CHAPTER ONE

700 47 36
                                    

 “OH my God! Look at her! She’s so Eww!”

Nakayuko ang ulo na ipinagpatuloy ni Nikki ang paglalakad sa pasilyo ng Gianci Sapphire University kung saan siya nag-aaral. Hindi na bago sa kanya ang naririnig niya sa mga kapwa niya estudyante simula nang tumuntong siya sa prestihiyosong Unibersidad na iyon tatlong taon na ang nakalilipas.

Can’t blame them.. malungkot na sabi niya habang nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ng girl’s restroom. Doon siya dumiretso bago tumuloy sa klase niya.

Thick eyeglasses, T-shirt, rugged pants at rubber shoes ng porma niya. Ang buhok niya na lagpas-bewang ang haba at natural na kuloy ay simpleng naka-pony tail lang. Bukod sa mga mata niya na natural na kulay berde na namana niya mula sa yumaong ina niya ay wala na siyang maituturing na espesyal sa pisikal na kaanyuan niya. Alam niyang walang mali sa pananamit niya pero hindi naman niya masisisi ang ibang estudyante na laitin at pagtawanan siya dahil masyadong “antiquated” ang pananamit niya kumpara sa mga ito na liberated at mga sopistikada. For her, it’s not a big deal if no one notices her. Mas gugustuhin niyang mag-isa na lamang siya kaysa paligiran ng ibang magiging impluwensya at sagabal lamang sa tulad niya.

Para sa kanya, pumapasok siya sa eskwelahan para matuto, hindi para makipagsosyalan sa mga ito.

Nasa ikatlong taon na siya sa kursong BS Psychology. Ang kursong iyon talaga ang first choice niya dahil gusto niyang pag-aralan ang utak ng tao at ang mga posibleng nakakaapekto sa mga ugali ng bawat isa. Her dad told her that studying Psychology isa good. Madami daw siyang malalaman sa mga bagay-bagay. She didn’t have friends. Bahay-eskwela lang ang routine niya. Five years old siya ng mamatay ang mommy niya dahil sa sakit nitong leukemia. Simula noon, hindi na muling nag-asawa ang daddy niya at ibinuhos na lamang ang atensiyon sa kanya at sa kompanya nila. She is the only child of a business tycoon, Ryan Ocampo. Yes, they’re rich. But despite that, wala pa din siyang maituturing na kaibigan. Kahit anong pilit ng daddy niya na sumama siya sa mga business trip nito sa abroad ay hindi siya nito mapilit. Hindi dahil wala siyang interes sa kompanya nila kundi dahil ayaw niya lang mapahiya ang daddy niya dahil sa kanya.

For eighteen years, pinalaki siya ng daddy niya ng tama at sobra-sobrang pagmamahal ang binigay nito sa kanya. From then, ibinuhos niya ang sarili sa pag-aaral at iniwasan ang pupuwedeng makasagabal sa kanya bilang bayad sa lahat ng paghihirap ng kanyang ama para sa kinabukasan nilang pareho at ipinagmamalaki niya ang ama niya dahil doon. Kung ang ibang kaedad niya ay mga nobyo o kaibigan ang inspirasyon sa pag-aaral, iba siya. para sa kanya, ang Daddy niya ang inspirasyon niya sa lahat ng bagay na ginagawa at gagawin niya.

In school, she was known for being a campus nerd dahil sa pagiging bookish niya at palaaral. Okay lang ‘yon sa kanya. She’s just being true to everyone at para sa kanya ay mahalaga ‘yon. Though she didn’t want any attention, hindi pa din maiwasan ‘yon kapag dumadaan siya at ipinagwawalng bahala ang pagbubulungan ng mga nadadaanan niya.

As long as alam niya na wala siyang ginagawang masama at wala siyang nasasaktan, hinding-hindi niya babaguhin ang sarili niya para sa mga ito para lamang tanggapin siya. Masaya naman siya kaya hindi issue sa kanya ang mga ganoong bagay. As long as he is living with her Dad in a very peaceful life.

*****

“OKAY class. That’s all for today. Be ready for our practical test tomorrow.”

Isa-isa nang nag-alisan ang mga kaklase ni Nikki dahil tapos na ang ikatlong klase nila para sa araw na ‘yon. Tumingin siya sa relo niya at napagtantong lagpas alas dose na pala ng tanghali.

“No wonder..,” bulong niya sabay hawak sa sikmura dahil biglang tumunog ‘yon.

“Ahm, Ms. Ocampo?”

A Love Too Great To DieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora