CHAPTER THREE

306 41 43
                                    

Pagkalipas nang ilang oras ay nakarating din sina Nikki at Red sa mansyon nang huli sa Sta. Cruz, Manila. Engrandeng tingnan ang labas ng bahay. Punong-puno din ng mga bulaklak ang hardin ng mga ito at may napansin pa siyang grotto sa pinakasulok niyo malapit sa swing. Pero mas engrande pa pala ang loob niyon. Meditteranean ang style ng mansyon ng mga ito. Halatang mamahalin din ang mga muwebles doon at mapapahiya kang hawakan dahil sa kikintab ng mga iyon. Iginila ni Nikki ang paningin sa loob ng bahay at nahagip ng tingin niya ang babae na naka-wheelchair habang tulak-tulak ni Red. The girl is about 15 years old, she guessed.

“Who is she, Kuya?”

“Ella meet Nikki. Nikki meet Ella, my only sister.”

The girl looks like an angel. Napakainosente ng mukha nito. Kahit nakaupo ito sa wheelchair ay hindi maikakaila na napakatangkad nito. Mataman siya nitong tiningan mula ulo hanggang paa. At nahiya siya sa suot niya.

The girl smiled at her. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanya at sa kapatid nito. “Ngayon lang nagdala ng babae dito sa bahay si Kuya Red. Maybe because you’re someone special,” pilyang sabi nito na ikinapula niya ng husto.

May pagkamaldita pala ang isang ito.

 “Ella stop. Baka matakot si Niknik at biglang umalis.” Tumingin ito sa kanya. “Magluluto lang ako.”

He can cook? She found it sexy and yummy. She imagined him cooking. A man in the kitchen is a sight indeed with a chef hat, bow tie and apronhe will have my full attention.

Ibinalik niya ang tingin dito at tumango. Naiwan silang dalawa ni Ella sa living room.

“Girlfriend ka ba ni Kuya?”

“Nope. We’re schoolmates.” Sagot niya dahil iyon naman talaga ang totoo

“Yon lang? Sa nakikita ko sa kanya, hindi eh,” nakalabing tugon nito.

Natawa siya. Naalala niya si Mex dito. Parehong pareho ang dalawa na ito nang ugali. Nilapitan niya ang family picture na nakadikit sa dingding at matamang pinagmasdan iyon. Mukhang matagal ng kuha ang larawan na iyon dahil hindi maipagkakailang bata pa ang dalawang magkapatid nang kunan iyon.

“Mabait si Kuya. Simula nung maaksidente kami nina Mommy at Daddyat naging ganito ako dahil doon ay inako na niya lahat ng responsibilidad. I was 13 then when we met an accident. Binangga ng isang bus ang kotse namin at nahulog iyon sa bangin. Dead on arrival sina Mommy at Daddy sa ospital habang ako ay ilang buwan din na-comatose at na-trauma. Eskwela-ospital ang naging routine niya noon,” panimula ni Ella habang nakatingin din sa family picture na tinitingnan niya bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana na para bang napakapait balikan ng alaalang iyon. “Napilitang huminto si Kuya sa pag-aaral nang magising ako. He told me that he will be the one taking care of me from that day on. Wala akong magawa kundi pumayag. Depression is killing me that time. Sinisisi ko din ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa maagang pagkawala nina Mommy at Daddy. Nilalambing ko kasi noon si daddy kaya hindi na niya napansin na isang bus ang papasalubong sa amin na lasing pala ang driver. Natatakot si Kuya na hindi ko makayanan ang depresyon plus the fact na ang bata ko pa nang mangyari ‘yon,” mapait na sabi nito habang nakatingin pa din sa labas ng bintana.“I encouraged Kuya Red to continue his studies. Malaki na naman ako kaya I know how to take care of myself. At nalilibang naman ako sa pagbabasa ng mga libro dito sa bahay. He told me na may kilala din siya na babae na mahilig din sa mga libro. Ikaw ‘yon di ba?” tanong nito na ikinalingon niya.

“Paano mo naman nasabi na ako nga ang babae na tinutukoy niya na mahilig din na magbasa ng libro?” sagot niya.

Ngumisi ito. “Simple lang. He told me that one of these days, he will bring her here.’

A Love Too Great To DieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora