9: Cancelled Dreams

73 5 0
                                    

Cam in the picture. 😍


Cancelled Dreams

n

agising nako at Linggo na, uulitin ko na naman ang gingawa ko tuwing umaga at sa susunod pang taon ko sa Sword and Cross.
binuksan ko ang mga mata ko at himala! hindi ako nanaginip ng kung anong masama! Wow! ang swerte ko ngayon ah!

napangiti naman ako dahil hindi na gabi gabi ako binabangungot dahil ngayon ay nagising ako ng masaya, ang himbi ata tuloy ng tulog ko.

umalis nako sa kama ko at pumunta sa cr para maghilamos at maligo, mga 8am pa naman eh kaya maaga pa para pumunta sa psychiatrist. kakain muna ko kasama si Penn at Todd at kung saan saan. pag katapos ko maligo ay nagbihis naman ako at nag suot ng jacket dahil malamig ngayong umaga kahit araw araw naman.

lumabas nako ng kuwarto ko at saktong nagbukas din ang pintuan ni Penn at parehas kaming nagka salubong.

"Himala! gumising ka agad, kakatok sana ko para gisingin ka eh, baka binangungot ka na naman."

"hindi nga eh, ang sarap ng tulog ko at hindi ako dinalaw ng demonyo kagabi." sabi ko naman at sabay kaming tumawa sa sinabi ko.

"Halata nga, ang saya mo ngayon eh." sabi naman ni Penn.

umalis naman kami agad at dumiretso na sa cafeteria, hindi namin iniintay si Todd dahil sa 5th floor pa dorm nya, nakikita na lang namin sya ni Penn sa Table namin na kumakain na.

at ng makarating na kami sa loob ay tama nga ang hula ko na naandun na nga si Todd at kumakain na habang kakaunti lang ang mga tao sa loob na kumakain, late kasi gumsing mga tao rito kaya nauuna kaming maaagang gumising. inshort mamaya pakakain yung mga pasaway na students ng Swrod and Cross dahil kaka party kagabi, pero itong si Todd ay umattend naman siya last night  pero hindi siya nag ka hangover, iba din mga bituka ng dalawang kaibigan ko.

pumunta naman kami sa food section at namili na ng pagkain at inilagay namin sa food tray namin, ganang gana naman akong maglagay ng pagkain sa food tray ko habang tambak na ng kanin at ibang ibang ulam yung kay Pennn.

gutom na gutom na naman siya, pagkatapos namin mamili sa food section ay pumunta na kami sa table naming tatlo habang kakaunti parin na mga studyante na kumakain at mamaya pang 9am dadating ang mga so called bad students ng Sword and Cross at kasama narin dun ang squad ni Daniel at Cam, pasalamat nalang at mukha din namang may maraming matitinong students rito, hindi lang talaga maiiwasan na may mga pasaway sa paligid.

speaking of Cam and Daniel, i don't even know what to do to them, kung kakausapin ko pa ba sila sa nangyari, iniiwasan din naman ako ni Cam at hind naman makapag salita si Daniel sakin kaya, mas mabuti na palampasin ko nalang yun.

masaya na ko kahit papano dahil may mga kaibigan na ko, at okay na din yung iwas sa danger dahil mainit ang mata sakin ni Mr. Smith dahil transferee lang ako. at siguro hindi na rin ako sasama sa mga party tuwing gabi, sina Todd at Penn lang naman ang dahilan kung bakit pumunta ko dun eh, tyaka sobrang wild pa din yung party last week at ganun ka wild gabi gabi ang party ni Roland.

kaya siguro sikat squad ni Daniel dahil laging nag paparty si Roland at matagal na siguro silang magkakaibigan, hayss.. ano bayan! iniisip ko na naman si Daniel, Erase, Erase, Erase.

_____

kumain kaming tatlo at nag kuwentuhan tulad ng ginagawi namin araw araw, pag katapos namin kumain ay nilagay namin yung food tray namin sa isang lamesa malapit sa food section at doon nilalagay ang mga food tray pag katapos kumain.

The Rebel and The ReincarnatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon