CHAPTER FIVE

297 40 26
                                    

Eight years later…

Ninoy Aquino International Airport..

Finally, I’m back.

Tumigil sa paglalakad si Nikki at sinusing mabuti ang mga tao sa paligid niya. Napatingin siya sa isang partikular na babae na mayroong kulay ginto na buhok na nakangiti sa kanya at kinakawayan siya. Malalaki ang hakbang na lumapit siya dito at nginitian kaagad ito.

“Welcome back to the Philippines, Ms. Arianne!” bati ni Tasha sa kanya.

Bago pa siya makasagot ay naramdaman na niya ang kislapan ng mga camera. Hindi man siya lumingon ay alam na niya kung sino ang mga iyon. Nag-aalalang tiningnan siya ni Tasya.

“Ms. Arianne! Anong dahilan at nagbalik ka sa Pilipinas?”

“Totoo ba ang balita na ikakasal ka na kay Uchiha?”

Hindi niya sinagot ang tanong ng mga ito. Kaagad silang sumakay sa kotse na dala ni Tasha. She asked herself if it was wrong to go back to her country. Lihim lamang ang pagbabalik niya dahil alam niya na mangyayari ang ganoon kapag kumalat na babalik siya ng Pilipinas pero mukhang nakatunog ang media sa pagbabalik niya makalipas ang walong taon.

Nang umalis siya ng bansa at nagpunta sa Spain upang buuing muli ang sarili ay napasok siya sa showbiz. Noong una ay hindi niya alintana ang buhay ng pagiging artista pero buhat nang magsimula ng makilala ang kanyang pangalan ay hindi niya alam na ganoon pala kakomplikado ang industriya na napasok niya. Sa Spain na niya din nakilala si Tasya na isa naming tanyag na ballerina at naging kaibgan niya. Dito niya nalaman na pinsan pala nito si Mex Mitchelle na schoolmate niya sa GSU nang banggitin niya na kamukhang kamukha nito ang dalaga. Umuwi sa Pilipinas si Tasha dahil tulad niya ay gusto din nitong mag relax na muna. Mas matanda siya dito ng dalawang taon.

“Oh, it’s raining,” rinig niyang sabi nito na nakatingin sa labas ng bintana habang binabagtas nila ang daan patungo sa bahay ng mga ito na tutuluyan niya.

Suddenly, an incident flashed through her mind. That day was a rainy afternoon too..

Pagkatapos ng huling klase, mabibilis ang hakbang na hinanap ni Nikki si Red ngunit naka-ilang ikot na siya ay hindi niya pa din ito makita. She didn’t mind kahit basang basa na siya ng ulan sa paglalabas-masok sa iba’t ibang departamento sa paghahanap dito. Hindi niya maintindihan kung bakit iba ang pakiramamdam niya. Hindi niya binigyang atensyon ang mga kalalakihan na sinasadyang harangan ang dadaanan niya.

Nang makita siya ng mga kaklase niya ay napamaang din ang mga ito. Ang iba ay tinanong pa kung tama ba ang klase na pinasukan niya. Some of them asked who she is and she simply say she’s Nikki Ocampo. Ang iba sa mga ito ay napamaang sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Maging ang pagiging kulay berde ng mga mata niya ay hindi pinalampas ng mga ito at inakalang peke iyon na para bang ngayon lang ng mga ito iyon nakita. Namana niya ang kulay berde na mga mata sa namayapa niyang Mommy na half-British.

Magpapahinga na sana siya sa gym nang may maulinigan siyang nag-uusap sa likod niyon. Hindi niya alam na may tagong lugar pa pala sa parte niyon. Pinuntahan niya ang tagong lugar at nakita niya ang kanyang hinahanap na kasama ang mga kaibigan nito.

Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila, aalis na lang ako..                     

Akmang aalis na siya nang maulinigan niyang binanggit ng isa sa mga kaibigan nito ang kanyang pangalan.

Out of curiosity.. aniya sa isip at hinintay kung ano pa ang sasabihin ng mga ito.

“You shouldn’t do that Red! She didn’t deserve that! She’s a naïve, yes. Pero dapat sa simula pa lang alam mo nang may masasaktan ka. Tell me, do you really love her?”

A Love Too Great To Dieحيث تعيش القصص. اكتشف الآن