EPILOGUE

296 35 20
                                    

“Redari?” tawag ni Nikki sa tatlong taong gulang na anak ng bigla na lamang itong mawala sa garden na pinag-iwanan niya rito. Nakailang ikot na siya sa Nikki’s Palace, the palace garden which is surprisingly Red made while waiting for her to come back eight years ago. Ang sabi nito sa kanya ay araw-araw daw itong nagtatanim ng mga bulaklak doon at hindi nito kinaliligtaang bisitahin.

”Baka naman pati sila ay kinakausap mo?” natatandaan pa niyang tudyo dito ng sabihin iyon.

“Nakakatawa man pero kinakausap ko talaga sila. Kapag pinabayaan ko sila, parang pinabayan na din kita.” Sagot naman nito.

Libo-libong mga bulaklak ang nakapaloob sa Nikki’s Palace na ibat-ibang klase. Hindi niya napasok ang loob niyon dahil umiwas siya kay Red ng ipakita iyon sa kanya.

“Redari!” gulat na banggit niya sa pangalan ng anak ng makita ito sa loob niyon.

“Mommy! There’s something I want to show you! There’s a girl inside! She looks like you!” sabi nito sabay hila sa kanya papasok sa loob at binuksana ng isa pang pinto na ngayon niya lang nakita dahil natatakpan ng mga nakadikit na animo ay palamuti doon.

Nang makapasok sila ay napadla siya sa nakita. The room looks like her photo studio because the place was full of photos of her since her first project in Spain! May mga magazines din doon na siya ang cover. Ang ibang mga pictures ay naka-frame bukod sa nakadikit sa dingding na nagmistulang wallpaper sa mga dingding. Sa may taas ng headboard ng kama ay may nakalagay na MY NIKNIK… she lloks at the ceiling and saw her picture with Red in the biggest size.

Naalala niya ang usapan nila nito ng unang beses nitong ipinakita iyon sa kanya.

“Sa susunod, ipapakilala ko siya sayo. Pero hindi pa iyon ngayon.” nakangiting sabi nito.

“Why? How come kilala mo kung sino ang nagbuhos ng oras at atensyon mapaganda lang ang lugar na ito?”

“Inaasikaso pa niya ang buhay pag-ibig niya. Hinihintay niyang ma-realize ng babae na gusto niya na sila talaga ang para sa isa’t-isa.”

Natawa siya. Kung gano’n siya pala ang tinutukoy ng asawa niya na babae na hinihintay nito na ma-realize na sila talaga ang para sa isa’t-isa.

“Niknik!”

Nilingon niya si Red na gulat na gulat. Mukhang hindi nito malaman ang gagawin ng makita na nasa loob sila ng kuwarto na iyon.

“So? Is this an another surprise of yours?” tudyo niya dito.

“How did you found this?” manghang balik-tanong nito.

“I am the one who found this Daddy! She looks like Mommy! She’s very very pretty!” singit ng anak nila at nagpakarga dito.

Natawa siya. Mukhang hindi alam ng anak nila na siya at ang babae na nakadikit sa mga dingding na nakita nito ay iisa.

“You, my little princess. This place is my secret place for so many years! Hindi ako makapaniwala na ikaw pa ang mismong makakadiskubre nito.” Pagkausap ni Red dito sabay pindot sa tungki ng ilong na ikinahagikhik naman ng prinsesa nila.

“Pero aaminin ko na mahilig mansorpresa ang alaga ko…”

Napatigil siya sa paglalakad. “Yaya Celia is right,” aniya at ngumiti rito.

Nagsalubong ang mga kilay nito. “Right about what?”

“Na mahilig kang mansorprea.” Sabay kurot sa pisngi nito.

Tumawa ito ng malakas. “Ito din ang laman ng envelope na ipinakita ko noon sa kaibigan mo para panatilihin ka niya sa tabi ko,” anito sabay kindat sa kanya.

Napasinghap siya.

Lumapit sa kanya si Red habang karga pa din ang anak nila at iginiya siya sa may pinto ng Nikki’s Palace.

“It’s raining again,” nakangiting sabi nito na parang may naalala.

She smiled back. Everytime she will remember that incident under the rain, she can’t help but smile.

Tumingala siya.

I finally found love, Mr. Raindrops. In fact, it was A love too great to die..

WAKAS

A Love Too Great To DieWhere stories live. Discover now