"Kurt nandito nako!" Nakangiti niyang sambit nang makarating sa unit ng nobyo.
"Kurt?" Ulit niya.
Nagtaka siya nang walang sumagot kaya dire-diretso siyang nagtungo sa kusina at inilapag doon ang mga pinamili.
Pinalibot niya ang kaniyang tingin. Tumungo siya sa kwarto ngunit wala doon ang nobyo.
"Kukurutin ko 'yang tagiliran mo Kurt! Yan ka nanaman sa pakulo mo!" Inis niyang saad. Napailing-iling siya at muling naglakad-lakad.
Ilang dangkal nalang ang layo niya sa banyo at kinilabutan siya nang makakita ng bakas ng dugo sa sahig patungo sa loob nito.
Kumabog ng malakas ang kaniyang puso at mabilis na tinungo ang banyo. Napaluhod siya sa kaniyang nakita.
"Kurt!"
Natagpuan niya ang katawan ng nobyo na nakababad sa bathtub at puno ng saksak ang leeg. Kaya naman pala may bakas ng dugo kanina sa sahig.
***
Hindi na napigilan pa ni Janine ang kaniyang luha. Naiinis na siya sa kaniyang naririnig. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang boses na kaniyang naririnig. Nakakatakot ito kung papakinggan at tila nang-iinis.
"Janine lumabas ka dyan!" Parehas silang napahinto ni Rico sa kani-kanilang ginagawa. Agad niyang pinunasan ang kaniyang luha at bumaba sa kaniyang kwarto.
"Bakit ganyan ang itsura mo Mika?" Alalang tanong ng binata nang makita ang dugo sa damit ni Mika.
Lumuluha ito at galit na ipinukol ang tingin kay Janine, "Ngayon mo sabihin na hindi parin 'to dahil kay Janine!"
"Ano bang nangyayari!?" Naguguluhang tanong ni Rico. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ni Mika para pakalmahin ito.
"Ikaw!" Sigaw nito at itinuro ang direksyon ni Janine. Nagsimula nanamang maguluhan si Janine sa kung ano ang nangyayari.
"Ikaw dahilan kung bakit namatay si Kurt!"
"Ano!?" Nanlaki ang mga mata ni Rico. Agad namang napaluha si Janine. Namamaga na ang kaniyang mata at hindi narin ito nakakapagpahinga dahil sa panay ang kaniyang pagluha.
"Anong nangyari? Nasan si Kurt? Nasan siya!?" Niyugyog ng binata ang balikat ni Mika.
"Kung hindi dahil sayo hindi mamamatay si Kurt! Hindi mawawala ang mga kaibigan natin!"
"Wag mo sabihin 'yan Mika! Walang kinalaman dito si Janine!" Pinigilan ni Rico ang kaibigan nang muntik na nitong sabunutan si Janine.
"Anong wala!? Simula nung niligtas natin siya sunod sunod nang may namamatay Rico! Ano ipagtatanggol mo pa rin siya!? Sana pala kung ganito lang 'yung mangyayari hinayaan ka nalang sana naming mamatay!"
Umiiyak na ipinilig ni Janine ang kaniyang ulo. Bakit ba siya ang nasisisi sa pagkamatay ng kaniyang mga kaibigan? Oo, naligtas siya ngunit hindi naman dahilan 'yun para mamatay ang mga kaibigan niya.
"Mika tumigil kana!" Sigaw ni Rico.
Marahas na inalis ni Mika ang kamay ni Rico sa kaniyang braso. Galit na galit itong tumingin kay Janine.
"Dahil sayo namatay si Kurt! Dahil sayo nawalan ako ng pinakaimportanteng tao sa buhay ko! Sana namatay ka nalang! Mamatay kana Janine!"
"Tumigil kana Mika!"
Napaupo si Janine sa sahig. Hindi na niya kayang pakinggan ang mga binibintang sa kaniya ng kaibigan. Sobrang sakit na ng mga ito. Para itong kutsilyo na ilang beses na sumasaksak sa kaniyang dibdib.
"Wag mo akong pigilan Rico! Kasalanan niya ang lahat! Paano kung may susunod nanamang mamatay Rico? Pano kung ikaw nanaman, si Diana, si Carlos, ako? Pano ha? Sige nga! Magpaliwanag ka!"
"Tumigil kana!"
"Hindi ako titigil Rico! Namatay si Kurt! Namatay si Kurt dahil sa kaniya!" Malakas nitong binangga ang binata at sinambunutan si Janine.
"Mika!" Pilit na inawat ni Rico ang ginagawa ni Mika kay Janine. Walang nagawang iba si Janine kundi hayaan ang kaibigan na sambunutan siya dahil hinang-hina na siya sa lahat ng mga nangyayari.
"Mamatay kana! Mamatay kana! Mamatay kana—" Napahinto si Mika nang makaramdam ng pagtulo sa kaniyang hita. Tumingin siya doon at nanlaki ang kaniyang mga mata.
"M-may d-dugo. B-bakit m-may dugo!?" Bumilis ang pagtibok nang kaniyang puso at ilang segundo ang nakalipas ay bigla na lamang itong bumagsak mabuti nalang at agad siyang nasalo ni Rico.
"Mika gumising ka! Tulong!" Sigaw ni Rico. Alala niyang tinignan si Mika at napatingin rin siya kay Janine.
"Janine kailangan kong ihatid si Mika sa hospital. Dyan ka lang. Wag kang aalis, babalik agad ako pangako."
Hinalikan niya ang noo ng nobya at agad na tumayo bitbit ang walang malay na katawan ni Mika.
Naiwang umiiyak si Janine sa malamig na sahig ng kanilang sala. Gulong-gulo na siya at sa anumang segundo ay baka mawala na siya sa kaniyang sarili.
Umiiyak niyang sinabunutan ang sariling buhok. Halo-halong pakiramdam ang kaniyang nararamdaman. Siya'y naiinis, nalulungkot, gulong-gulo at sinisisi niya na rin ang kaniyang sarili sa mga nangyari.
"Dahil sayo namatay si Kurt! Dahil sayo nawalan ako ng pinakaimportanteng tao sa buhay ko! Sana namatay ka nalang! Mamatay kana Janine!"
"Kung hindi dahil sayo hindi mamamatay si Kurt! Hindi mawawala ang mga kaibigan natin!"
"Mamatay kana! Mamatay kana! Mamatay kana!"
Ang mga katagang iyon ay parang tumatak na sa kaniyang isipan. Paulit-ulit iyong umuukilkil sa kaniyang utak.
"Ikaw ang dahilan... Ikaw ang dahilan... dahil sayo namatay ang kaibigan mo..."
Habang patuloy na umiiyak ay mas lalong humihigpit ang pagkakasabunot niya sa kaniyang buhok. Hindi niya na kayang dibdibin ang lahat ng gumugulo sa kaniya.
Bigla siyang tumigil sa kaniyang ginagawa. Biglang lumaki ang kaniyang mata at wala sa sariling napatayo.
"Dapat sigurong mamatay na rin ako para wala ng ibang mamatay. Kung ako ang dahilan, dapat na mamatay nalang ako." Saad niya sa sarili.
Tulala siyang naglakad patungo sa kaniyang kwarto.
"Yan tama 'yang naiisip mo Janine... Dapat tapusin mo na ang lahat para hindi na maghirap pa ang ibang tao dahil sayo. 'Yan tama 'yan! Ituloy mo lang kung ano ang gagawin mo..."
Wala sa sariling kumuha siya ng isang manipis na kumot at upuan. Itinali niya sa kisame ang kumot pagkatapos ay itinali niya rin ito sa kaniyang leeg tsaka itinulak ang upuan palayo. Making herself hanged.
"Tama, dapat mamatay na ako."
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...