ISANG pares ng matitipunong braso ang sumalo kay Rhina. Pag angat niya ng tingin ay sumalubong sa kaniya ang nagaalalang mukha ni Ethan. Napansin niya ring nakasuot pa ito ng office attire nito.
"What happened?" umiling lamang siya at pilit kumakawala sa yakap ng nobyo.
"Wala kang pakialam! You should be with Ciara, right? Dun ka na sa kaniya, siya naman ang mas mahal mo kaysa samin ng anak mo! Kaya kong manganak nang magisa!" bulyaw niya sa binata.
"Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Tell me please wha--"
"AAAAAH!" Hindi na natapos ni Ethan ang sasabihin nito nang napasigaw si Rhina sa sakit ng tiyan niya. Napadausdos naman siya pababa at buti na lang ay nasalo siya ng binata. Sumubsob naman siya sa dibdib nito at doon napahagulhol sa sakit na nadarama.
"CAN YOU PLEASE TELL ME WHAT THE HELL IS GOING ON?! DAMN IT!" napasigaw na rin sa prustrasyon si Ethan. Nanatili lang siyang nakasubsob sa dibdib ng binata at umiiyak. Iniyakap niya na rin ang kaniyang isang braso sa leeg ng binata bahang ang isa ay kipit ang dinadala niya. Her tummy aches..so bad..
Few seconds later, Rhina felt that something liquid bursted out on her lady part. She can feel it rushing down her thighs. Bumaba ang tingin niya sa hita niya at nakita ang walang tigil na pag-agos ang tubig dito. Nanlaki ang kaniyang mga mata at napasinghap. Tumingala siya kay Ethan.
"OH MY GOD, ETHAN! MY WATER JUST BROKE!LALABAS NA ANG BATA!" she got really histerical. Mukhang nagulat din ang binata kaya sunod sunod itong napamura.
"Damn it! Let's go to the hospital, now!" pagkatapos ay ipinangko siya ni Ethan papunta sa kotse nito.
Inuupo siya nito sa passenger seat pagkatapos ay pumasok naman ito sa driver seat. Napakabilis magpatakbo ni Ethan subalit ramdam niyang tila iyon na ang pinakabagal na pagusad sa buong buhay niya. Nakahawak na lang siya sa kaniyang tiyan dahil nararamdaman na naman niya ang sakit.
Unti unti, ang pinipigil na hikbi ay kusang namutawi sa kaniyang mga labi dahil hindi niya na kaya ang sakit.
"Ethan, your baby hurts me so bad. I hate you!" she said while crying and whimping in pain. Hindi na rin nakakatulong ang paghimas himas niya sa kaniyang sinapupunan upang maibsan ang sakit.
Maya maya pa ay hinagilap ni Ethan ang kamay niya at mahigpit itong hinawakan.
"It's okay love, it's okay, calm down." masuyong sambit ng binata habang ang mga mata nito ay nakatutok sa kalsada.
"E-ethan..It h-hurts so bad..I-im scared--AAAAAAH--Oh God! I can feel the baby's moving!" Napasigaw na naman siya sa sakit na dulot ng baby niya. Ramdam niya namang napahigpit ang pagkakahawak ng binata sa kamay niya.
Maya maya pa ay lilipat ang kamay nito sa tiyan niya at hahaplos haplosin iyon. Malamig ang kamay nito at nanginginig. Pansin niya ring paputla ng paputla ang mukha ng nobyo habang napapasigaw siya sa sakit kaya pilit niyang pipinipigilan ang pagsigaw subalit pag minsan talaga ay hindi niya ito kayang pigilan.
Few minutes later, nakarating na din sila sa hospital. Binuhat siya ni Ethan papunta sa E.R. Napakapit naman siya ng mahigpit sa leeg ng binata habang ang isa kamay ay nakasapo sa ibabang bahagi ng kaniyang tiyan sapagkat nararamdaman niya na talagang anumang oras ay lalabas na ang bata sa loob niya. Sakto namang may nakita silang doktor doon kaya nilapitan nila ito habang buhat buhat pa rin siya ng nobyo.
"Doc, manganganak na po ang asawa ko!" aligagang sabi ng nobyo. Pinahiga siya nito s isang bakanteng higaan.
"Calm down mister.." masuyong paalala ng doktora sa nobyo.
BINABASA MO ANG
A Blessing in Disguise
RomansaSi Rhina ay nabuntis ng lalaking kaniyang minamahal. Subalit sa kasawiang palad ay hindi siya nito pinanagutan. Ano ang gagawin niya? Ipagpipilitan ba niya ang sarili sa lalaki? O Hahayaan niya na lamang ito at bubuhayin mag-isa ang bata?