Chapter 10

14.5K 334 4
                                    

MAAGANG nagising si Rhina kinabukasan. Nagising siya nang wala na si Ethan sa tabi niya. Gayunpaman ay hindi niya napigil ang ngiti sa mga labi. She treasured her every moments with him yesterday.

Ngayon naman ang araw ng check up niya sa kaniyang Ob-Gyne at si Jonas ang sasama sa kaniya.

Nasa kalagitnaan siya ng pagaayos ng buhok niya ng kumatok si Jonas sa kwarto niya.

"Hey Rhina, baby matagal ka pa ba diyan?" Yes, baby na ang endearment sa kaniya ng binata. Hindi naman big deal sa kanilang pareho yun. They both know what relationship they have together and that is pure friendship.

Itunuturing din niyang nakatatandang kapatid si Jonas sapagkat mas matanda ito sa kaniya ng ilang taon. And she also think that he is probably considering her as his younger sister too.

Naiinip na siguro ang binata kaya hindi na nito napigilang akyatin ng kwarto niya. She just rolled her eyes.

"Sandali lang matatapos na ko. Napakamainipin mo talaga." reklamo ni Rhina. Sa mga panahong kasama niya ang kaibigan ay kilala niya na ang ugali nito. Napakamainipin nito lalo na kung paghihintay sa kaniya ang paguusapan.

"Antagal mo kaseng magayos eh. Baka malate na tayo sa appointment kay Dra." paalala naman ng binata sa labas ng pinto niya.

"Oo na po, ito na bibilisan na. Alam na buntis ako kung pagmadaliin kala mo sports athlete. Hmmp!" bulong ng dalaga.

"I can hear you murmuring something Rhina. Dalian mo na diyan. Bababa na ko, bumaba ka na rin agad pag tapos ka na." bumaba na nga si Jonas.

Siya naman ay nagpatuloy sa pagaayos ng sarili. Nang makatapos ay agad na siyang bumaba ng kwarto niya. Nakita niyang nakaupo sa sofa ang kaibigan. Mukhang inip na inip na. Tumayo ito pagkakita sa kaniya.

"Finally! Nakatapos ka rin sa seremonya mo sa itaas. Tara na at malelate ka na sa check up mo. Manang Lena alis po muna kami nitong si Rhina." sunod sunod na pahayag nito habang iginigiya siya palabas ng pinto.

Pagkalabas ng bahay ay sumakay naman sila sa kotse ni Jonas. Tahimik lang si Rhina sa byahe ng magsalita ang kaibigan.

"Its your 5th month check up right?" tanong nito. Tumango naman si Rhina at napahawak sa tiyan niya. She feels excited.

"Good. So we were able to know the gender of your baby na?" there's a hint of excitement in Jonas' voice.

"Uhm yeah but I refuse to know it now. Gusto ko sa araw ng panganganak ko malaman kung anong gender niya. Nadadagdagan ang excitement ko." nakangiting sagot ni Rhina.

"What? Hell no! Ako gusto ko nang malaman today." Jonas demanded.

"Anong hell no ka dyan? Sino bang magpapaultrasound? Diba ako? So wala kang magagawa." confident na sagot ng dalaga habang hinihimas himas ang tiyan niya.

"Edi pumikit ka kapag iuultrasound ka na." Suggest ng kaibigan. Napaikot na lang ang mga mata niya sa kaweirdan ng suggestion nito.

Tumahimik na ulit siya sa byahe hanggang sa makarating sila clinic ng Ob niya.

"Nandito na tayo!" napangiti naman siya sa tono ng pananalita ni Jonas. Halatang halata kase ang excitement sa boses nito.

Jonas turned off the engine. Una itong lumabas ng kotse at pumunta sa tapat ng pinto ng passenger seat kung saan siya nakaupo. Inalalayan siya nitong lumabas sa kotse.

Nang makalabas ay nagsimula na silang maglakad. His arm was on her back trying to support her. It was one of the sweet gestures of him.


A Blessing in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon