sa katabing si Jeff.

"Ah, yes." Inilabas nito ang bitbit nilang mga kandila—iyong nakalagay na sa animo baso para hindi na sila mahirapan pa sa pagtitirik niyon. Sinindihan ang mga iyon ni Jeff gamit ang dala nitong lighter, at ibinaba sa magkabilang tabi ng lapida ni Grace. "There you go," anito bago tumayo muli sa tabi niya.

Napansin niya ang ginawa nitong paglibot ng tingin sa mga naroroong puntod. Siniko niya ito. "Huy, Jeff, mag-hi ka naman kay Grace."

"Uh, hi... Grace."

Ngumiti siya, bago muling ibinalik ang tingin sa puntod ng kaibigan. "Alam mo, Grace, andami nang nangyari mula ng nawala ka. Si Miklos, ayun, ikinasal na. Si Ate Alma naman, nanganak na. Premature baby, seven months lang kasi. Excited lumabas yung pamangkin ko, eh. Alexandra Jane yung name n'ya. Actually, nasa ospital pa nga silang mag-nanay. Sina mama at papa nga ang nagbabantay sa kanila ngayon dun. Nagpaalam lang ako sa kanila na dadalaw ako sa 'yo kasi... Kasi nga birthday mo. Happy birthday ha, Grace."

Yumuko siya at pinalis ang ilang piraso ng tuyong dahon na napunta sa lapida ni Grace. "Pinag-uusapan nga namin kanina nito ni Jeff, na parang sinadya mo talaga kaming ipakilala sa isa't isa bago ka umalis. Kasi... Kasi dahil nga wala ka na, itong si Jeff at si ate na lang ang taga-untog ng ulo ko sa dingding, para matauhan ako sa mga kagagahan ko in life. 'Di ba 'no, Jeff?" She said as she straightened herself up again.

"Uh, well, yeah."

Siniko niya itong muli. "C'mon, kausapin mo rin si Grace."

"What?"

"Ano'ng what?"

"What am I supposed to say?"

"Kahit ano. Mga bagay na hindi mo pa nasasabi kay Grace dati. O kaya, katulad ng sa 'kin. Update sa life mo, ganun. Sige na."

"Why do I have to do this again?"

"Sige na, okay lang yan. Go, Jeff!"

Napapalatak ito. "The things that you make me do, Aira. The things that you make me do." Napatawa ito ng bahagya, pagkatapos ay umiling-iling. "Uhm, hi again, Grace. I... I hope you're doing great up there, and... Uh, and I'd like to thank you as well for introducing me to this annoying woman beside me."

Napangiti siya sa narinig. She waved her hand at Jeff, urging him to keep on talking.

"I, uhm, I know you've told me beforehand on how different she is among the other girls I dated. And you're right. She's the most naive woman I've ever met. And I thought, the reason I was attracted to her is because of her innocence. Pero, hindi na naman siya inosente ngayon—"

The comment earned Jeff a slap on his arm.

"—And still, attracted pa rin ako sa kanya."

"Ahm, Jeff...?"

"Sa tingin ko nga, siya 'yung karma ko for all the girls that I've played with. Well, you know me. I'm that kind of guy who'd have two or three girlfriends at the same time. So, when I found myself finally willing to commit and be monogamous, the girl I like was crazy over another guy. I thought, 'Fuck, ito na yata 'yung karma ko.'"

Wala sa loob na napakapit siya sa braso nito. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya.

"At... Kapag ngayon, Grace, na sasabihin pa rin nitong kaibigan mo na 'yung Miklos na 'yon pa rin ang gusto niya, ayos lang 'yon sa 'kin. Okay naman akong maging kaibigan niya, hanggang sa makaramdam siya ng ibang feelings para sa 'kin maliban sa pagnanasa—"

Hinampas niya ulit si Jeff sa braso. Pagkatapos ay hinawakan niya iyon ng mahigpit at inalog-alog. "Jeff, 'wag ka magbiro ng ganyan, baka maniwala ako sa 'yo."

"I've never been this serious in my entire life." Inilipat na nito ang tingin sa kanya.

Napapadyak siya. "Naman, eh. Bakit ganyan ka? Baliw ako, 'di ba? Witness ka pa nga sa mga kagagahan ko, ah?"

"And I'm fine with them." Napahilamos ito ng mukha na animo nahihirapan ang loob sa susunod nitong sasabihin. "I think that... This is already what they call 'love.'"

Nataranta siya. Mahal ako ni Jeff?Ako? Ako talaga? Ano ba ang dapat niyang sabihin sa mga ganitong pagkakataon? Sumagot ka, Aira! Sagot, dali!

"Ahm... Eh kasi Jeff, pa'no yan, hindi pa kita masyadong love—well, okay, crush kita. Physically attracted ako sa 'yo. Sino ba namang hindi? Pogi ka na, may abs ka pa... Tapos, you're very witty, ang galing mo magluto, magaling ka sa kama-- este, makisama pala... Pero kasi, 'yung nararamdaman ko para sa 'yo, hindi pa ito 'yung as in todo-love, eh—"

Kinabig siya ni Jeff payakap dito, natatawa. "Relax. Wala akong nakikitang problema. Besides, kakaunti lang ang mga babaeng hindi tuluyang nai-in love sa 'kin, and that's even without much effort on my part. Ikaw pa kaya?"

Against the Wall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon