CHAPTER EIGHT

321 34 13
                                    

Dahan dahang iminulat ni Nikki ang mga mata nang makarinig ng ingay. Dahan dahan din siyang bumangon at napansin ang benda sa kaliwang paa niya. Pagkaalala sa nangyari ay pinakiramdaman niya ang katawan. Maliban sa nabaliang paa ay wala ng masakit sa kanya ngunit ramdam pa din niya ang pagod dahil sa ilang oras na pagtakbo nila ni Red ng nakaraang araw habang malakas ang ulan..

Red! Pagkaalala dito ay agad na hinayon ng mga mata niya ang silid ngunit wala ito roon. Bababa na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang hinahanap niya na may dalang tray ng pagkain. Ngumiti ito ng makitang nakatingin siya dito.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong naman agad nito ng makalapit sa kanya at inilapag ang pagkain.

Hindi pa man siya nakakasagot ay biglang bumukas ulit ang pinto at pumasok ang isang may edad na babae.

“Magdamag kang binantayan ng batang iyan, hija. Kung hindi ko pa siya itinaboy dahil bibihisan kita eh hindi pa aalis sa tabi mo. Napakalaki talaga ng tama ng batang ito!” imporma nito sa kanya na may kasama pang pag-iling at kinuha ang pagkain mula kay Red.

Nagtatanong ang mga matanag nilingon niya si Red. Gusto niyang matawa sa hilatsa ng mukha nito na animo’y natuklaw ng ahas habang nakatingin sa may edad na babae. She knew why. Red didn’t expect that kind of revelation especially in front of her.

“Ako nga pala si Yaya Celia, hija. Pasensiya ka na at nakalimutan ko ng magpakilala sayo. Walang binatbat ang mga magazine ngayong nakita na kita sa personal. Napakaganda mo pala talagang dalaga,” puno ng papuri na sabi nito sa kanya.

She smiled sweetly. “Thank you po. Tawagin niyo na lamang po akong Nikki.”

“Sya nga pala. Naisipan kong pasamahan ka kay Red na ipasyal dito para naman kahit papaano ay hindi mo alalahanin ang pagkirot ng paa mo. Ok lang ba iyon sayo?”

A whole day with Red? Napatingin siya sa binatang matamang naghihintay ding sagot niya. Gustuhin man niyang tumanggi ay wala na siyang nagawa kundi tumango.

“Kung gayon ay magbihis ka na at gumanda na ang panahon. Sana ay ma-enjoy mo ang pananatili dito,” anito bago lumabas kasunod si Red.

Sa isip niya ay gagawin niya iyon dahil sa plano niya.

*****

Manghang pinagmasdan ni Nikki ang iba’t-ibang klaseng mga bulaklak sa pinagdalhan sa kanya ni Red. Kung sa palasyo ay mga bantay ang nakapaligid, ito naman ay napapaligiran ng mga bulaklak. The place was cool! Animo isa lamang iyong simpleng tanawin mula sa malayo ngunit nagpumilit siya kay Red na makita iyon sa malapitan at namangha siya. Hindi niya alam na may gano’ng lugar doon lalo pa at tago lamang ang mansyon na ayon dito ay namana sa mga magulang ng tumuntong sa tamang edad.

“Sa tingin ko, lahat ng klase ng bulaklak ay andito na! I salute the one who made this!” Makilala niya lamang kung sino ang nasa likod ng napaka-artistic na lugar na iyon ay kakamayan niya talaga iyon.

“Sa susunod, ipapakilala ko siya sayo. Pero hindi pa iyon ngayon.” nakangiting sabi nito.

“Why? How come kilala mo kung sino ang nagbuhos ng oras at atensyon mapaganda lang ang lugar na ito?”

“Inaasikaso pa niya ang buhay pag-ibig niya. Hinihintay niyang ma-realize ng babae na gusto niya na sila talaga ang para sa isa’t-isa.”

Bagaman naguguluhan siya sa sinabi nito ay hindi na siya nagkomento. Pinagsawa niya na lang ang mga mata sa paligid. Nasa likod bahay lamang sila ng mansyon at hindi siya makapaniwala na napakalaki ng lupaing sakop niyon. Gustuhin man niyang libutin pa ang bawat sulok niyon ay hindi niya magawa dahil paika-ika pa siya.

A Love Too Great To DieOnde histórias criam vida. Descubra agora