Part Twenty-seven

6.5K 144 17
                                    

ALUMPIHIT si Aira habang nakasakay sa kotse ni Jeff. Everyone in their office was teasing her because she had a great looking man as a date for her birthday. Kung alam lang mga ito na hindi lang simpleng date ang magaganap sa kanilang ngayon ni Jeff, kundi...

Ano nga ba ang itatawag niya doon? How to Pleasure a Man 101? A practical guide to sex education? Birthday sex?

"Hey, Aira. Why the uneasiness?"

Napatingin siya kay Jeff na nakatuon ang pansin sa daan ngunit napapansin pa rin siya.

"Wala, ano, kasi..." Bumuntunghinininga siya. "Sa mga ganitong pagkakataon ko kasi sobrang nami-miss si Grace. Kapag kasi nalilito ako, lagi 'yong may handang sagot sa 'kin. 'Yung isasagot niya sa 'kin, hindi 'yon 'yung gusto kong marinig, pero lumalawak 'yung pag-iisip ko dahil sa paraan niya ng pagtingin sa mga bagay-bagay."

"Let me try then. You're confused about what?"

"Itong gagawin natin. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at naisip ko 'tong gawin. Hindi ko alam kung tama ba 'to, o kung nagiging masama akong babae dahil dito—"

"At kung sinasabi mo 'yan kay Grace ngayon instead of me, ano sa tingin mo ang isasagot niya sa 'yo?"

Tumingin siya sa labas ng bintana at nag-isip. "Ano... Sa tingin ko... Sasabihin niya sa 'kin na... Na ang swerte ko kasi gwapo ka—"

Tumawa si Jeff, ngunit hinayaan siyang magpatuloy.

"Tapos... Malamang sasabihin n'ya sa 'kin: 'Meron ka bang iba pang kakilalang lalaki na willing kang makipag-one night stand? Alangan namang magbayad ka pa ng callboy. Kay Papa Jeff ka na lang. Choosy ka pa, dear?'" aniya na ginagaya pa ang tono ng pagsasalita ni Grace. Natawa siya sarili at umiling-iling.

"It seems alam mo na naman ang sagot sa mga tanong mo."

Nilingon niya si Jeff. Tama ito. Inabot niya ang kanang bisig nito. Mariin niyang pinisil iyon. "Thanks, Jeff."

Sumulyap ito sa kanya bago ibinalik ang tingin sa kalsada. "And hey, kung meron mang dapat magdalawang-isip sa 'ting dalawa, ako 'yon. Hindi ko pa rin lubos-maisip kung bakit ako pumayag na gamitin mo ang katawan ko ngayong gabi—"

Tinampal niya ito ng malakas sa hita. Tumawa lang ito.

"We're here," iniliko nito ang kotse nito sa basement ng isang condominium na napipintahan ng kulay blue-green at puti. Sinaluduhan ito ng gwardya, at saka ito nag-park ng kotse nito.

Bumaba sila ng kotse. Nang hawakan nito ang kamay niya ay hindi siya tumanggi. Naglakad sila papunta sa elevator. Mula sa basement ay dinala sila ng elevator sa twelfth floor.

Ang unang unit sa may kanan ng elevator ang unit ni Jeff. Inilabas nito ang key card at binuksan ang pinto ng unit nito. Pumasok sila doon. Binuksan nito ang ilaw. Siya na ang nagsara ng pinto.

Inikot niya ang tingin sa paligid. Blue, cream, at gray ang mga dominanteng kulay sa paligid. Naupo siya kulay asul nitong sofa. Nakaharap iyon sa flat screen TV, DVD player, at mga surround system na speakers. Ngunit ang mas nakatawag ng pansin niya ay ang makalumang record player na nasa side table. Iyong parang makikita sa mga black and white na mga pelikula. Kulay pula ang hugis bulaklak na pinaka-speaker nito, at mukhang gawa lamang sa kahoy ang pinaka-katawan nitong hugis-kahon. Sa sulok ay isang shelf ng mga maninipis na libro o magazine na mukhang pinaglumaan na ng panahon.

"Let me just get something," ani Jeff sa kanya. Katabi lang ng salas nito ang kitchen, kaya tanaw niya ang pagkuha nito ng bote ng red wine sa ref, at mga wine glass.

Ininspeksyon niya ang makalumang player. "Gumagana pa 'to? Ano'ng tawag dito?"

"The player is called 'phonograph'. And yes, it's still working."

Maya-maya pa ay bumalik ito sa kanya at inabutan siya ng red wine sa wine glass.

"To calm your nerves."

Kinuha niya iyon. Itinaas ni Jeff ang wine glass nito. She did the same thing.

"For a successful night of sensual tutorial," sabi nito.

Ngiti ang isinagot niya rito. Nagpingkian ang mga baso nila. Sabay din silang uminom doon pagkatapos.

Lumapit si Jeff sa shelf ng mga lumang babasahin. Yumukod ito at inisa-isa ang mga iyon. Noon lamang niya napagtanto na hindi pala iyon mga lumang libro o magazine—iyon ay ang mga plaka na nagsisilbing pinaka-CD ng makalumang player.

Maya-maya ay tumayo na muli si Jeff ng tuwid. Inilabas nito ang isang kulay itim na plaka mula sa lalagyanan nito at isinalang iyon sa sinaunang CD player. Phonograph nga raw ang tawag d'yan, pagtatama ng isang bahagi ng utak niya.

Mayroong parang handle ang phonograph na inikot-ikot ni Jeff ng ilang beses, bago nito inilapat sa plaka ang metal rod na may matulis na animo karayom sa dulo.

"You're just too good to be true, can't take my eyes off you... "

Ibinaba nito ang sariling wine glass sa lamesita, bago nito kinuha ang sa kanya at inilapag din doon.

Hinapit siya nito sa bewang. Napasinghap siya sa biglang pagdikit ng mga katawan nila.

"Bumabawi ka ba dahil nung unang beses mo 'kong niyayang sumayaw, tinanggihan kita?" pabulong na sabi niya dito habang sumasabay sila sa saliw ng lumang musika. Gasgado ang tunog noon at parang naririnig pa niya ang pagkaskas ng karayom sa plaka. But it made her feel like she were in a black and white movie, complete with a gorgeous leading man dancing with her.

"Pardon the way that I stare, there's nothing else to compare. The sight of you makes me weak, there are no words left to speak..."

"Not really," Jeff answered. Itinaas nito ang kanang kamay niya. Nakuha niya ang gusto nitong gawin niya. Umikot siya, bago muling yumakap dito. And that was when he bent down and kissed her.

"Oh pretty baby don't bring me down I pray. Oh, pretty baby, now that I've found you, stay. And let me love you, baby. Let me love you..."

Kakaiba ang halik ngayon ni Jeff. Maapoy. Mas malikot ang dila nito. Nanunukso.

Hindi siya nagpatalo. Sinuklian niya ang init na ibinibigay nito. Tumigil na sila sa pagsayaw. Sa halip ay sumasabay na ang mga kamay nila sa paggalugad, pagdama, at paghaplos ng katawan ng isa't isa sa kabila ng nakadamit pa silang dalawa.

Napadilat siya nang saglit nabumitiw si Jeff. Nasa may pintuan na pala sila ng kwarto nito. Binuksan nito ang pinto at pumasok sila sa loob. 

Against the Wall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon