Chapter 9

14.6K 353 8
                                    



TODAY is Saturday and Rhina is in her house. Napagdesisyunan niya na kaseng hindi muna pumasok ng weekend sapagkat madalas na siyang mapagod.

May kabigatan na rin ang tiyan na. She is now in her twentieth week of pregnancy. 5 months to be exact.

Walang ginagawa si Rhina kundi kumain at magpahinga. Paminsan minsan ay nagsesearch din ito ng iba't ibang bagay tungkol sa pagpapalaki at pagaalaga ng baby niya.

When it comes everything about babies, pinaglalaanan niya ito ng oras para lamang matutunan. Wala rin naman siyang mapagtatanungan kaya sariling sikap na lamang ang ginagawa niya.

Ngayon nga ay napadpad siya sa isang website na maraming names ng baby pambabae man o panlalaki. While searching for the names, she talked to her child.

"Anak, ano kayang magandang ipangalan sayo? If you're a boy, ano kayang maganda? How about if you're a girl?" Bigla na naman siyang nakaramdam ng excitement nang maisip na malapit niya nang makita ang baby niya. In four months time, she will be able to hold her baby.

After all, being pregnant by Ethan's child isn't bad. Atleast may makakasama na siya pagtanda niya.

Patuloy pa rin sa pagiisip ng magandang pangalan para sa anak ang dalaga nang kumatok si manang Lena sa pinto ng kwarto niya.

"Iha, may bisita ka. Nandito siya sa labas ng pinto." napakunot noo naman siya.

Napilitang tumayo si Rhina kahit medyo nabibigatan na sa kaniyang tiyan. Lumapit siya sa pinto at binuksan ito.

Bumungad naman sa kaniya si manang Lena at sa likod nito ay ang lalaking ama ng anak niya. Napatunganga lang siya habang nakatayo sa tapat ng pinto.

"Iha si Ethan, kaibigan mo raw. Maiwan ko muna kayo at magluluto na ako ng hapunan." sambit ni manang subalit hindi doon nakatuon ang pansin niya. Nakatingin lang siya sa lalaking nasa harapan niya. Nakaalis na si manang.

Akmang isasara na niya ang pinto nang pigilan naman siya ni Ethan.

"Rhina please...hayaan mo naman akong makasama ang anak ko, kahit ngayon lang. Mababaliw na talaga ako sa kaiisip sa inyo. Please." pagmamakaawa ng binata habang nakatukod ang isang kamay sa pinto ng kwarto niya, pinipigilan ang pagsara nito.

Kitang kita naman ni Rhina ang pagod at pagmamakaawa sa mukha ng binata. Halata ding walang matinong tulog ang isang ito. Magulo ang buhok at gusot gusot ang polo. Subalit mabuti na lang at hindi ito amoy alak.

Nakaramdam naman ng awa ang dalaga kaya niluwagan niya ang pagkakabukas sa pinto. Nang makita ang kagalakan sa mukha ni Ethan ay nagiwas siya ng tingin. Pumasok si Ethan at nagpasalamat.

"T-thank you..Rhina." nakangiti na ito ngayon.

"Bakit ka nandito? Diba dapat ay magkasama kayo ni Ciara para asikasuhin ang nalalapit ninyong kasal? Teka, alam niya bang nandito ka? Alam niya na bang ikaw ang ama ng anak ko?" sunod sunod na tanong ni Rhina. Nagiwas lamang ng tingin si Ethan.

"P-pwede bang kalimutan muna natin ang ibang bagay. Sa ngayon, gusto ko lang makasama ang anak ko. Wag mo sana akong pagbawalan." Tugon lang ng binata. Tumango naman siya at naupo sa kama habang bahagyang nakahawak sa balakang niya.

Inalalayan naman siyang umupo ng binata. Pagkatapos ay lumuhod ito sa tapat niya, kapantay ng mukha nito ang malaki na niyang tiyan. Hinawakan ito ni Ethan.

"Hi baby, this is your daddy. Medyo natagalan simula nung huli kitang makausap pero nandito na ulit ako. Babawi ako sayo at sa mommy mo." nakangiting sambit ng binata pagkatapos ay yumuko ito.

A Blessing in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon