Chapter 15

14.1K 289 9
                                    

APAT na araw na ang lumipas matapos lumipat ni Rhina sa bahay ni Ethan. Wala pa ring nagbabago sa pakikitungo nito sa kaniya. Tahimik lamang ito sa apat na araw na nagdaan na sila ay magkasama.



Ang tanging matinong paguusap lamang nila ay kapag darating ito galing sa trabaho. Mangangamusta sa pagbubuntis niya at sa baby nila subalit hanggang doon na lamang iyon.

Narito siya ngayon sa kwarto nila ni Ethan. Napagdesisyunan niya na ring simulan ang maternity leave niya simula ng lumipat siya sa bahay ni Ethan.

She will visit her boutique just once a week and it's ok for her. Hindi niya rin naman na matagalan ang kabigatan ng tiyan niya.


Days and week have passed and she can feel her baby's growing ang moving inside her belly. Madalas ay natutuwa siya kapag nagpaparamdam ang baby niya subalit minsan naman ay hindi niya maiwasang mapangiwi at masaktan sa lakas ng pagsipa nito.



Just like what is happening to her right now, her baby keeps on kicking hard. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang ang kamay ay nakasapo sa tiyan niya at ang isa naman ay nakatukod at nakakapit sa bedsheet.


Ganoon ang nabungaran ni Ethan na posisyon sa kaniya kaya dali dali itong lumapit at lumuhod sa tapat niya.


"Hey, what's wrong?" may bahid na pagaalala nitong tanong. Hindi niya naman malaman kung anong itsura ng mukha nito sapagkat nakapikit siya habang kagat kagat ang lower lip niya.


"The baby's moving, it starts kicking few seconds ago until now. Masakit na Ethan.." pagsagot niya.


Tumayo naman ang binata at iginaya siya pahiga sa kama.

"Bakit naman kase gising ka pa? Look, it's quarter to nine and you're still awake. Makakasama sa baby ang nagpupuyat." paalala nito sa kaniya.

"Hinintay kase kita...Gusto sana kitang makausap Ethan. Nabobore na ako dito sa bahay mo." pagdadahilan niya.


Tahimik lamang itong naghuhubad ng suit niya at ang itinira lamang nito ay ang boxer short nito. Hindi niya pa rin mapigilang mamangha sa pangangatawang taglay ng binata.

"Done eye-rapping me? Rhina I said sleep." utos nito. Napatungo lamang siya sa sinabi ng binata. Pumasok ito sa banyo at naligo. Pagkalabas nito ay nakatapis lamang ito ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan nito. Maya maya pa ay nakabihis na ito ng isang sando at sweat pants.



Nahiga na ang binata sa kabilang dulo ng higaan at ipinikit ang mga mata. Mukhang tutulog na naman ito ng hindi sila naguusap ni Rhina ng masinsinan.



Sa apat na araw nilang magkasama sa iisang bubong ay palaging ganito ang eksena nila sa gabi. Matutulog sa iisang kama subalit magkalayo at magkatalikod naman.

Maya maya pa ay nagsalita si Rhina.

"Ethan..." pagtawag niya sa binata. Hindi na naman ito sumagot. Siguro ay mabilis na nakatulog ang binata dahil sa pagod sa trabaho,o pwede ring dahil sa iniiwasan siya nito.



"Ethan, please..don't be like this." bumaling siya ng higa paharap sa binata.Hindi niya na rin napigilang mapahikbi. Still, no response from him.

"N-nahihirapan na ko Ethan..nahihirapan na kami ni baby..Y-yesterday I went to my OB for a check up and she said that our baby is in distress right now. Siguro daw ay dahil sa stress ako. H-hindi ko naman gustong maging stress but I can't help it." napapagahulhol na sabi ng dalaga.



"Siguro, hindi rin naman makakatulong kung magsasama tayo sa iisang bubong. Kung ganito rin lang yung itatrato mo sa akin, h-huwag na lang. Huwag na lang Ethan..Don't marry me..I know you still love her..Hindi na kita pagbabawalan na panagutan ang anak natin, pero sana..wag mo na lang akong pakasalan kung ganito lang din naman ang mangyayari. I l-love you Ethan, very much." umiiyak na lumapit siya sa binata at hinalikan ang mga malalambot nitong labi.



A Blessing in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon