Chapter 17

14.1K 303 13
                                    

ISANG buwan na ang lumipas...

Kabuwanan na ngayon ni Rhina subalit tila walang pakialam ang nobyo niya sa bagay na iyon. Ni hindi na rin natupad ang sinasabi nitong leave mula sa araw ng kabuwanan niya hanggang sa panganganak niya.

Madalang na rin silang magkita ni Ethan. Funny how it sounds but they live on a same roof and barely sees each other. Magkita man sila o magkasalubong sa loob ng bahay ay parang hangin lang ang turingan nila sa isa't isa.

Rhina will wake up without Ethan in the house, and will sleep without even having a glimpse of his shadow. Napakaaga niyong pumasok at late na naman uuwi kaya pinipili na lang ni Rhina na matulog ng maaga at huwag nang intayin pa ang nobyo.

Mabuti na lang at nandito na sa bahay si manang Lena niya at ipinapaalam sa kaniya kung nakaalis na si Ethan. Ipinadala ito ng ama niya upang umasikaso daw sa nalalapit niyang panganganak.

Mabuti nga at nandito si manang dahil ito pa yata ang makakasama niya on the day of her delivery.

Tinawagan niya na si Rachel upang mangamusta subalit nasa Belgium pala ang maganak nito para doon magbakasyon.

While Jonas is on Cebu to attend for a business trip. Hindi niya naman itinanong kung hanggang kailan ito doon sapagkat nahiya na rin siya magtanong. Hindi rin naman alam ng mga kaibigan niya na may problema sila ni Ethan.

Nandito siya ngayon sa kusina kasama si manang Lena at kumakain. Pagkatapos kumain ay tumayo naman siya upang magpunta na sa kwarto.

Ngunit hindi pa siya nakakailang hakbang ng bigla siyang mapakapit sa lamesa. Nakaramdam siya ng biglaang paghilab ng tiyan niya.

"A-aahh." nakatukod ang isang kamay niya sa lamesa habang ng isa naman ay nakasapo sa sinapupunan niya.

A strike of pain attacked her stomach. She winced because of the pain brought by her baby's hard kick. Naramdaman niya namang lumapit sa kaniya si manang at inalalayan siya.

"Anak, anong masakit?" nagaalalang mukha ng matanda ang bumungad sa kaniya.

Magsasalita na sana siya ng bigla niyang nakita si Ethan sa likuran ng matanda. Mukhang napaaga ang uwi nito. Mababanaag din ang pagaalala sa mukha nito subalit ng magkatinginan silang dalawa ay bumalik sa pagiging malamig ang ekspresyon ng mukha ng binata. Nagiwas lang siya ng tingin.

"Wala po manang. Napasarap lang siguro ng kain kaya humilab ang tiyan ko." Pagsisinungaling niya.

"Hay nako kang bata ka..pinakaba mo naman ako. Teka, hindi ba ay kabuwanan mo na ngayon? Ilang araw na lang ay maanganganak ka na iha, mag ingat ingat ka at hanggat maaari ay huwag ka na munang maglalalabas ng bahay." paalala naman ng matanda.

"Opo manang, salamat sa paalala..." sagot niya bago muling tumayo at nauna nang pumasok sa kanilang kwarto.

Dumeretso muna siya ng banyo upang magsepilyo pagkatapos ay lumabas na siya at nagtungo sa kaniyang kama. Sakto namang papahiga na siya nang pumasok si Ethan. Hindi niya ipinahalata na naapektuhan pa rin siya sa presensya nito. Nahiga na siya at pinilit ang sarili na makatulog bago pa ulit niya maramdaman ang sakit at kirot ng kaniyang tiyan.

Kinabukasan ay bigla na lang ginising si Rhina ng maya't mayang malalakas na pagsipa ng baby niya. At ang pagsipang iyon ay nagdudulot ng pagsakit ng kaniyang tiyan.

The pain will subside for about half an hour then will continue for about 5 minutes. Nang bahagyang mawala ang sakit ay nahihirapang bumangon siya ng higaan.

A Blessing in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon