Chapter 12

14K 329 2
                                    

ISANG panibagong araw na naman ng dumating. Lunes ngayon at papasok na si Rhina sa trabaho. Nakapagayos na siya ng sarili at ng mga gamit. Bumaba na siya sa kwarto.

Kumain muna siya bago tuluyang magpaalam kay manang Lena na papasok na siya. Nagbilin naman ang matanda na magdoble ingat at huwag pipilitin ang sarili kung hindi naman kaya magtrabaho. Tumango na lamang siya.

Nakalabas na siya ng gate at isinara ito. Pagharap niya sa kalsada ay laking gulat niya nang makita si Ethan sa labas ng bahay.


Nakangiti ito sa kaniya habang nakasandal sa kotse nito. Napakagwapo nitong tingnan sa suot na white polo shirt at maong pants. Simple subalit malakas ang dating. Lumapit ito sa dalaga habang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi.

"Good morning beautiful." Bati ng binata sa kaniya. She can feel her cheeks burning with his greetings.


"Uhm, good morning Ethan." She just greeted back. Mas lumawak ang ngiti ng binata. Bumaba naman ang tingin nito sa malaki niyang tiyan.

"Good morning my little angel. How was your sleep?Is it good?" pagkamusta naman nito sa anak habang hawak hawak ang tiyan niya.
Nagangat muli ng tingin ang binata sa kaniya.

"Nakabihis ka? San ka pupunta? Maaga pa ah?" pagtatakang tanong nito sa kaniya.


"Uhh, papasok na kase ako sa trabaho." She answered. Kumunot noo naman ang binata.

"You're not going to work anymore. Gusto ko magstay ka na lang sa bahay para hindi ka na rin mahirapan. Sinabi ko na naman sayo na susuportahan ko kayo ng bata diba?" lumambot ang ekpresyon ng mukha nito at lumamlam ang mga mata.

Siya naman ay napatungo lamang habang himas himas ang tila namumutok na sa laking tiyan niya.



Sa aminin niya naman kase o sa hindi ay naguumpisa na nga siyang mahirapan sa pagbubuntis kahit ikalimang buwan niya pa lamang. Subalit hindi niya rin naman dapat pabayaan ang boutique niya dahil lang sa buntis siya.

"Yes, alam ko naman yun eh. It's just that..hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang boutique ko dahil lang sa buntis ako. Kahit naman gawin kong incharge ang mga staff ko ay iba pa rin kapag ako ang nandun. Tsaka wala rin naman akong gagawin dito sa bahay kung hindi ako pupunta ng boutique. At tsaka kukuha naman ako ng maternity leave once na pumatak na sa ikawalong buwan si baby." mahabang pangangatwiran niya.


"Naiintindihan ko naman yun, kaya lang kase baby natin ang magsasuffer kapag naging matigas ang ulo mo. Hindi mo ba alam na pwede kang maistress sa trabaho tapos maaapektuhan si baby. Tsaka ano?You will just take your maternity leave once you are already 8 months pregnant? No! You will have your leave once you are in you 6th month." deklara ni Ethan.

"No, masyado pang maaga yun. 7 1/2 months." Pagkontra ng dalaga.

"7 months." hirit pa ng binata. She just rolled her eyes and sighed in defeat. Alam niya kaseng hindi siya mananalo rito.

"Fine, 7 months it is." Ngumiti naman ng binata.

"Good girl." sambit ni Ethan habang ginugulo gulo ng buhok niya.

"Stop! Teka bakit ka pala nandito? Maaga pa ah?Tsaka wala ka bang pasok sa opisina niyo?" tanong ng dalaga.


"Huwag mo nang alalahanin yun. I just came here to fetch you because we will buy baby things for our little one today. And yes, I won't take no for an answer." Ethan smiled annoyingly.

"And meaning, I couldn't go to work this time?" She asked.

"Yep!" Ethan replied while popping the 'p'. She just groaned in annoyance while he smiled in victory.

A Blessing in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon