10: Lab Partner

72 6 0
                                    

Daniel in the picture. :)

Lab Partner


I was walking outside the school, it's almost midnight dahil palubog na ang araw. Naglalakad ako palabas sa likuran ng School, Pumunta ako papalayo sa Sword and Cross, naglakad ako hanggang napapalibutan ako ng mga Puno. tahimik ang lugar habang naririnig ko lang ang yapak ng sapatos ko sa mga tuyong dahon sa lupa. Tulala ako at patuloy akong naglakad kahit hindi ko naman alam ang pupuntahan ko. Until I stopped walking in the middle of nowhere, I close my eyes and start to take a deep breath, I felt free from everything. Maslalong dumilim ang Gubat sa patuloy na paglubog ng araw. Dumilim ang paligid at patuloy na nanahimik ang mga puno.

May narinig akong paggalaw sa mga puno sa likod ko, at agad akong tumalikod. Agad na may umalis at tumakbong tao papalayo sa likuran ng Puno, tumakbo naman ako papalapit sa tumatakbong tao at sobrang bilis niya dahil nahihirapan nako huminga, malayo ang tinakbo ng hinahabol ko kaya tumigil ako at nagpahinga. tiningnan ko ang paligid ko at puro punong maiitim ang nakikita ko, nagkasalubong ang kilay ko dahil kakaiba ang punong to. even the Leaves were black, even the branches, naglakad ako papalapit sa mga puno at inilaput ko ang kamay ko sa kahoy.

hinawakan ko ang balat ng kahoy at bigla akong nasaktan, nagulat ako at tiningnan ko ang daliri ko at nakitang dumudugo, natusok ata ako sa maliit na tinik na kahoy, nakita ko ang dugo sa daliri kong patuloy na dumadami at dahan dahang tumulo sa lupa, tiningnan ko ang mga puno sa paligid ko at nagiba sila ng kulay, naging puti ito at dahan dahang naging abo at nanlagas na dinala ng hangin, lahat sila ay naging abo na ikinatakot ko.

dumilim ang paligid at lahat ng puno ay unti unting naging abo at dinala ng hangin. tatakbo sana ako papalayo ng may nakita akong mga tao nang naging abo ang punong sumasanga sa kanila. tiningnan ko sila at lahat sila ay naka black coat kaya hindi ko makita ang itsura nila. bumilis ang tibok ng puso ko dahil natatakot ako. bigla silang lumapit ng lumapit sa kinatatayuan ko ng hindi nag lalakad, hindi ko magawang tumakbo sa takot at biglang may lumabas na luha sa mga mata ko. nakatayo akong lumalapit sila kaya umupo ako sa lupa at umub-ob, pinikit ko ang mga mata ko at tinakpan ang teynga ko. hanggang may mga narinig akong boses papalapit sakin

"Luce... Die... Die.. Luce... you'll die." mahina nilang sabi pero narinig ko dahil pinalilibutan na nila ako, tinakpan ko pa din ang teynga ko at umiiyak, hindi ko na kaya. wala akong magawa. makalipas ang segundo, tumigil na sila sa pag sasalita kaya binangon ko ang ulo ko sa kaba at takot, nawala na sila. tiningnan ko ang paligid ko at wala na sila. may naramdaman naman ako presensya sa likuran ko kaya tumingin naman ako sa likuran ko ng dahan dahan, at pasalamat dahil wala na sila, tumigil ako sa pag iyak sa nangyari. hanggang dahan dahan akong hinarap ang ulo ko sa harapan ko at may nakita akong babaeng may lumalabas na dugo sa bibig niya na ikinalaki ng mata ko

"YOU'LL DIEE!" sigaw ng babae sa harapan ng mukha ko at bigla akong sumigaw sa takot... dahil ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay ako.

Luce's POV

"AAaaHHaa!" sigaw ko ng malakas na ikinabangon ko sa kama, patuloy akong lumuluha sa takot na naramdaman ko. bigla namang may gumalaw sa tabing kama ko na ikinatakot ko. "Tama na! AYOKO NA!" sabi ko sa gumalaw sa tabi ng kama ko habang patuloy akong umiiyak.

"Shhh.. it's okay, I'm here." lumutaw naman ang itsura ni Penn na mukhang nagaalala sakin. Agad naman niya kong niyakap at niyakap ko rin siya ng mahigpit habang iyak pa din ako ng iyak. "Shh.. It's okay Luce, I'm here.. it's not real.. Shhh." sabi niya ng mahinahon na pabulong sakin while she was rubbing her hand in my back. I was crying so hard na hindi ko na kayang tumigil pa. "Hindi ko na kaya!" sigaw ko habang takot na takot padin ako. "Shhh.. it's okay, Relax.. walang mangyayari sayo, andito lang ako.. Shh." pagpapatahan niya sakin, umiyak pa din ako ng umiyak habang yakap yakap niya ko.

The Rebel and The ReincarnatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon